Chapter 15: Mission One

715 Words
Natawa ako sa napaka-ironic na statement niya. "I just hate you for no reason" ang sabi ko. "But why?' "Why not? Because you're impossible!" "Why don't you give us a chance?" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Para saan yung chance na yun? I mean didn't I already opened my door by letting him drive me home? "Darren, ano bang gusto mo?" "Ikaw. Ikaw ang gusto ko. Yang mga mata mo, yang labi mo, yang mga pangil mo. I wanted you" ang sunod-sunod niyang tugon sa simple kong tanong. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Humaba ata ang buhok ko. Maniniwala ba ako? We just met thrice; ano yun parang instant noodles na ready na agad for three minutes? Do I look like a w***e na kayang kunin ng ganun-ganun na lang? "Seriously, Darren? Don't you play tricks on me!" ang tanging naging komento ko. Magulo na ang utak ko. Nagconfess na sa akin si Evo tapos ngayon sasabihin niya sa akin na gusto niya rin ako? Tadhana nga naman; bakit ba ang lupit mo sa isang taong gustong lumigaya. Tama na ang isa, bakit may sumulpot pang isa. "You just remind me of someone from the past" ang seryoso niyang tugon. "An ex?" "Nope, ang mga ex ay binabaon sa lupa" ang tugon niya. "You just remind me of a long lost friend" "Kaya gusto mo akong maging close sa'yo?" ang tanong ko. Tumango siya. "So, you want me to substitute somebody that you're missing?" "Of course not. All I'm asking you is for you to know me better. To realize that I'm more than a perverted alien from Pluto" "Fine" hindi na kaya ng powers ko ang pagpapacute niya sa akin. Kahit ang bato ni Darna o ang boobs ni wonder woman ay talo sa kanyang pagmamakaawa. "Could I ask you out then?" ang tanong niya. Kaagad kong kinuha ang phone ko at sinimulan ang pagrerecord ng mga susunod naming usapan. "Sorry, Darren Chua; what's that again?" ang maang-maangan kong tanong sa kanya. "I'm asking you out, Stefano Rodriguez" "Asking me for a date?" "Exactly" "Where?" "Ikaw ba? Saan mo gusto?" "Surprise me" I stopped recording our conversation. Ganun kabilis? Hindi ko to inaasahan. After this Darren stuff, si Evo na lang ang pagtutuunan ko ng atensyon. Darren is a flirt; imposibleng seseryosohin niya ako. I know his type. He's a player and I'll be just another. I sent the recording to my friends with a message: Guys, mission one complete! Dinagsa ako ng mga text messages nila: Zia: WTF! Red: That fast? Idol! Cassie: Good job, Stefano. Four to go. XoXo Evo: :C Hindi ako makapakali sa sinend ni Evo na emoticon. I texted him back, asking what the emoticon means. After a while, he replied; "That should be me asking you out" "Evo, it's only for the game" ang tugon ko sa text message niya. "I know but I wanted to ask you for a date too" "Then ask me. That's not a problem" "Stefano Rodriguez; I, Primitivo delos Santos is asking you for a romantic date" Napangiti ako sa text message niya. Kaagad naman akong pumayag. Napurnada man ang paghatid niya sa akin ay may date naman na kapalit. "Saan ka banda nakatira?" ang tanong ni Darren na nakapagbalik sa akin sa reyalidad na siya ang kasama ko ngayon. "Dito na" ang sabi ko kahit na malayo pa ang mismong bahay namin. Di bale nang maglakad, huwag niya lang malaman kung saan ako nakatira. "Are you sure?" "Of course I am. Dito ako nakatira" ang pagsisinungaling ko para lang makaalis na siya sa paningin ko. "Sige" itinigil niya ang kotse at kaagad naman akong bumaba. "How about my goodnight kiss?" ang pahabol niya. Sinenyasan ko siya para ilapit ang kanyang mukha. He did. "Close your eyes and get ready with your lips" Pumikit nga siya. Napangiti ako sa pagkauto-uto ni Darren. Imbes na halikan ay tinampal ko ng malakas ang noo niya. "Ano ka, sineswerte?" Rumehistro sa kanyang mukha ang gulat habang hinihimas ang nasaktan niyang noo. Pagkatapos ay ngumiti siya ng nakakaloko. "Saving your kisses for me, Stefan? Sasagarin ko yang labi mo kapag ako naningil" "In your dreams, Darren" ang naiinis kong tugon. "Playing hard to get,huh? It's alright. I'll get you anyway. Just so you know I'm patient" ang nakakabwisit niyang pagbubuhat ng sarili niyang bangko. He is really such a jerk. "Bad news: you'll get nothing" "See you soon, honeybunch" ang pamamaalam niya sabay kindat. "Hope not" ang huli kong banat. Hinintay kong makalayo ang kanyang sasakyan bago ako tuluyang naglakad papauwi. "130G^3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD