Episode - 2

2056 Words
BINUBUO ang bawat grupo nina Diego ng limang katao. Two hundred meters away ang target mula sa kinatatayuan nila. Nang magradyo ang commander nila ay kumilos na sila at agad nilang pinasok ang kagubatan. Kumpiyansa si Diego na maililigtas nila ang dalaga. Iyon lang ang nasa isipan niya. Wala siyang pakialam sa ibang hostage. Napakatahimik ng kapaligiran, tanging mga kaluskos lang ng nalaglag na mga dahon ang naririnig nila. Sumenyas ang isang kasama nila at nagpatuloy sila sa paglapit sa target. Fifty meters away ay huminto uli sila nang makaramdam ng kakaiba si Diego. Umikot ang mga mata niya sa paligid. Agad siyang gumulong papalapit kay Dante. “Bro, palagay ko may ibang grupong nasa malapit.” “Paano mo nalaman, pare? Wala naman akong napapansin sa paligid na kakaiba,” ani Dante. “Trust me, bro. Kaya doble-ingat, baka kalaban din ang mga ’yan. Lagi mong tatandaan: Protect yourself first bago ang iba.” Natigilan si Dante. Ang kaibigan niya ngayon ay nag-i-English pa. Napangiti siya. Sino’ng maniniwala na isang tambay lang ito? “Move!” senyas ng kasamahan nila. Ito na ang final order para pasukin nila ang lungga ng kalaban. Napakaraming armadong kalalakihan sa paligid ng abandonadong lugar. Mukhang kuta talaga iyon ng mga rebelde. “Dapa, bro!” sigaw ni Diego kay Dante. Kitang-kita niya na isa-isang nagbagsakan ang mga nakatanod na rebelde. “Bakit, pare?” tanong ni Dante “F*ck! Sniper! Sabi ko sa ’yo, may iba pang grupo dito, eh. Sumunod ka lang sa ’kin at ’wag mong pansinin ang mga kasamahan natin.” Nagtataka si Dante sa kilos at pananalita ng kaibigan. Ngunit hindi ito ang tamang oras para magtanong pa siya. Kusang humiwalay si Diego sa grupo nila kasunod si Dante. Mabilis ang kilos nilang narating ang loob ng kuta ng kalaban. Nagulat pa si Dante nang bigla siyang hilahin ni Diego. Sa sobrang bilis ng kaibigan ay tumimbuwang agad ang isang armadong lalaki. Hindi sila puwedeng gumamit ng baril dahil magugulantang ang kapaligiran sakaling may magpaputok. Ilang kalalakihan pa ang nakasalubong nila at knife lang ang ginamit nilang dalawa laban sa mga ito. Sobrang bilis ng galaw nina Diego at Dante. Isa-isa nilang sinilip ang mga hostage nang makita nila kung saan itinago ang mga ito. Hinanap nila kung nasaan ang dalaga. Ilang daan ang mga nakagapos sa rehas na mga kahoy, ang iba ay mga sugatan pa. Nagkubli sila nang makarinig sila ng mga yabag. Halos hindi sila humihinga ni Dante. Kitang-kita nila ang mga nakaitim na maskara. Mabilis ang mga kilos ng mga ito habang binubuksan ang mga rehas na kahoy. Ang mga babae ay nag-iiyakan habang nagtatakbuhan. Mabilis ang mga mata ni Diego, isa-isang sinuyod ang kababaihan. Hanggang isang babae ang namataan niyang nakatabon ng tela ang mukha at halos mga mata lang ang kita. Pinasadahan niya ang kabuuan nito at hindi siya puwedeng magkamali. Si Aqua ang babaeng ’yon. “I saw her, bro,” ani Diego, ngunit hindi pa man sila nakakikilos ay nagkaputukan na. Nagkagulo sa loob ng kuta kaya agad silang tumakbo ni Dante papalapit sa mga hostage. Maraming tinamaan sa mga hostage nang walang kalaban-laban. Sobrang pag-alaala ang nararamdaman ngayon ni Diego para sa dalaga. At nang magkaroon ng pagkakataon ay tinalon niya ito. Kasabay ng pagbagsak nila sa damuhan ay ilang bala ang dumaplis sa kanila. Nanginginig sa takot ang dalaga na napayakap na lang sa kanya habang umiiyak. “Sshh. Calm down, ililigtas kita.” Nag-angat ng mukha ang dalaga at nagkatitigan sila. Kusang tumaas ang palad ni Diego para pahirin ang luha nitong dumadaloy sa magkabilang pisngi. Nakaramdam ng kapanatagan ang dalaga sa tinuran ni Diego. Kailangan niyang magtiwala para sa kaligtasan niya. Malakas ang putukan sa paligid kaya nanatili silang nakadapa habang pinoprotektahan ni Diego ang dalaga. “Trust me. Mamamatay muna ako bago may mangyari sa ’yo, pangako ’yan.” Napatango na lang si Aqua at saka pumikit. Sa laki ng katawan ni Diego ay halos matakpan siya nito. Nang biglang tumahimik ang kapaligiran, agad iginala ni Diego ang mga mata sa paligid nang maalala niya ang kanyang kaibigan. Tatayo na sana siya para umalis sa pagkakadapa nang bigla na lang kumirot ang kanyang ulo. Napansin agad ni Aqua ang paghawak niya nang mahigpit sa magkabilang sentido. Ang tagpong iyon ang namataan ni Dante, kaya agad niyang tinakbo ang kaibigan. Ngunit dalawang putok ang umalingawngaw sa paligid. Habang namimilipit sa sakit si Diego ay kitang-kita niya ang pagbagsak sa lupa ng kaibigan. “Bro!” malakas na sigaw niya. Dahil sobrang sakit ng kanyang ulo ay hindi niya magawang tumayo. Umiyak si Aqua sa tabi niya kaya nilingon niya ito. Dalawang nakasuot ng itim na maskara ang nakatutok ang baril sa ulo niya. “No! Please don’t shoot him. He saved me.” Sabay yakap ni Aqua kay Diego. Unti-unting nagdilim ang paningin ni Diego. Bago pa man mawalan ng malay ay itinaas niya ang kamay para abutin ang dalaga. “P-Please be safe.” Bago pumikit ang mga mata ni Diego ay narinig pa niya ang isang sigaw. “Drake!” Nagtataka ang dalawang elite force member sa kanilang boss. Bakit kamukha ng mga ito ang walang-malay na lalaki? Kakambal din ba nila ito? Bago pa lang sila sa grupo kaya hindi nila tunay na kilala ang kanilang boss. Napaluhod si Josh at mahigpit na niyakap ang walang-malay na si Diego. Habang tumutulo ang luha ay siyang dating naman ng iba pang elite force member. “Kuya, what happened? Sino ang lalaking ’yan?” Dahil yakap ni Josh ay hindi kita ang mukha ni Diego. “Si Drake ’to.” Hindi makapaniwala ang dalawa nang makita ang mukha ng kapatid. Napaiyak sila at agad niyakap ang kapatid. “Boss, kailangan na nating lisananin ang lugar bago pa man dumating ang iba pang mga rebelde.” Nagpalipat-lipat ang tingin ni Aqua sa apat na lalaking magkakapareho ang mukha nang mag-alis ang mga ito ng suot na mask. “Bring him to the chopper at bigyan n’yo ng first aid ang lalaking ’yan!” turo ni Josh kay Dante na may tama ng bala. Napaungol si Diego. Alam nilang wala itong tama ng bala kaya hindi sila masyadong nag-alala sa kapatid. Dahan-dahang nagdilat ng mga mata si Diego. Nang mabungaran si Aqua ay agad niya itong niyakap. “A-Are you okay?” “Y-Yeah, I’m good.” Saka lang naalala ni Diego ang nangyari. Agad siyang nagtaas ng mukha. Nagtaka siya nang makita ang mga lalaki sa paligid nila. Si Delta ay hindi na nakatiis at muling niyakap ang kapatid. Isang elite force member ang lumapit kay Josh. “Sir, parating na ang mga rebelde, umalis na tayo dito.” “Let’s go, guys!” Agad nilang inalalayan si Diego pero mabilis itong umalma. “Sino kayo? Huwag n’yo ’kong hawakan, kaya ko ang sarili ko!” Agad niyang nilapitan ang dalaga at hinila ito papalapit sa kanya. Nagkatinginan ang tatlo, nagtataka sa ikinikilos ng kapatid na si Drake. Habang naglalakad ay nakaalalay si Diego sa dalaga. Nang mapangiwi ito ay agad siyang nag-alala. “P-Puwede bang tumigil muna tayo? Ang sakit-sakit na ng paa ko. Please?” Napatili na lang si Aqua nang bigla siyang kargahin ng binata. “Hold tight.” Napayakap na lang si Aqua sa leeg nito sa takot na mahulog siya dahil sa bilis ng lakad ni Diego. Sina Josh, Delta at Dark, ay nakasunod lang sa kapatid. Malayo rin ang lalakirin nila. Nang makarating sa lugar kung saan puwedeng lumanding ang chopper ay huminto sila. Nakarinig sila ng paparating na chopper kaya halos takbuhin nila ang lugar. Natanaw nila ang ibang elite force habang nakaposisyon pa rin sa lugar. Naroon na rin ang lahat ng hostage, hinihintay ang pagbaba ng chopper. Ilang militar ang lumitaw sa kagubatan, sumaludo pa ang mga ito kay Josh. “Sir, nariyan na ang truck na sasakyan ng mga tao.” “Sige, kayo na’ng bahala sa kanila, ba-backup na lang kami habang palabas kayo sa lugar na ’to. Kapag na-secure na ang area ay saka kami aalis.” Matapos magpasalamat kay Josh ang may-edad na tenyente ay sumakay na sila ng chopper. Si Aqua na dapat sasakay sa truck ay hindi binitiwan ni Diego. Nang mailapag ni Diego ang dalaga sa upuan sa chopper at malagyan ng seat belt ay hindi pa siya sumakay. Tinawag siya ng mga elite para sumakay na dahil kailangang makaalis na sila sa lugar na iyon. “S-Sir, ang kaibigan ko, hindi ko siya puwedeng iwan.” “Kung ang tinutukoy mo ay ang lalaking may tama ng bala, safe na siya at nasa kabilang chopper na.” Napatitig si Diego sa nagsalita na kamukhang-kamukha niya. Hindi siya nagkakamali, ito ang mga lalaking madalas na pumasok sa alaala niya. Tahimik na umakyat si Diego sa chopper at tinabihan si Aqua na tahimik lang habang nakasandal at nakapikit. Naguguluhan si Aqua sa apat na lalaking iisa ang mukha. Ibig sabihin ay quadruplets ang mga ito. ‘Ngunit bakit hindi kilala ng isang ’yon ang tatlong ito?’ Nasa himpapawid na sila nang abutan ng headset ni Josh si Diego. “Use it para makarinigan tayo,” utos ni Josh kay Diego na agad naman niyang sinunod. “Drake, ano’ng nangyari sa ’yo? Bakit hindi mo kami kilala?” Umiling lang si Diego na tinawag na Drake. Hindi siya nakatiis kaya nagtanong na siya. “B-Bakit Drake ang tawag mo sa ’kin, s-sir? Sino ho kayo at bakit kamukha ko kayo?” Si Dark na nakasuot din ng headset ay pinipigilan umiyak dahil sa awa sa kapatid. Nakatitig lang siya sa kuya niya at gano’n din si Delta. Tanging si Aqua lang ang walang suot na headset. “Hindi mo ba talaga kami maalala?” Umiling lang si Diego, blangko ang mukhang nakatingin lang sa kaharap. “A year ago, kakatapos lang ng kasal ni Delta nang lumipad ka patungong Davao. Bumagsak ang private plane na sinasakyan mo, nag-crash iyon sa dagat at walang nakaligtas. Ang ilan ay nakuha ang katawan pero ikaw pati na ang piloto ay hindi na nakita pa. Ilang buwan kaming naghanap makita lang ang katawan mo pero walang nakuha ang mga coast guard. Hindi kami tumigil maghanap kahit maubos pa ang yaman natin basta makita ka lang. Ginawa ni Daddy ang lahat para ipahanap ka, kaya lang walang nangyari. Hanggang nawalan na kami ng pag-asa na makita ka pa. Drake, kakambal mo kaming tatlo. Ang gusto kong malaman, bakit hindi mo kami kilala? Ano’ng nangyari sa ’yo?” “H-Hindi ko alam. Ang sabi ng mag-asawang tumulong sa akin ay nakita nila ’ko sa dalampasigan habang sugatan. Nag-stay ako sa ospital nang mahigit isang buwan at wala akong maalala nang magising ako. Pinangalanan nila ’kong Diego dahil wala silang pagkakakilanlan sa ’kin. Doon ako nakatira sa Zamboanga, sa isang liblib na lugar malayo sa kabayanan. Si Dante, ang nag-iisa kong kaibigan, siya lang ang kasama ko doon mula nang lumuwas ng Maynila ang mag-asawa at hindi na nagbalik pa.” Awang-awa ang tatlo sa sinapit ng kakambal nila. Dumanas ito ng hirap at sigurado silang pati pagkain nito ay hindi sapat. “Drake, sa mansiyon na tayo dederetso. Hindi ka na babalik sa lugar na ’yon” Napabaling ang mukha ni Drake sa katabing dalaga. Sumenyas si Josh na magpalit sila ng upuan ni Dark. Gusto niyang makausap ito. “Tell me. Ano’ng plano mo sa babaeng ’yan? Siguradong hahanapin ’yan ng pamilya niya.” “Gusto ko siyang makasama. She’s mine.” Kusang lumabas sa bibig ni Diego ang mga katagang iyon. Bahagyang napangiti si Josh. Kahit may amnesia na ang kapatid ay lumabas pa rin ang pagiging Montemayor nito. “Ang tanong, papayag ba siya sa gusto mo?” “Hindi ko alam pero hindi ako papayag na mawala siya. Kaya ako pumayag sa misyon na ’yon dahil sa kanya. At kung totoong maimpluwensiya ang pamilya natin, eh ’di itatago ko siya. Sabi mo kapatid n’yo ’ko at mayaman tayo, so tutulungan n’yo ’ko.” Determinado ang boses niya nang tumingin siya kay Josh. Tumango naman si Josh at saka siya inakbayan. “Promise, we will help you. Magsabi ka lang kung ano’ng plano mo.” “Dalhin mo kami sa isang lugar na walang nakakakilala sa amin. Iyong kaming dalawa lang. Doon sa lugar na hindi siya makikita ng pamilya niya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD