Ang Boyfriend Kong...
Ang Boyfriend Kong... nakasabay ko lang sa jeep noon.
Kat's Note: Ang Boyfriend Kong... nakasabay ko lang sa jeep noon. So heto na nga, jumi-jeepney love story kami ni Nic. Dito ko lang siya unang nakita.
Time Frame: Middle of School Year
It was a very fine morning in the middle of the school year when I was third year when I heard my friend, Fatima, telling a story and the people around her were listening intently. Lumapit naman ako para makinig.
"...tas ang pogi-pogi niya talaga!" she said and the other girls squealed and some laughed.
"Fatima, kwento mo kay Kat dali!" sabi nung isa naming classmate.
"Ay Kat!" she said.
"Oh ano?" I asked. "Anong kwento?"
"May nakasabay kasi ako sa jeep kagabi! Ang pogi!" she almost squealed again.
I made a face at her. "Oh tapos?"
"Ayun, nauna akong bumaba sa kanya eh." She shrugged. "Pero ang cute niya talaga! Naka-head phones pa! Parang napaka-mysterious niya tuloy!"
"Naka-uniform ba? Saan nag-aaral?"
"Sa Bellarmine High, yung international school?"
"Ah," I said. I wasn't really interested about the guy. "Oh, and then?"
"Wala naman." She laughed. Then our conversation about him was over. Our classmates opened up a new topic about some guy who was about to get dropped.
But then a week later, this happened:
"FATIMA!" Nasa corridor pa lang yung classmate namin nagsisisigaw na siya habang papasok.
Napalingon naman kaming dalawa ni Fatima sa kinauupuan namin. Wala pa kasing teacher kaya nagselfie-selfie muna kami.
"Fatima!" sigaw nung isa naming classmate sabay takbo sa harapan naming dalawa.
"Oh, ano?" tanong ni Fatima.
"Nakasabay ko yata kahapon yung sinsabi mong nakasabay mo din sa jeep!"
"Weh?!"
"Oo! Ang pogi, tange!" they both squealed together. "Naka-head phones na black 'di ba na may parang symbol na kulay green sa gilid?" Panigurado niya.
"Oo, oo! Tas makapal yung buhok?" tanong ni Fatima.
"Oo! s**t, siya nga! Ang tangos ng ilong 'no?" Hazel--our classmate said.
"Nakakainggit," nag-pout naman si Fatima.
"Ginawa ko yung sinabi mo!" sabi ni Hazel and slapped Fatima playfully on the arm. "Yung titingin sa phone?"
"Oh anong nangyari?"
"Tumingin nga! Tas pati yung dun sa relo!"
Napatawa si Fatima. "Siya nga!"
Dumating naman na yung teacher namin kaya nagpaalam na si Hazel at umupo sa kinauupuan niya. Humarap naman ako kay Fatima at nagtanong, "Ano yung tungkol dun sa phone at relo?"
Bigla naman kasi akong naging interesado. Like, hello? Ako na lang ang hindi in sa kanila.
"Ah ayon, kasi kapag tumingin ka sa phone mo, titingin din siya sa phone niya. Ganoon din kapag tumingin ka sa relo," she explained.
I nodded my head and the class began. Weird.
Bakit ganoon? Bakit hindi ko manlang siya nakasabay sumakay ng jeep kahit kailan? At bakit ngayon lang din nila nakasabay samantalang madadaanan ng jeep 'yung school nila pag-uwi?
Time passed at break time na namin. Kinakain na agad namin 'yung lunch namin kahit break pa lang kasi ito yung mga oras na 'yung boys na buraot bumababa sa canteen.
Habang kumakain kami, kinukwento naman ni Hazel yung encounter niya with Mr. Jeepney. Natatahimik naman ako dahil wala naman akong alam tungkol sa kanya. "Fatima, varsity pala siya! Nakalimutan kong sabihin."
"Paano mo alam? Stalker ka no?" Fatima teased.
