Chapter 21

1159 Words
"Minsan hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginagawa ninyo," natatawang saad ni Kino habang nag-iinuman sila sa gitna ng maingay at magulong tugtugan. "Kino, alam mo naman na isa akong ulirang tagapagmana kaya hayaan mo na kung madalas ay hindi mo 'ko nakikita." Kumikindat na saad ni Lance at nagtaas pa ng kaniyang baso for a toss. "Ako naman, alam mo naman kung ano ang ginagawa ko. Lately lang medyo tumatanggi na ako ng mga tatrabahuin because alam mo na, I deserve a break!" Mayabang na sambit naman ni Laurenz. "I'm a businessman." Ibinuka ni Toni ang kaniyang kamay na para bang sinasabi nito na narito rin kayo sa lugar ko sabay kibit-balikat. Nang hindi magsalita si Arthus ay sabay-sabay silang lahat na tumingin dito. Cool at chill lang s'yang nakahawak sa baso n'yang puno ng alak at hindi pa nababawasan. Nagtaas s'ya ng tingin upang salubongin ang mga tingin ng mga hayop na ito sa kaniya. Sumisilay sa kaniyang mukha ang isang mayabang na pag-smirk. Isa-isa n'yang tiningnan ang mga kasama, nakangisi ang kaniyang mga kaibigan habang sina Kino at Edmon ay mukhang may gusto talagang marinig. "What? Why are you all looking at me like that?" Nakangising tanong n'ya sa mga kasama. "Sinagot namin ang tanong ni Kino, sumagot ka rin para naman alam nila kung bakit madalas wala ka sa hide out," nakangising sabi ni Lance sa kaniya. Tiningnan n'ya ang dalawang namamahala ng hide out at saka nag-smirk. "I am doing anything, natutulog lang ako sa maliit kong apartment." Tila hindi naniwala ang mga mukha ng dalawa kaya itinaas na lamang n'ya ang hawak na baso. Napangisi naman s'ya ng mas malapad nang marinig n'ya ang pagtunog ng bawat pagtama ng mga baso ng mga ito sa kaniyang baso. "You should not get curious about us, just always remember that the brain of the organization is just sleeping and resting," nakangising sambit ni Lance kaya natawa ang dalawa at maging silang magkakaibigan. "I have devided the people into three department, sir," seryosong sambit ni Kino kaya seryosong napatingin si Arthus dito at maging sina Lance, Laurenz at Toni. Sabay-sabay silang nagbaba ng kaniyang mg baso upang seryosong pakinggan si Kino. "We were about to tell you that, sir. However, we didn't get a time after the clients meeting," sambit ni Edmon. "Discuss it to us," seryosong saad ni Lance. Sigurado naman sila na kahit dito sila mag-uusap ay wala namang makakaalam o makakaintindi kung ano ang pinag-uusapan nila. "The country has 3 major islands, the L V and M," panimula ni Kino. "So I came up to the decision of dividing the people into three so that no one will be getting a fair assignment in a certain place. Each department was labelled L V and M." "How sis you came to that idea?" Tanong ni Laurenz dito. "Si Edmon, nakita n'ya ang ibang tauhan natin na muntik nang magpatayan dahil sa location ng assignment," sagot ni Kino. "Kaya naisip namin na para hindi na maulit iyon, kailangan nilang masanay na mayroon lamang silang isang lokasyon pero magpapalit din sila after 6 months," dagdag ni Edmon. Napatawa si Toni kaya napatingin sila rito. "Akalain mo iyon, naisip pa ninyo iyon? Mabuti na lang kayo ang naroon at nakakita sa mga iyon an muntik nang magpatayan dahil kung nagkataon na si Russo ang nakakita ay baka binigyan n'ya pa ng baril ang mga iyon para magpatayan sa harapan n'ya." "Gago!" Binato ni Arthus ng isang walang