Loud screeching sound followed by a strong thud, those are the sound of my morning. I am hurriedly driving towards our headquarters when a sudden figure abruptly appear in front.
Maliksi man ang ginawa kong pagpreno ngunit dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na ito nailagan pa. Tumalsik ang katawan nito sa malawak ngunit hindi mataong parte ng kalsada matapos mabunggo ng aking sasakyan.
"Hella s**t!" I hiss as I stop the car.
I swiftly went outside just to see the sprawl body of a man on the road. Dumadaing ito habang namimilipit sa sakit kaya naman agad ko itong nilapitan para siyasatin ang kaniyang kalagayan.
"Let me see your condition first. Huwag ka na lang munang gumalaw para hindi na lumala pa ang injuries mo." Kalmado kong pakikipag-usap dito. Maingat ngunit kalkulado rin ang bawat kilos ko habang sinusuri ang kabuuan niya.
Ganoon na lamang ang aking pagtataka nang mapansing wala naman ito maski galos sa katawan, salungat sa halos namimilipit na nitong itsura.
"Aray! Grabe, ang sakit ng binti ko. Nabali na yata ang buto ko!"
Doon na ako nakaramdam ng kakaiba. Base sa pagkakaanggulo niya kanina ng bigla siyang sumulpot, imposible na ang binti niya ang napinsala. Mas maniniwala pa ako kung ang tagiliran nito ang idinadaing niya.
Something's wrong, I thought ngunit sa isip ko lamang. Mas kinutuban pa ako ng masama nang makita ko ang ngisi na bumalatay sa mukha nito.
"Shoot!" I shout as realization hit me.
Mabilis kong nilingon ang aking sasakyan para lamang makita ang papatakas nang mga lalaki mula rito tangay ang bag at ilan sa mga gamit ko.
Nang muli ko namang ibalik ang paningin sa harap ay wala na ang lalaking kanina lamang ay aakalain mong mamatay na dahil sa eksaherado nitong pag-arte. Tumatakbo na ito papalayo at ang mas nakakainit ng ulo, nag-dirty fingers pa ito ng lingunin ako habang tumatakas!
Darn that idiot!
"Ginagalit mo ako ha! Patay ka sa'kin kapag nahuli kitang buwisit ka!" I rapidly get back inside my car and drive towards the destination where the thief cross while saying those.
Itinudo ko ang bilis ng aking sasakyan ignoring all the traffic laws. I successfully bit the red lights, and turn to the no U-turn section of the road just to tag closely with the idiot burglars. Sa kabutihang palad ay hindi ganoon karaming mga sasakyan ang dumadaan sa parteng ito kaya wala ring mga nagbabantay na traffic enforcers.
"Arg! Ang malas naman!" Usal ko dahil sa labis na pagkainis.
Paliit na kasi nang paliit ang kalsadang dinaraanan ko! Mukhang patungo yata ang mga magnanakaw sa isang liblib na eskinita! And as expected, tama nga ang hinala ko. Masikip na eskinita na ang sumalubong sa'kin ng marating ko ang dulo ng makipot na daan.
"Why do I always left without any option? This is crazy!"
Frustration is now eating me. At dahil nga wala na akong choice kaya bumaba na ako ng sasakyan at mano-manong hinabol ang mga kawatan. Nasa pinaka huli ang lalaking umarte kanina base sa kasuotan nito kaya ng magkalas-kalas na sila ay ang damuhong iyon ang sinundan ko.
Pero nagkamali yata ako!
Napapamura na lamang ako habang hinahabol ko ito! It's as if he's one of those notorious criminals I used to chased. Animong nasa obstacle courses ito kung tumakbo ng mabilis, lumukso sa mga nakaharang sa daraanan niya, umakyat sa ilan sa bubong ng mga barung-barong, gumulong matapos nitong tumalon mula sa mga kabahayan and he even do side, front and wall flip! Maliksi ito ngunit halatang praktisado. Masasabi kong bihasa ito sa larangan ng pagtakas. Baliwala lang kasi rito ang tumalon ng mataas at sumabit-sabit kung saan.
Is he for real?
Mukhang nakahanap na yata ako ng katapat pagdating sa larong habulan pero kahit gaano pa siya kagaling, ang ganitong klase ng takbuhan ay pipitsuging laro lamang para sa'kin! Hindi ako umedad ng dalawampu't siyam ng wala lang. He wants a fussy dirty little game? Okay, I'll show him what a real chasing battle is!
I run as fast as I could. Doing all the climbing, swinging, vaulting, and other movements as deemed most suitable for the situation. This kind of non-combative martial art is just a piece of cake for me. This was my nature. Since immemorial, I already have passion with adventures, trills and risky situations. Wala pa nga ito kumpara sa ilang misyong nagawa ko na sa tagal ko sa serbisyo. Menaces and dangers are my bestfriends.
Umubra nga ang estratehiyang ginawa ko sa umpisa ngunit nang akmang maaabutan ko na siya, bigla na lamang itong sumampa sa bubungan. Mukhang tagarito pa ang hinayupak dahil kabisado nito ang pasikot-sikot sa lugar.
"Hell as ever!"
Napatigil ako sa pagtakbo nang umalingawngaw ang malakas na kalabog kasabay ng isang sigaw.