"Hindi ah! Di ko nga alam yung pangalan eh! Kahapon kasi parang kakagaling lang niya ng training tas naka-jersey. Ang hot nga eh!"
"Aw, sayang hindi ko siya nakasabay nang naka-jersey." Nag-pout na naman si Fatima.
"Wag kang mag-alala, makakasabay ulit natin siya," Hazel said at bigla namang lumiwanag yung mukha nitong si Fatima.
"Tama! Nako! Meant to be kami no'n! Magkikita ulit kami!"
I laughed at Fatima's enthusiasm. "Push mo pa, Fatty. Malay mo kami pala." I wiggled my eyebrows at her.
"Tumigil ka nga, Katerina. Nawawalan ako ng gana kumain sayo ah," she joked.
I laughed. "Binibiro lang naman kita eh." I smiled at her then said in a low voice, "Pero malay mo nga naman, di ba?"
Natawa naman 'yung mga classmate namin.
Malay mo nga naman talaga, di ba? We don't know what's waiting for us tomorrow.
And I really didn't know.
Yesterday, after lunch I was reminded na mayroon pala kaming project na dapat ipasa bukas na hindi pa namin nagagawa. Group project 'yun kaya naman naisipan namin gawin at kakatapos lang namin. Alam niyo naman, kapag estudyante, 'pag hindi pa kailangan hindi pa gagawin.
Kakasakay ko lang ng jeep at sobrang pagod na pagod na ko. Pagkabayad ko, pumwesto ako sa may bandang gitna dahil medyo matagal-tagal pa ko bababa. I played with the zipper of my bag dahil wala akong magawa. Nakakatakot namang maglabas ng cellphone baka mamaya ma-snatch pa sakin. Tanga-tanga pa naman ako kapag ganoon.
A few minutes later, tumigil 'yung jeep sa tapat ng Bellarmine High at may mga estudyanteng sumakay though hindi naman madami pero medyo napuno yung jeep.
"Bayad po."
Inabot ko naman 'yung bayad at pinasa sa isa pang kamay na nagaabang. Sinilip ko naman kung kanino nanggaling 'yung bayad at halos mapanganga nang makita ko kung kanino nanggaling.
Ito yata 'yung lalaking sinasabi nilang naka-headphones.
And he was seating just beside me.
Oh my God.
He wasn't wearing jersey instead he was in his uniform at syempre 'yung headphones niya. Hindi ako sure kung siya nga 'yun. But I wanted to make sure na siya nga 'yun. Kahit natatakot ako, I pulled my phone out and read a text message na kanina ko pa na-eceive pero ngayon lang bubuksan.
At tinignan niya nga din 'yung phone niya.
OMG!!!
Pero sinabi ko sa sarili ko na baka coincidence lang 'yun so after a couple of minutes, tumingin ako sa relo ko. Tas tumingin din siya sa relo niya.
Pakiramdam ko gusto kong matawa. What is the meaning of this?
Wait. Kung ginagawa niya yung ginagawa ko, ibig sabihin nakikita niya ko at napapansin. In short, he was watching me!
Well, somehow. Pero kahit na!
Grabe pakiramdam ko kinikilig ako!
I watched him from the corner of my eye at napansin kong ang tangos nga ng ilong niya. Side view ba naman nakita ko eh. Medyo moreno at base sa binti niya na medyo nakakasagabal sa gitna ng jeep dahil ang haba, matangkad siya. Buti na lang matangkad siya. Hirap pa namang humanap ng matatangkad ngayon sa Pilipinas. I sighed. Nabanggit ko na ba yung height problem ko? I was tall for most girls. I'm on 165 cm.
Siguro mga nasa 5 feet 9 inches 'tong lalaking 'to. Cute siguro namin kapag naglakad kaming dalawa. I almost giggled at the thought.
Hala ka, Kat! Para kang timang dyan. Ni hindi mo nga alam kung sino yang katabi mo.
