Chapter 14: Clarifications

474 Words
"Ako na ang bahala sa kanya" ang singit niya na nagpalingon sa aming lahat. He was leaning beside the entrance and folding his hands while looking at me. "Sino ka ba?" ang tanong ni Evo sa kanya. Kaagad namang Lumapit si Darren at nagpakilala kay Evo. Nagkamayan sila. Napataas lang ako ng kilay ng makibeso sila Zia at Cassie sa kanya na parang teenagers na kinikilig nang makita ang paborito nilang celebrity. Tumingin sa akin si Darren at ngumiti. Tumabi siya sa akin at bumulong sa tenga ko. "Nice meeting you once again, Stefano Rodriguez. Half-Filipino;half-Brazilian Mass Communications student. Junior year. July 23. Cancer and has a big crush on Primitivo "Evo" Delos Santos. "How did you know all of those things?" ang tanong ko. "I'm a perverted alien, remember? I know everything and anything" ang paseryoso niyang tugon sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Darren, ako na ang bahala kay Stefan" ang pagdidistract niya sa bulungan namin. "Baka malayo pa ang tinutuluyan mo; hassle naman sa'yo" "Oo nga" ang pagsang-ayon ko. "Magkavillage tayo, silly" ang pabirong sabi niya sa akin sabay akbay. Kaagad ko naman yung inalis. "Nakatira kami sa parehong village. So, don't you worry about me." Nanlaki ang mga mata nila Zia at Cassie sa nalaman. Sa bandang huli ay pumayag din si Evo na ihatid ako ni Darren. Tatanggi na sana ako nang Lumapit sa akin si Zia at bumulong. "Now's your chance to start seducing Darren. Go for it" "What? Pero ihahatid ako ni Evo! Siya ang gusto kong maghatid sa akin" "PA" ang pagpapa-alala niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Lumapit ako kay Darren kahit na nag-aalangan. Walang gana akong nagpaalam kila Zia, Cassie at Evo. Si Evo. Nakakapanghinayang; leche talaga tong Darren na ito ang galing manira ng moment. Pinasakay niya ako sa kanyang kotse. Hindi nagtagal ay bumyahe na kami. Nanatili akong tahimik sa loob at hindi pinapansin si Darren kahit na kinakausap niya ako. Si Evo ang nasa isip ko ngayon at ang sinabi niya na he likes me. Paniniwalaan ko kaya siya? Etong si Darren, ano bang pakay niya sa akin? Heto ba ang kabayaran sa labing-limang minutong pagtabi ko sa kanya sa oras ng kalungkutan niya? Bakit ganun na lang ako kasensitive kapag siya na ang kasama ko? Bakit ba ang init ng dugo ko sa kanya? "Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?" ang sabay na tanong niya sa pagtatanong isip ko. Napatingin ako sa kanya. Nakatuon ang atensyon niya sa kalsada, minsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. "What did I do wrong?" "Ikaw, ikaw ang wrong" ang tugon ko. "Everything in you is wrong" "Like?" Napaisip ako. "Like you're a perverted alien and you're such a flirt" "Masama ba kung magpakaflirt ako? I'm single." "You just asked me to have s*x with you" "I did ask but I didn't force you, did I?" ang depensa niya. "I'm a hopeless romantic but I do flirt" i
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD