Ang Boyfriend Kong... Clause 13: Ang Boyfriend Kong... minsang ma-effort. Kat's note: Kahit hindi masyadong uso sa kanya, marunong din naman siyang mag-effort... kapag gusto nga lang niya at kapag nakaisip siya ng gimik. HAHAHA. Time Frame: November 2014 Galing kami sa isang birthday party sa McDo. Birthday kasi ng kapatid ni Hazel at invited kami. At dahil gabi ang schedule nila, gabi na din kami nakauwi. At itong si Nicolo napagtripan akong sunduin dahil pauwi pa lang din naman siya. "Iha, sabayan mo namang umuwi 'tong si Hazel. Ang daming dalahin eh," sabi ng mommy ni Hazel. "Ah opo, tita! Wala pong problema." I smiled at her. "Okay lang?" tanong ni Hazel. "Oo naman," I said. Walking distance lang naman 'yung bahay nila Hazel dito sa McDo kaya wala ng problema at dahil ihahatid