Ang Boyfriend Kong... Clause 12: Ang Boyfriend Kong...supportive [part 2] Two weeks after kong magpasukat, balik na naman kami sa loob ng boutique ni Raquel Caro. Nakapagpasukat na din sila Nic at Lei pero hindi pa nila makukuha. Naiwan si Nic pati si mama sa lounge kasama nung iba pang mga kumukuha ng dress at 'yung ibang naghahabol na magre-rent. Sinamahan naman ako nung isang assistant para tulungan akong makapagbihis. Could I just say that I quickly fell in love with my dress? Noong panahon na 'yun, nasabi ko na totoo ang love at first sight. Nung nakita kong nakasabit yung damit sa dressing room feeling ko mapapaiyak ako sa tuwa kasi ang ganda. Agad naman akong nagpalit and thank God perfect fit sa'kin yung damit. Humarap ako sa salamin at nasabi kong gusto ko nga itong dress na