Pero maliwanag sakin na siya 'yung pinagpapantasyahan ng mga kaibigan ko. At nandito siya sa tabi ko... isang araw matapos kong sabihin kay Fatima na baka kami ang meant to be. Isang araw matapos kong i-consider na makasakay ko rin siya sa jeep.
So ano na namang iniisip mo, Katerina? Na meant to be kayo? Asus! Hindi ka pa ba nagsasawa sa drama na yan? Napaka-advance mo naman! Napaka lawak talaga ng imahinasyon mo eh 'no? Meant to be? Di na uso sa panahon ngayon 'yan.
I closed my eyes and tried to focus on my surroundings, niraramdam kung anong pakiramdam nitong katabi ko. Ang lakas ng music niya but not loud enough para ma-determine ko kung anong pinakikinggan niya. Base sa nararamdaman ko, parang pagod siya, resigned kumbaga; slouched arms and his head pressed against the head foam. At para naman akong nahawa sa mood niya at na-realize ko kung gaano ako kapagod.
Deadma na katabi ko siya. Basta alam ko napapagod ako.
Tumigil na naman yung jeep sa may isang subdivision at may sumakay na tatlong teenager na babae. Hindi na ko nagambala pa para tignan dahil wala naman akong interes na malaman kung sino sila. Siguro mga nag-gala.
After a few seconds, I heard a few girls whispering to one another and fit of giggles. Kaya naman napamulat ako. Ito yung pinaka-ayoko sa lahat eh--'yung naiistorbo.
Base from their uniforms, they were from public. Though we all know na most ng public student ay gangster at jejemon, there are still a whole lot of smart kids in public schools. Pero itong tatlong babae sa harapan ko, I think they belong on the first rather than the latter. They were giggling and were batting their eyelids especially the girl in the middle. To whom you may ask? Syempre dun sa katabi ko, not unless boom-boom sila at ako ang gusto nila.
I shifted my eyes to the person I was seated next to. Nakapikit siya, trying to get some sleep maybe. Napansin ko na ang haba ng pilik mata niya. Umayos na lang ako ng upo at sumandal ulit, parang yung posisyon ko kanina. Pero yung utak ko hindi makapagpahinga dahil dun sa mga babaeng nasa harapan ko. Hagikgikan nang hagikgikan. Hindi naman sila naririnig ni Kuyang Naka-headphones. Useless.
Merong mga pasaherong bumaba at mayroon din naman sumakay. I just tried to concentrate on what were the stuff still needed for our little project, it was a role play by the way.
"Bayad," sabi ng isang ale.
I opened my eyes para maabot ko at nasaktuhan ko namang pagdilat ko, may kamay sa harap ko. I looked at the owner and saw that he was the one giving me the coins. I opened my palm and the fingers dropped the coins on it, the boy's fingertips touched the center of my palm. At parang dun niya binukas 'yung mga daliri niya kaya medyo nakakakiliti. Hindi ko manlang napansin na may sumingit na pala saming dalawa.
Inabot ko 'yung bayad at napaisip na naman. I saw his face. Ang pogi niya nga! Now I know why they're making such a huge deal about him. Tsaka parang may kamukha siya... feeling ko nakita ko na siya noon.
Kahit gaano ko ginusto na mag-stay at hindi bumaba, syempre hindi pwedeng hindi. At nung dumating na yung puntong 'yun, feeling ko hinahatak ako nung upuan na 'wag umalis. But nonetheless, nung tumigil yung jeep sa tapat ng subdivision namin, I got up, took my bag with me, at bumababa ng jeep nang hindi lumilingon.
I hitched my bag to my shoulder at dahan-dahang naglakad at tumawid. Alam ko kasing pinapanood niya ko. Wag assuming, you'll say? Pero alam nyo naman ang mga babae, mayroong sixth sense sa mga gantong panahon. And that sense told me na pinanood niya kong bumaba ng jeep hanggang hindi niya na ko makita.
Napakanta na lang ako ng 'Jeepney Love Story' sa utak ko at inisip kung kailan ko siya ulit makakasabay sumakay ng jeep.