20. They let me decide on my own.

1715 Words

Vaniella's POV Panaka-naka akong nag-che-check ng cellphone ko kung may text ba galing kina Daddy at Mommy. Nag-text ako sa kanila na narito na ako kanina pang alas-otso ng umaga rito sa Baguio City ngunit hanggang ngayon ay wala man lang silang reply. Tinanong ko si Maria Vidalia kung gising na sina Daddy at Mommy. She replied yes, kanina pa raw. Kasabay pa nga raw niya ang mga ito na kumain ng almusal sa hapag-kainan bago pumasok sa trabaho si Daddy. Kaya siguro hindi naka-reply si Daddy. Pero si Mommy, nasa bahay lang. Bakit hindi man lang nakuhang mag-reply sa akin? Gaano ba kalaki ang galit nila sa akin ni Daddy na pati ang pag-reply sa text ko ay hindi nila magawa? Titiisin ba nila ako dahil sa pagsuway ko sa gusto nila? Ngayon lang naman ako sumuway, sana naman maintindihan din ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD