Ang Boyfriend Kong...
Ang Boyfriend Kong... kapatid pala ng classmate ko.
Kat's note: This is where the familiarity came from. Kaya naman pala pakiramdam ko nakita ko na siya noon. This is the reason. Paano ko nalaman? Destiny made so! Hala, HAHAHA joke lang.
P.S. Lalaki po si Nicolei. At oo, straight siya.
Time Frame: Middle of School Year
Pagpasok ko naman kinabukasan after ng 'Jeepney Love Story' ko with Mr. Jeepney kinuwento ko kaagad sa mga kaibigan ko 'yung nangyari. As in lahat!
"Ikaw, Kat ah! Baka mamaya gawa-gawa mo lang 'yan, iniinggit mo lang kami ni Fatima," sabi ni Hazel.
"Ako pa ba magsisinungaling sa inyo?" I asked. "Hindi lang kayo may karapatan na makasakay niya sa jeep 'no!"
Napatawa naman 'yung iba naming classmate na nakikinig din.
"Oo nga naman kasi. Itong dalawang 'to kala mo sa kanila si Mr. Jeepney," pag-irap naman nung isa naming classmate dun sa dalawa.
Natawa naman si Fatima. "Grabe naman kasi, ang weird!"
"Anong weird dun?" I asked.
"Ang weird kasi tatlo na tayong nakakasakay niya sa jeep dito sa loob ng classroom."
Napatahimik naman kami kaya naisipan kong mang-inis. "Sabi sayo, Fatty eh." I slapped her arm lightly. "Kami meant to be."
Inirapan naman ako ni Fatima at napatawa ako.
"Sabi mo lang yan, Kat. Tignan mo 'pag 'yun nakasabay ko mamaya pag-uwi kami magkakatuluyan!" sabi ni Hazel.
"Edi kayo!" Pagtawa ko.
Nung break time naman si Mr. Jeepney pa din 'yung topic nila. Ayan tuloy 'yung iba naming classmate gusto na rin siyang makasakay sa jeep. Grabe lang ah? Pinagkakaguluhan siya.
"Pwedeng makisabay?" tanong ni Nicolei na classmate namin.
"Wow! First time mag baon!" sabi ni Fatima.
"Oo eh, GV (Good Vibes) mga tao sa bahay kagabi eh. Nag-Shakey's tuloy kami." He pulled a seat beside me and sat on it and began opening his Tupperware.
"Uy, kuha ka lang ng ulam samin ah," sabi ni Hazel.
"Sige lang."
Ganyan kasi 'yung sistema ng pagkain namin, share-share para masaya at madami.
"Ano 'yung pinagkukwentuhan niyo kanina?" pag-usisa ni Lei.
"Ah! 'Yung nakasabay nila Kat sa jeep," sagot nung isa naming classmate.
"Nakasakay sa jeep?" pagtatanong ni Lei nang nakakunot ang noo. Hazel hummed in affirmation. "Taga-san?" he asked.
"Hindi namin alam eh, nauuna kasi kaming bumaba sa kanya," Fatima answered.
Tumango naman si Lei. "Alam niyo kung saan nag-aaral? Baka kakilala ko."
Bigla namang nagliwanag yung mukha nitong si Fatima at Hazel. "Sa Bellarmine!" they both answered.
"Ah! Hmmm, anong itsura? Madami akong kilala dun."
"Pogi!" Fatima answered.
Natawa naman ako pati si Lei. "Ang ganda ng description mo ah? Kilalang-kilala ko na," he said sarcastically.
"Matangkad!"
Tumango si Lei. At dun na nagsimulang magpalitan si Fatima at Hazel ng kakasagot. Quiet lang ako.
"Moreno!"
"Matangos 'yung ilong."
"Varsity!"
"Naka-Headphones!"
"Ops!" Lei held up a hand to stop the two and they both shut up. "Razer yung tatak?"
"Ano yun?" tanong nilang dalawa.
"Hindi niyo alam yun? 'Yung ano--basta 'yung symbol parang tatlong ahas," he explained but he saw that Fatima and Hazel were still clueless on what he was talking about. "Green ba 'yung symbol?"
Tumango naman 'yung dalawa. Bakas sa mukha nung dalawa na naeexcite nila at base dun sa ngiting binigay ni Lei sa kanila, alam na nilang kilala ni Lei 'yung taong tinutukoy nila. Ewan ko ba pero ako din na-excite pero pilit kong tinatago.
"Varsity?" pagkumpirma ni Lei. Tumango naman 'yung dalawa. "Nakita niyong naka-jersey? Anong number?"
"16? 16 ata," sabi ni Hazel.
Bigla namang tumawa ng malakas si Lei. As in 'yung sobrang lakas na pati 'yung iba naming classmate ay napatigil sa mga ginagawa nila para tignan siya. Ang cute niyang tumawa. Tas dito ko na nalaman!
I tilted my head to the side and reached out to touch his face. Nagulat naman siya dun sa ginawa ko at napatigil sa kakatawa. I tilted his face on the side and re-positioned it a few times.
"s**t," I muttered when I realized. I dropped my hand and Lei gave me a winning smile. "Kuya mo yun 'no?"
Lei chuckled. "Oo," he admitted and leaned backwards.
"Weh?!" sigaw naman ng halos lahat ng babaeng nakakaalam nung kwento na kasabay naming kumain.
"Oo, kapatid ko yun."
"Anong pangalan?" halos sabay-sabay nilang tanong. 'Yung iba inusog pa 'yung upuan palapit kay Lei na parang hindi naririnig 'yung mga sinasabi niya.
"Ayoko!" Lei refused. "Baka bugbugin ako nun! Ayaw pa naman nun sa mga babaeng magugulo."
Bigla namang umayos ng upo 'yung mga babae. I don't know why pero ako din. Hala!
"Oh bakit kayo nagsi-ayos?" tawa na naman ni Lei.
"Ay nako Lei, baka mamaya niloloko mo lang pala kami!" sabi ni Hazel.
"Ah, ayaw maniwala!" Dinukot naman niya 'yung cellphone niya bulsa, touching the screen for a few times before showing it to us. It was a picture. At nandun nga si Mr. Jeepney. Selfie nilang mag-kapatid.
Akmang hahablutin ni Hazel 'yung cellphone ni Lei pero nilayo niya agad. "Ops! May nakasabay ba siya sa inyo kagabi?" tanong ni Lei at tumango sila. "Sino?"
"Si Kat," they answered.
Humarap si Lei sakin. "Ikaw?"
I nodded.
"Kaya pala," he muttered and smirked.
"Huh?" I asked.
But he ignored me. "Gusto niyo tawagan natin?" he asked the other girls. Mabilis naman silang um-oo at sinabi ni Lei na break time din ng kuya niya ngayon kaya pwede. Tinapat naman ni Lei 'yung phone niya sa tainga niya.
Kumakabog 'yung dibdib ko, hindi ko alam kung bakit. I tried to focus on what I was eating but I lost appetite kaya naman nagsimula na kong magligpit.
"Ang tagal!" reklamo ni Fatima.
Lei held up a finger to his lips. "Hello?" he said. "Pare...wala lang napatawag lang...teka lang," he said at ni-loud speaker 'yung phone niya. 'Kuya' yan 'yung nakalagay dun sa contact.
Tumayo naman 'yung ibang babae at lumapit kay Lei para mas lalo nilang marinig 'yung sinasabi nung lalaki sa kabilang linya.
"Oh ano?" tanong ng kuya ni Lei.
The girls then, squealed upon hearing his voice.
"Shhh!" pagsaway ni Lei.
"Ano yun?" tanong ng kuya ni Lei.
"Nakasabay mo yata 'yung iba kong classmate sa jeep. Ayun, hinahanap ka nila."
Natawa naman 'yung boses ng Mr. Jeepney. "Really?"
"Hinihingi nga 'yung pangalan mo eh. Hindi ko pa binibigay, manghihingi muna ako ng kapalit." Tawa ni Lei.
"Sino ba 'yung mga nakasabay ko dyan?"
"Dalawang babae. Actually, Pare," panimula ni Lei sabay tingin sakin at ngumiti ng pagka-lapad lapad. "Classmate ko din 'yung babaeng nakasabay mo kagabi."
Bigla namang nagtilian 'yung mga classmate ko at pinaghahampas ako ng dahil sa kilig. Don't get me wrong, kinikilig din ako. Ene be!
Hala ang landi!
Alam ni Lei. Ibig sabihin nakwento niya ko sa kapatid niya! At GV siya kagabi kaya nag-Shakey's sila kahapon na dahilan para makapagbaon ng pagkain si Lei at makasabay samin at malaman kung sino si Mr. Jeepney.
Is this fate working?
Tahimik naman 'yung kabilang linya ng phone.
"Hello?" sabi ni Lei.
"Oh talaga?" tanong naman ng kuya niya. "Anong pangalan?"
Bigla na namang tumili 'yung mga babae. Jusko po nakakarindi.
"Secret! Syempre dapat may kapalit din," sabi naman ni Lei.
"Baliw ka, Lei. Pag-usapan natin mamaya."
"Sige, bye."
At naputol na 'yung usapan.
Nginitian naman ako ni Lei at tumango. I crinkled my nose at him.
"Ay ang haba ng hair ni Kat!" sabi ni Fatima.
"Oo nga eh, kainggit," dugtong ni Hazel.
"Tumigil nga kayo dyan," pagsaway ko sa kanila. "Wala 'to," I said.
"Asus, wala daw."
Nagligpit na si Lei ng pinagkainan niya at tumayo. "Yun pa naman si Kuya, hindi tumitigil hangga't hindi nakukuha gusto niya." He smiled mischievously at me before walking back to his seat.
Nag-Ayiee naman 'yung iba naming classmate.
Oh God. What do I do?