"This job is suppose to be under your rookies so I don't see any reason why it has to be us gathering the report we need from that thief. Seriously, I am a lieutenant and you are the Captain. Hindi na natin ito trabaho."
Mabilis nagbago ang timpla ng mukha dahil sa kontrabidang si La Costa.
"I don't see any reason too why it has to be you being my bestfriend." It's her turn this time to make face. "And I have other reason why I volunteered here."
Kumunot ang nuo nito at animo'y nagtatanong na tumitig. Ngisi lamang ang isinagot ko rito.
"Excuse me." Pukaw ko sa nurse sa outpatient desk. "Is Nurse Nicole Chua here?"
"Yes ma'am. Nasa general ward po siya ngayon."
I smiled and thanked her.
"Nurse Nicole Chua? Now I knew it! Hindi ba iyan 'yung magandang nurse na inirereto sa'yo ni Sergeant Dela vega? Seriously Captain, hindi ba't kaka-break niyo lang ng ex mo two weeks ago? You're impossible."
Humalukipkip ako at hinarap ito.
"You knew it from the very beginning that I don't believe in three-month-rule. Isa pa, siya naman ang nakipag-break hindi ako. It's her fault not mine."
Tinalikuran ko na ito at nag-umpisa ng maglakad patungong ward.
"She broke up with you because you cheated on her. Kailan ba matatapos iyang identity crisis mo? Kamakailan lang bali-balita sa headquarters na may relasyon kayo ng anak na lalaki ng regional director tapos recently you're into chicks? I advise you Captain to visit a neurologist A.S.A.P....."
Yada. Yada. Yada.
And her preach continues until we reach the ward. Minsan napapaisip tuloy ako kung bakit ko ba naging kaibigan ang isang ito. I had the most supportive bestfriend ever. Well, exclude my sarcasm.
Pagkarating namin sa ward ng ospital ay bumungad agad sa akin ang aking pakay. She look so stunning wearing an all white uniform. We already dated days ago but I always see her outside. Mabilis ko itong nakapalagayan ng loob dahil bukod sa maganda, may kapilyahan din itong taglay. Medyo maloko at minsan kalog.
We chatted for a while habang si Briana ay ramdam kong bored na bored na sa tabi ko. Then a patient caught my attention. Nakaposas ang kamay nito sa mismong hospital bed. Inginuso ko iyon kay Nicole habang nakatalikod ito sa direksiyon namin. Senyales ng nagtatanong.
"Na-admit iyan kagabi bitbit ng Brgy. Captain ng Tondo. Nagnakaw daw. Dinala sa baranggay hall para sana i-surrender sa DSWD dahil minor pa. Ang kaso, sinugod naman ng iba pa niyang biktima. Tapos ayan binugbog kasi ayaw sabihin kung saan dinala iyong mga ninakaw niya. Tsk, ba't ba puro kalokohan na lang ang mga kabataan ngayon?"
Ipagwawalang kibo ko na sana ito nang lumingon ito sa direksyon ko at magtama ang mga mata namin. Literal na napanganga ako nang kumaway ito sa akin baon ang isang nang-uuyam na ngisi.
"Aba't siraulo talaga ang isang ito ha!" Gigil kong bulong sa sarili habang pinipigilan ang galit ko.
Dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas ng punteryahin ako ng isang ito pero heto na naman siya't nasangkot na naman sa kaparehong kaso. Wala talagang kadala-dala.
Then an idea hit me. Ideya para makaganti sa kumag na tampalasan!
"I do apologize Nicole. I actually know this kid. Can I talk to him for a while? Pagsasahihan ko lang."
Parang nagwagi sa kung anong patimpalak akong ngumisi nang agad itong tumugon ng pagpayag.
Namutla bigla ang lalaki nang harapin ko ito at makita ang nakakatakot na ngiti sa mukha ko.
"U-Uy teka! Ayoko sayo! Punyeta! Parang papatayin mo ako sa ngiti mo ha! Nurse! Nurse tulong! Huwag niyo kong iwan sa halimaw na 'to!"
Wala na siyang nagawa pa ng tuluyan ng umalis si Nicole. Kasabay nitong lumabas si La Costa na hindi na natiis pa ang boredom niya. Wala kami sa maliit na eskinita ng tondo kaya wala na siyang palag ngayon.
Hindi makapaniwala ang mukha nitong tumingin sa'kin. Nagkibit balikat naman ako kaya tumahimik na ito at matalim ang mga matang pinanood ang paglapit ko.
"Aray! Tang ina, inaano ka!"
Napaigtad ito at humiyaw nang pisilin ko ang braso nitong nababalutan ng benda.
"Para pinisil lang eh. Mahina ka lang talaga kaya ka nasaktan!"
Mas nangalit naman ang mga panga nito dahil sa patutsada ko.
"Eh may saltik ka pa lang pulis ka! Eh kung sikmuraan kaya kita diyan sa boobs mo! Ano!"
Tsk! Bastos talaga ang hambog na ito kahit kailan!
Like what he did to me the first time I met him, I showed him my middle finger and leave with a triumphant smile.
Dinig ko pa ang pagmumura ng impakto habang naglalakad ako papalayo pero sino ba siya para pansinin ko pa?
It's already dinner time when I arrive home. When I said home, I'm pertaining to my house located here in Manila. Nakahiwalay na kasi ako sa pamilya ko simula ng madestino ako rito sa Maynila. Good thing, they usually visit me here. Gaya ngayon, nag-alsa balutan silang lahat mula Samar para bisitahin ako well in fact kakagaling ko lang roon almost a month ago. I believe napa-paranoid na sila simula ng malaman nilang bisexual ako. Can't blame them. Kahit ako minsan naguguluhan na sa sarili ko. Tsk.
"What's happening in here Mama? Minsan ko na nga lang kayo makasalo sa pagkain tapos ganito pa ang madadatnan ko," I asked my mother as I noticed the silent aura of everybody in front of the dining table.
Usually kasi kapag ganitong sabay-sabay na silang kumakain sa gabi, sa bungad pa lang ng sala ay maririnig mo na ang masaya nilang kuwentuhan. Nagtatawanan at nag-aasaran sa harap ng hapag kainan. Puwera ngayon.
"Halika anak, maupo ka" aya sa'kin ni Papa. Umupo naman ako sa tabi niya. "Ito kasing si Jenny, tinakasan ang kuya Jonel niyo kaya muntik ng makidnap kaninang umaga. Grabe na talaga rito sa Maynila. Talamak na ang masasamang loob."
Nanlaki sa labis na paglagulat ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ni Papa.
"What? Oh my! Mabuti na lang at ayos ka! Bakit hindi niyo agad ako tinawagan kanina? Nahuli ba ang mga kidnappers? Are they in jail now?"
I already have my phobia when it comes to this topic. Wala pang isang taon simula ng makidnap ang kapatid kong si JG kasama ang inaanak ng kuya ko na napamahal na rin sa'kin, si Milky. Wala ako sa Samar ng mga panahong iyon kaya wala akong nagawa. Ilang buwan ang ginugol ko para mahanap ang kapatid ko ngunit hanggang ngayon wala pa rin kaming lead tungkol sa kaso.
"Hindi nga ate eh. Mabuti na lang may nagligtas sa'kin."
Muling nabalik ang atensyon ko sa tampok na usapan nang magsalita na si Jenny.
"We should thank that good Samarita-----" I'm not yet done with my sentence when Jenny interrupted.
"Iyan din mismo ang sinabi ko kay mama pera pinadampot nila ang hero ko sa mga pulis! Hmp!"
Mistulang puzzle namang umukit sa isip ko kung ano ba talaga ang nangyari. Medyo magulo yata ang kanilang pagkakadetalye.
"Jenny, hindi tayo sigurado sa intensyon ng taong iyon sa pagliligtas sa'yo. Baka nga kasabwat pa siya ng mga kidnapers na iyon eh."
That's the time I gave my Papa an asking look.
"Iyong lalaking nagligtas sa kapatid mo ay siya ring lalaki na umumit ng pitaka ng isang ale sa malapit."
Mabilis umalma si Jenny sa paliwanag na iyon ni papa.
"Sinungaling ang gurang na iyon! Mama, papa, siya po ang nagligtas sa'kin kaya pa'no siya magiging magnanakaw?"
Lahat ng atensyon namin ay mabilis na nabaling kay Jillian, kakambal ni Jenny.
"Tsk! Ang sabihin mo, crush mo si kuyang nagligtas sa'yo. Di'ba nga sabi mo kamukha niya iyong idol mo sa BTS..si Taehyung ba iyon?"
Hell no!
"Anong crush-crush iyan ha? Jenny is that true?" Nagpapanic kong tanong sa bunso kong kapatid.
"Sumbongero!" Baling nito kay Jillian. "Hindi siya magnanakaw! Ang cool niya kaya."
Susme! Is that a yes?
"O siya tama na iyan. Ipagpasalamat na lamang natin sa panginoon na maayos ang kapatid niyo. Bilang paggalang sa biyaya sa mesa tara na muna't kumain." Saway sa'ming lahat ni Papa.
I just keep quiet but deep inside, I'm in hysterical mode! How can't I feel this if I discover that my youngest sister already have a crush to someone like what they are talking about? She's only eleven years old for Pete's sake!
Paano kung masamang tao nga iyon? Paano kung may plano pala talaga siyang masama sa kapatid ko kaya nagbait-baitan siya noong una? What if he's a member of a drug trafficking syndicate? Paano kung modos niya lang pala lahat?
This can't be! I have to find that guy, ASAP!
I have to know who he is, he's address, he's background, he's family. Everything about him including the smallest information! Hindi ako papayag na isa pa sa mga kapatid ko ang mawala sa'min!