Kabanata 12

1084 Words
Huminga ako nang malalim bago bumalik sa lamesa namin ni Liza. Kaninang umaga ko lang siya nakilala ngunit nakikita ko na ang masamang ugali ng babaeng iyon katulad ng inaasahan ko. Nandito ako para sundan sina Vanessa at Syrene dahil alam ko na bukod sa salon ay may iba pa silang pinupuntahan. At mukhang nagkamali ang instinct ko dahil galing lang sila ng memorial park kanina pagkatapos no'n nandito na silang dalawa. At base sa narinig ko na uuwi na rin sila mamaya. Ibinaba ko lamesa ang order ko para sa amin ni Liza. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagugutom pero dahil sa inis ko sa babaeng ito na mukhang gold digger bigla akong nagutom na rin. "Babe, ano ba talaga ang plano mo? Pagkatapos nito saan mo na ako dadalhin?" malambing nitong tanong sa akin. "Surprise, babe." Nginitian ko na lamang si Liza. Pagkatapos namin dito, dadalhin ko na siya ulit sa club kung saan ko siya kinuha kanina. At mananagot sa akin si Brent dahil binigyan niya ako ng napakaarteng babae. Tumingin ako kay Syrene na nakikipag-usap habang kaharap nito si Vanessa. Samantalang si Liza naman ay naiinis habang nakatingin sa dalawa. "Wala na bang bakanteng upuan, babe?" tanong sa akin ni Liza habang nililinga ang paligid. "Mukhang wala," mahinang sagot ko bago kinagat ang burger na hawak ko. "Vane, i-follow up mo na ang ibang mga orders natin para makauwi na rin tayo. Nag-aalala ako sa mga kasama natin sa salon baka maraming mga costumers ngayon tapos wala tayong dalawa doon," ani Syrene dito. "Okay sige, maiwan na lang muna kita dito. Huwag kang lililingon sa kung saan, bes. Mahirap na baka tahulan ka ng aso," nakangising ani Vanessa bago umalis. Pasimple akong ngumisi sa sinabi nitong iyon. Ibinaling ko ang tingin kay Liza na pinamulaan ng mga pisngi. "Ako ba ang pinaparinggan ng kaibigan mo?" malakas na tanong nito kay Syrene. "Ha? Ako ba ang kinakausap mo?" inosente naman nitong tanong. "Mukhang ako kasi ang asong tinutukoy ninyo!" Humalukipkip si Liza at pinagtaasan ito ng kilay. "Ah, hindi ka naman aso para magalit ka." Ngumiti si Syrene na lalo namang ikinainis ni Liza. "Babe, relax." Pang-aawat ko dito. Tumayo si Syrene at kinuha ang bag nito sa lamesa. Tumingin ito sa amin ni Liza bago umalis. "Tinawag niya akong aso, babe. Hindi ka ba magagalit sa sinabi niya sa akin?" madramang tanong nito sa akin. "Wala akong narinig na may sinabi siya sa iyo. Anyway... kumain ka na at aalis na rin tayo mamaya." "Xyrus!" "Babe, just relax. Okay?" Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain habang inihahatid ng tingin sina Syrene at Vanessa na paalis na sa parking lot. "Fine. Pupunta lang ako ng restroom." Hinagkan pa niya ako sa pisngi bago ito tumayo. Nang makapasok sa loob ng restroom si Liza ay sinamantala ko naman na umalis na rin ng fastfood. Kailangan kong maunahan sina Vanessa at Syrene patungo sa salon. “WOW! BIRTHDAY mo ba madam?" natutuwang tanong ni Amor nang makita nito si Syrene na may bitbit na mga plastics ng pagkain galing sa fastfood. Inilapag nito ang mga iyon sa lamesa. "Hindi naman... gusto ko lang na i-treat kayo dahil alam ko na ang sisipag ninyo sa trabaho. Lalo na ngayon at masyado tayong busy lahat dahil sa mga sunod-sunod na bookings. At may isa pa akong naisip na surprise para sa lahat. This coming weekend... magbi-beach tayo," masayang sabi pa nito. "Hay mabuti naman, madam. Sobrang hargado versosa ko na!" hirit ni Blue dito na siyang naunang kumuha ng pagkain na nasa lamesa. "Aysus, ang sabihin mo lang excited ka na makakita ng mga poging dayuhan sa beach, bruha ka!" sambit naman ni Amor dito. "Nagsalita naman ang santa," ani Blue na inirapan pa si Amor. Tumingin naman sa akin si Blue at nagtaas ng kilay. "Dee, saan ka naman nagpunta kanina? Hinahanap ka ni Donya Teresita dahil gusto niyang magpa-foot spa." Bumaling sa akin ni Syrene. "Umalis ka kanina?" "Loka, nagpaalam ako kay Amor na bibili ng gamot dahil nga sumasakit ang tiyan ko kanina. Heto nga o, bumili ako ng diatabs." Itinaas ko ang maliit na plastic ng gamot na binili ko lang sa botikang nakita ko kanina. "Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong naman ni Syrene sa akin. "Medyo, madam. Pasensiya na kung hindi ko naasikaso si Donya Teresita kanina." Nagbaba ako ng tingin dito. "Sinabi ko sa iyo kanina, Blue. Masiyado ka kasing maraming iniisip kanina, e," segunda naman ni Amor. "Bumili kaya tayo mamaya ng mga swimsuit natin para may outfit tayo sa beach. Hindi p'wede na hindi tayo umawra doon no." "Ay bet," dagdag ko naman. Umupo ako sa tabi ni Amor at inayos ang suot kong hairband. "May two piece ako kaso polka dots baka mamaya lumuwa ang longganisa." Inihampas ko ng marahan ang kamay ko sa hangin. Lumakas ang tawanan dahil sa sinabi ko. Nilingon ko si Syrene na malapad ang ngiti habang nakasandal sa may kahoy ng bintana. Nagsasabi nga kaya ng totoo si Syrene? O magaling lang talaga itong magpaikot ng mga tao sa paligid nito. Itutuloy ko pa rin ang ginagawa ko hanggang sa malaman ko ang totoo. Sa susunod na buwan darating na si Yvee para asikasuhin ang kasal naming dalawa. Uuwi na rin ng Pilipinas si Vaughn pagkatapos ng ilang taon nito sa America. Napapayag ko na rin ang kapatid na tulungan ako sa mga naiwang negosyo ni Lolo Miguel dahil hindi ko kayang pagsabay-sabayin ang lahat. Nilapitan ko si Syrene na nakadungaw sa bintana. "Madam?" Nilingon niya ako at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. Kaagad nitong pinahid iyon at ngumiti sa akin. "Sorry. May sasabihin ka ba?" "May problema ka ba madam? Sa love life ba iyan? O sa magagastos mo sa beach?" Napangiti ito sa sinabi ko. "Hindi no. Wala akong boyfriend na dapat na problemahin... isa pa hindi ko nga iyon iniisip ngayon. Siguro nga iniisip ko talaga iyong magagastos natin sa beach." "Hay naku, madam. Alam mo kailangan mo na siguro ng jowa. Ihahanap ka namin sa beach na pupuntahan natin." "Ikaw talaga, Dee." Pinalo nito ng mahina ang braso ko. "Salamat sa pagpapatawa mo. Alam mo mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nariyan kayo." Inilayo ko ang sarili ko kay Syrene. "Madam, baka naman mamaya ma-inlove ka sa akin. Mygad! No!" Lumakas ang pagtawa ni Syrene. Hindi ko napansin na pinapanood na kaming dalawa nina Amor, Blue at Vanessa. Walang malisya sa dalawa maliban kay Vanessa na nakatitig lang sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD