CHAPTER 11 ANNIE's POV: BAGONG umaga na naman. Hindi ako gaanong nakatulog nang maayos dito sa silid ni Tristan. Siguro ay naninibago lang ang aking katawan dahil hindi naman ako sanay na merong katabi. Yes, magkatabi kaming natulog. Hindi na ako nag-atubli pang magreklamo o mag-inarte dahil sa sobrang sarap kong magmasahe kagabi ay nakatulog na ang lalaki. Hindi ko na rin nagawang gisingin siya kaya tumabi na lamang ako sa kanya. At ngayon ay nagising ako pasado alas-kwatro ng umaga. Kumakalam na kasi ang aking sikmura dahilan ng aking pagkagutom. I was about to stretch my arms, kaya lang hindi ko magawang makapag-inat ng braso dahil ngayon ko lamang na-realize na nakasanday pala ang braso ni Tristan sa akin na siyang nakayakap sa katawan ko. Kaya dahan-dahan ko namang ini-angat ang