8. Familiar scent

1507 Words
Vaniella's POV Akala ko huling regalo na iyon sa akin ng pervert na lalaking iyon! No, it's not. Hindi pa rin pala siya titigil sa pagpapadala sa akin ng mga nakakarimarim na mga bagay na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Pag-uwi ko ng bahay. Nalaman ko kay Vida na dumaan na naman daw siya rito. Mas marami raw kaysa noong isang araw ang dala niya, pagbabalita sa akin ng aking kapatid. “Bakit hindi mo ako tinawagan? Imbes na nagpang-abot kami this time,” sabi ko sa kapatid ko na sinusundan ako patungo sa kwarto ko. “I’m sorry, Ate. Nawala sa isip ko. Hindi na rin naman kasi siya nagtagal dito sa atin. Umuwi na yata siya ng Turkey at babalik na lang yata sa gabi ng kaarawan mo.” Sagot naman ni Vida na parang na-guilty bigla sa sinabi ko. I don't know kung kakampi ko pa ba siya o hindi. But I guess, pumapabor na siya kina Daddy. “Kahit huwag na siyang bumalik,” nakasimangot na saad ko. Sabi ni Daddy hindi siya nagpupunta rito sa bansa dahil abala siya sa kaniyang pagiging hari at magkikita na lang kami sa gabi ng eighteen birthday ko. Eh, bakit nakailang bisita na siya sa bahay sa buwang ito? Iyon ba ang abala? Tapos ni hindi man lang nila pinapakilala sa akin ang lalaking iyon. Siya, marahil arami na siyang alam sa akin at baka nga habang lumalaki ako ay may mga pictures na pinapadala sa kaniya si Daddy. Samantalang siya, wala akong ideya kung ano ang itsura niya. Nakita ko siya ng personal ngunit napakalayo ko para mabistahan ko ang kaniyang mukha na halatang tinatago pa rin sa akin. “Grabe ka naman, Ate. Ganiyan mo ba kaayaw na makasal sa kaniya? If I were you, I would be so lucky. Bukod sa hari siyang ng Turkey, sobrang yaman din, powerful, gwapo at ang hot pa niya!” wika ni Vida na tila kilig na kilig habang dine-describe sa akin ang mga katangian na taglay ng lalaking iyon. Pinaypapayan pa ni Vida ang kaniyang sarili na tila na nag-h-hyperventilate. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ko siyang kinurot sa kaniyang tagiliran at nakasimangot na nagsalita. "Watch your mouth, Maria Vidalia!' “Ouch, Ate! Sorry po. Masakit po! Oo, hindi na po mauulit.” Reklamo niya na agad lumayo at umiwas sa mga kurot ko. “Ang bata-bata mo pa, Vida. Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo, ha?” Halos umusok ang bumbunan na sabi ko sa kaniya. “S-sorry, Ate. Humahanga lang naman ako sa magiging bayaw ko. Masama ba iyon? Napakaswerte mo sa kaniya sa totoo lang. Pero ikaw, parang hindi mo siya na-appreciate. Gumagawa siya ng effort para magustuhan mo, pero ikaw parang wala lang.” “Effort na ba sa iyo ang pagpapadala niya ng regalo? Kung mabuti siyang lalaki at may respeto siya sa akin, dapat pormal siyang makipagkilala sa akin. Hindi iyong binubusog niya ang mga mata ko sa maraming regalo. Do you think, sa pamamagitan ng mga binibigay niya, magugustuhan ko siya? Yes, I appreciate his gifts to me. Pero mas importante na magkita kami ng personal at makilala ang isa't isa. Hindi iyong sa birthday ko saka pa lang kami magkakakilala at magkikita. Mukhang tanga, ilang beses na siyang narito hindi man lang magpakita." “I-I’m sorry, Ate. masyado yata kitang pinangunahan. Tama ka sa lahat ng sinabi mo. Ewan ko rin kay Daddy at kay Kuya Hakan kung bakit ayaw pa nilang magkita kayo. Baka gusto ka lang yatang isurpresa ka talaga para naman may thrill sa birthday mo. At least, magugulat ka pa rin hindi ba? Ma-e-excite." “Bahala sila sa gusto nilang gawin. Basta ako, hindi ako excited na makita siya. Kahit huwag na siyang pumunta kung gusto niya.” Nakita kong nalungkot si Vida sa sinabi ko. Alam kong isa rin siya sa nagpu-push na magkatuluyan kami ng lalaking iyon. Halos lahat naman sila ay boto sa kaniya. Nakuha niya malamang ang mga loob nila sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng ng kung ano-anong regalo. Ako, hindi niya ako madadaan sa ganito. Sabi nga sa kanta ni Miley Cyrus. I can buy myself flowers Write my name in the sand Talk to myself for hours Say things you don't understand I can take myself dancing And I can hold my own hand… Pwede kong makuha at magawa ang lahat ng gusto ko ng walang