laman na bote si Toni pero agad din naman iyong nasalo ng kaibigan at humagalpak ng tawa. "But seriously, good job for the two of you for thinking that way. Actually, tama si Javier eh, baka nga naman binigyan ko sila ng tig-iisang baril para magpatayan. I hate people bragging abut their unproven yabang at skills," aniya kaya nangingiwi na ibinato ni Toni pabalik sa kaniya ang ibintao n'ya ritong bote. "Malaking pera ang pumapasok sa atin kapag maayos nating nakukuha ang mga kliyente, Kino, Edmon. They're desperate and all and that is why they are willing to pay millions for what they want," nakangising sabi ni Lance. "But always remember to never get overwhelmed about the amount of money you will be getting that the client always ready to give. Hindi nakakabuti sa inyo 'yan," dagdag pa ni Laurenz. "Hindi naman lingid sa kaalaman ninyo ang nangyari noon, hindi ba? We can be friendly at times, but we are monsters if somebody wants us their enemy," naka-smirk na sambit ni Lance. Nakangiting sarkastiko lamang si Arthus dahil alam n'yang nakatingin sa kaniya ang dalawang ito ta nang tingnan n'ya ang mga ito ay hindi s'ya nagkakamali. "Don't get pressured about your work, chill, that is what you all need," nakangising sambit n'ya. "How about you, Edmon, hindi ka ba nahihirapan o naninibago sa trabaho?" Tanong ni Toni rito. Ibinaba ni Edmon ang hawak nitong baso, "hindi naman, sir. Lumaki ako sa lugar kung saan mamamatay ang mahina ang sikmura, kaya wala nang kahit naong apekto sa akin ang mga bagay-bagay na nangyayari and besides, hindi namin nakikita kasi may mga tao naman tayo na gumagawa. Pwera na lang kung malaking assignment na personal naming ginagawa ni Kino." "Sure." Tumatangong sabi ni Arthus. "We all know that taking care won't bring us in trouble, so you should just always be careful," dagdag pa n'ya. Naningkit ang nga mata ni Arthus nang mahagilap ng kaniyang paningin ang entrance ng lugar at makita ang tatlong babae na papasok dito. Pero ang isang babae lamang ang mas nakakuha ng kaniyang atensyon. Hindi n'ya ito kilala at ngyaon n'ya pa lamang ito nakita pero para bang pamilyar sa kaniya ang mukha ng babae. Saan nga ba n'ya ito nakita? Pilit na pinipiga ni Arthus ang kaniyang isipan pero walang lumalabas kung saan nga ba n'ya nakita ang mukha na ito. Simula nang mahagilap ng kaniyang paningin ang ababe ay hindi n'ya na magawang tanggalin dito ang mga mata. Sinusundan n'ya ng palihim ang bawat galaw nito at ayaw n'yang mapansin iyon ng kahit na sino. Dahil alam n'yang sa mga oras na ito, hindi lamang s'ya ang nakatingin sa babae. Nang hindi n'ya na matiis ay tumayo s'ya at bahala na kung susundan s'ya ng tingin ng kaniyang mga kaibigan. Dumiretso s'ya sa bar upang humingi ng ladies ddk sa bartender. "Give me one bottle of the most expensive ladies drink you got in here," aniya at dahil kilala naman nas'ya ng bartender ay hindi na ito nagtanong. Nang iabot iyon sa kaniya ng bartender ay hindi na n'ya tiningnan ang kaniyang mga kaibigan at dumiretso na sa table kung saan nakaupo ang mga babae. "Arthus Russo?" Napatingin s'ya sa kasama nitong babae nang banggitin nito ang kaniyang pangalan. Sh*t! Paano at bakit s'ya nito kilala? Pero nanlaki ang kaniyang mga mata nang bigla na lamang pumasok sa isip n'ya ang pangalan nito. Bakit kanina ay hindi n'ya ito nakilala. "Natasha Martinez?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD