Hindi ko lubos akalaing seryoso nga si Sir Khiro na magpapakasal kami dahil kinabukasan may dumating na family lawyer nila at ang magaling na Khiro dito kami sa loob ng cottage ikinasal! Walang gown, decorations at mga bisita. Tanging si Khiranz at Steffi lang ang witness namin. 'Di ko mapigilang mapasimangot dahil hindi manlang siya nag effort ipaayos ang silid. 'Ni wala nga akong make-up at nakapang tulog pa kami kainis! Kayang- kaya naman niya'ng gawing romantic ang kasal namin pero ni bouquet wala ako! Tanging singsing at ang pinermahan naming marriage certificate ang dala ng attorney nila. Bw*sit na 'to! Tinaguriang billionaire heirs pero napaka kuripot. Nagpupuyos ako sa inis sa buong seremonya ng aming kasal! 'Yun ay kung matatawag ba'ng kasal ito. Are you happy my wife?