Ang bilis nga naman ng karma. Sinong mag-aakala na simpleng pagkadulas lamang pala ang magpapahinto sa mala-palos na kawatang ito. Mula sa pagkakahulog nito sa bubungan ay lumagapak ito at humandusay sa sementadong kalsada ng eskinita.
Sakto namang may dumating na mga tanod sa lugar nang sandali ring iyon. Mukhang natunugan agad ng mga ito ang habulang nagaganap sa lugar dahil sa mabilis nilang pagresponde.
"Peste! Bitiwan niyo nga ako!" Palag pa nito kahit hawak-hawak na ng mga tanod.
"Kami ho ang mga tanod na nagroronda sa parteng ito ng tondo. Kami na ho ang bahala sa isang ito pati na rin sa mga kasabwat niya. Ang maigi pa ho ay sumama na lang muna kayo sa baranggay para maipablater ang nangyari at babalitaan na lang ho namin kayo kapag nai-surrender na ang mga gamit niyo." One of the patrols explained to me.
"But I badly want to file a case! That rascal cause a huge damage in my part! Bukod sa inabala nila ako, they also steal my important things including my identification cards! Hindi ko basta-basta palalampasin ang isang ito!" Nagngingit-ngit sa galit kong tinuran.
"Tsk! Edi ikaw na ang punyetang mayaman."
Nagpanting naman ang taynga ko dahil sa pasaring nang hambog na magnanakaw.
"Manahimik ka ngang siraulo ka!" Sabay batok ng tanod sa kawatan. "Mag-sorry ka na lang kay Miss ganda! Tignan mo kung gaano mo siya inabala!" Sigaw pa ng tanod sa lalaki.
"Ayoko nga! Ba't ako magso-sorry eh wala naman sa'kin 'yung nawawala niyang gamit! Kahit baliktarin niyo ang suot kong brief wala kayong mapapala sa'kin!" Pagmamatigas naman nito.
"I don't need his sorry! I want him inside a jail!" Walang pag-aatubili kong sabi.
Im really pissed at this moment kaya huwag niya akong paandaran!
"Naku maam, hindi po puwede. Huwag ho kayong mag-alala. Ipapasok din namin siya agad sa DSWD para hindi na makapaminsala pa."
"DSWD?" I asked out of curiosity.
"Disi-siyete pa lang ho ang isang ito. Sa katunayan niyan, pabalik-balik na ito sa boys town. Notoryos kasi itong magnanakaw dito sa tondo pati na rin iyong mga barkada niyang kasabwat niya. Hindi ho kayo ang unang nagreklamo laban sa mga ito. Huwag ho kayong mag-alala. Sisiguruhin naming maibabalik ang gamit niyo sa inyo."
Seryoso? Menor de edad lang siya? Eh bakit hindi naman halata sa itsura niya? 5'7 na ako ng lagay na 'to, matangkad na para sa isang babae pero natatangkaran pa rin ako sa kaniya. He's tall for his age.
Wala na rin akong nagawa dahil hindi ko naman pala siya puwedeng sampahan ng kaso. Hinayaan ko na ang mga kawani ng lugar na gawin ang nararapat para sa kaniya matapos kong magbigay ng salaysay.
"Where do you think you're going, Police Captain Jaime Gimantog Tanzanilla?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Lieutenant Briana La Costa nang magkasalubong kami sa hallway ng district headquarters.
"You're asking a nonsense question La Costa. Malamang mag-rereport. Kagagaling ko lang ng Samar di'ba? I was on leave for a week. Puyat ka ba?" pagtataray ko rin dito.
"Wow, ako pa ngayon ang mukhang walang tulog at nonsense kausap! Ipapaalala ko lang sa'yo Captain, ako lang naman ang pinutakte ng syota mong iniwan mo rito sa Maynila at ginambala ng isang buong linggo habang ikaw nagliliwaliw sa hometown mo! Sana inuna mong mag-report sa kaniya para hanggang sa mga sandaling ito hindi ako ang binubulahaw niya! You're impossible Captain!"
Saka ko lamang na-assess ang sinasabi nito nang mag-ring ang phone niya. Hindi na nito tinignan pa kung sino ang tumatawag, sa halip ay pinagduldulan niya na iyon sa mukha ko.
What the!
Sa pagmamadali ko kanina dahil nga late na ako sa duty ko, nakalimutan ko na tuloy ang tungkol rito.
Nginitian ko ito ng pilit bago kinuha mula rito ang kaniyang cellphone saka naglakad patalikod at lumayo ng bahagya.
"Hello babylove--" Bungad ko nang sagutin ko ang tawag.
"Babylove mong mukha mong hayop ka! Hindi mo na nga ako naalalang tawagan o i-text man lang habang nasa Samar ka tapos makikita ko pa itong mga naka-tag sa f*******: mo habang may nililingkis na ibang babae! Hayop! Demonyo! Maghiwalay na tayo!"
Nakabibingi ang bawat pagsigaw nito. Animo'y galit na galit. Gustong manakit.
"Hey Babylove, kalma. Pag-usapan natin 'to----"
Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay binabaan na ako nito ng telepono.
Nakasimangot na muli akong lumapit kay La Costa at ibinalik dito ang kaniyang cellphone.
"Huh! Huhulaan ko, break na kayo 'no?"
Inirapan ko na lamang ito sabay lagpas dito.
This day sucks! Big time!