Vaniella's POV Ginalaw-galaw ko ang palad kong sumampal sa pisngi ni Hakan kanina. Pakiramdam ko nawalan ito ng pakiramdam sa lakas ng pagsampal ko sa lalaking iyon. “Ouch! It hurt so much!” Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit mula rito. Ang tigas naman ng panga ng lalaking iyon. Imbes na siya ang masaktan, ako naman itong nasaktan sa ginawa kong pagsampal sa kaniya pagkatapos niya akong halikan ng halos bente minutos! Nagtataka lang ako sa aking sarili kung bakit pinatagal ko ang paghalik niya sa akin ng halos ganoon katagal! Hindi ko rin alam! Nablangko ang utak ko at hindi ako makapag-isip ng tama. I remembered his lips are gently stroking on my lips. As if he was inviting me to kiss him back. I didn't respond though I'm already carried away by his kisses. Ito ang hindi