tulong ng isang lalaki. Especially him na wala ng ibang ginawa kundi bwisitin ako sa mga regalong pinapadala niya sa akin. What is his purpose on sending this kind of toys? I am not a nympho maniac! “Bwisittttttt!” Impit kong sigaw nang makita ang laman ng kahon na akala ko long wallet lang ang laman. Hindi ko na nga sana bubuksan ang mga ito dahil may phobia na yata ko sa mga bagay na pinapadala ng pervert na haring iyon. But I need to open these gifts just to check if it is good or bad, baka kagaya ng mga nagdaang araw…baka mamaya kung ano na naman ang laman ng mga ito. Nakahinga ako ng maluwag sa mga binuksan ko na nauna. Pero sa panghuling hawak ko ay kinakabahan ako at wala akong tiwala. Hindi pa rin kasi ako nakapag-move on sa vibrator na pinadala niya kaya heto at kabado bente ako. Takot na takot akong magbukas muli ng mga regalong pinapadala niya sa totoo lang. Kaya lang kailangan kong masuri kung ano ang mga laman nito bago pa ito pakialaman ni Maria Vidalia at makita ang mga bagay na hindi niya dapat makita. At least naitago ko na bago pa niya ito pakialaman ang mga ito. Ang hilig pa naman makialam ng gamit ng kapatid ko. Hindi sa curious siya, naghahanap lang naman ng pwedeng makain at mapakinabangan na akala mo ay hindi afford na bilhin nina Daddy at Mommy. “C-clit sucker…vibrating n****e clamps…clit/ n****e stimulator…” halos mautal na sabi ko habang binabasa ko ang pangalan ng mga bagay na hawak ko. I don't know that these kinds of toys exist! I didn't know that people will invented such an horrible things like this! (Search niyo na lang para may ideya kayo kung ano ang regalo ni Hakan kay Vaniella. Ha ha ha!) “Kainis talaga siya!” Nanginginig sa galit na sabi ko. Mabilis na tinago ko ang mga bagay na ito sa kahon na lalagyan ng mga ito at agad na bumaba sa kama ko para ilagay ang mga ito sa safe na lugar. Tinungo ko ang isang drawer na may lock at doon ko nilagay ang mga hawak ko kasama ng mga naunang regalo sa akin ni Hakan na talagang nilagay ko. Paano ako magpapakasal sa kaniya kung puro na lang kalibugan ang nilalaman ng utak ng lalaking iyon. Wala na siyang matinong binigay sa akin. Oo, mayroon. Iyong mga designers items na mahirap makapagpareserba. Pero laging may pa-surprise naman siya sa bandang dulo kaya inis na inis ako sa kaniya. Nagpasya akong humiga sa kama ko at kalmahin ang inis na nadarama ko. Kapag ako ay hindi nakapagpigil, makikita niya. Sisirain ko ang imahe niya. Sasabihin ko ang mga bagay na pinapadala niya sa akin. Magsasabi na rin ako kay Daddy na ngayon pa lang ay iurong na ang engagement party. Ayaw naman siguro niya na bastusin ng kahit sinong lalaki ang anak niya, especially me who is his favorite among my siblings. I don't know if masasabing favorite nga. Hindi siguro dahil walang ama ang ilalagay ang kaniyang anak sa alanganing sitwasyon. Lalo na kung hindi niya lubos na kilala ang lalaking iyon. Hindi sapat na dahilan ang kaniyang matayog na pangarap para ilagay ako sa ganitong sitwasyon. Dapat inisip din niya kung magiging masaya ba ako o hindi. As for my dad, I think he never thought about it. Basta sige lang, push lang sa mga apo niyang pinapangarap niya na may halong dugong bughaw. I heaved a deep sigh. Tumagilid din ako ng higa at hinila ang unan na paborito kong yakapin sa pagtulog ko. I decided to sleep. Itutulog ko na lang ang inis na aking nadarama. Kaya lang, napamulagat ako nang may maamoy akong pamilyar na bango ng pabango sa unan ko. Hindi ko alam kung nag-ha-hallucinate lang ako o ano. Inulit ko pa ng isang beses ang pag-amoy para lang makasiguro ako. “Iba talaga. Hindi naman ito pabango ni Kuya V at Daddy,” bulong ko sa aking sarili bago ko binitiwan ang unan at tumitig sa kisame. Pamilyar ang amoy ng pabango. Parang naamoy ko na 'to somewhere. Ano 'yon? May pumasok dito sa kwarto ko? May humiga sa kama ko at yumakap sa paborito kong unan at nag-iwan ng amoy-lalaking pabango. Naisip ko na lang na baka sina Daddy at Kuya V. Mahilig tumambay minsan sa kwarto ko ang dalawang iyon. Pero hindi naman kapag wala ako. Kaya nagtataka pa rin ako na napaisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD