ZYRA
*
*
" Kuya! Nakapag luto na po ako kumain ka nalang. Hapon pa ang uwi ko may libreng tanghalian si Aling Juanita." Pasigaw na wika ko habang sinusuot ang long sleeve shirt. Lumabas ako ng Kwarto dala ang garab na pang ani ng palay.
" Zyra sabay na tayo doon din ako mag-aani ng palay ngayon." Tugon ni Kuya ngumiti ako sinabayan ko mag-almusal ang Kapatid ko
" Kuya! Sa nalalapit na pasukan galingan mo ah. Sa susunod daw na linggo ang alis namin ni Aling Aurora papuntang manila. Pagtapos mo ng college ako naman ang mag-aaral. hindi naman tayo pwede umasa
kay Tatay sapat lang ang binibigay niya sa panghulog sa utang na naiwan ni Nanay ." Seryoso na wika ko
" Kaunting tiis nalang Zai makakapag tapos na si kuya isang taon nalang magtratrabaho ako sa mamahalin restaurant at pag-aaralin kita. 19 ka pa lang naman bata ka pa, Mahirap din ang walang Nanay. Pero makakapag tapos din tayo magtulongan nalang tayo. " Mahinahon na tugon ni Kuya
Nasa ibang bansa si Tatay isa siyang Navy pilot. Ang problema tinatago kami ni Tatay Kabit kasi si Nanay, Nagpapadala naman si Tatay Namatay sa sakit sa puso si Nanay maliit pa ako ng namatay si Nanay kaya hindi ko maalala si Nanay ang pera na padala ni Tatay nauuwi sa naiwan utang ni Nanay. Wala narin kaming ibang kamag-anakan sa mother side namatay daw ang Kapatid ni Nanay kasama ang mga magulang nila. Kami nalang ni kuya ang magkasama
" Kuya magkano pa ang utang natin kay Don Ramirez?" Tanong ko
" 57, thousand pa Zai. Sya nga pala pag-uwi natin mamayang gabi punta tayo sa bukid ilang araw narin tayong walang pagsasanay. " Tugon ni Kuya
Ngumiti ako ng nakakaloko umirap si kuya
" Walang dayaan Zai ng nakaraan pinaulanan mo ako ng bala habang nagpapahinga." Inis na wika ni Kuya
May kaibigan si Nanay na tumutulong saamin na magsanay sa pakikipaglaban. Simula ng pumanaw si Nanay siya na ang naging pangalawang Ama namin.
" Kuya! Tumawag si Tito kagabi sabi nalalapit nadaw ang pagbabago ng Buhay ko. Siraulo ang gagong yon Kung Ano-ano sinasabi. " wika ko
" Sa susunod na padala ni Tatay tatapos na ang bayaran kay Don Ramirez. Kaya makakapag ipon na tayo sa pampapaayos ng bahay. " wika ni Kuya Sinadya ibahin ang Usapan
Panay ang kwentohan namin habang naglalakad papunta sa palayan ni Aling Juanita
" Alam mo parang hindi lang magkapatid ang relasyon ng dalawang to para bang may Romantiko na relasyon aba palagi silang sweet." Wika ng anak ni Kapitan
" Hoy Clarita! Wala kaming lahing Aso. Gago ka pala! Anong gusto mo magpatayan kami magkapatid. Yong dumi ng utak mo linisin mo yan tatalupan kita ng buhay putangina mo ka. " Galit na sigaw ko
" Haha! Parang kang tuta kung magalit Zai ang cute mo. Naisip ko tuloy malas ang future husband mo. " Natatawa na wika ni Kuya inakbayan ako nito kinulong sa bisig niya para pigilan sa pagsugod
" Itong batang to Manang mana ka sa Nanay mo. Pumasok ka nga sa bahay naghugas ka ng pinagkainan. Tarantadong bata ka pinapahiya mo na naman ako. pinag-iinitan mo naman si Zyra. " Paninirmon ni Kapitan Thomas
" Franklin, Zyra pasensyahan nyo na ang anak ko naabala pa tuloy kayo sa pupuntahan nyo " Mahinahon na wika ni Kapitan
" Okay lang ho. Huwag naman sana lagyan ng malisya ang pagiging sweet namin. Alam nyo na ako ang nagpalaki kay Zyra dahil wala kaming Nanay." Mahinahon na tugon ni kuya nakatakip ang kamay niya sa bibig ko para hindi na ako makapag salita
Nahihiya naman na nanghingi ng paumanhin ang Kapitan nagpatuloy na kami sa paglalakad dadaanan kasi ang bahay nila Kapitan bago kami makarating sa palayan ni aling Juanita
" Bakit hindi mo nalang ipatikim yan Jun-jun mo kay Clarita. Aba kaya kung ano ano ang sinasabi niya saatin dahil pati ako pinagseselosan. Aba Anong gusto niya magpatayan tayo? Dadalawa nalang tayo mag-aaway pa tayo nakakapanginig ng laman ang babaeng yon. Kung pwede ko lang siya gilitan ng leeg ginagawa kona." Nanggigil sa galit na wika ko
Nakaakbay parin saakin si Kuya tumatawa lang ito.
" Sino naman kaaway ng Kapatid mo Frank? " Tanong ni Aling Juanita
" Si Clarita ho aling Juanita. Sinabi ba naman na may Romantikong relasyon daw kami magkapatid dahil sa sweet daw kami lagi. Aba naglalakad lang naman kami ni Kuya Ang dumi ng utak ng gagong yon nakakagigil." Galit na Paliwanag ko
Ginulo ni kuya ang buhok ko natawa naman ang mga kasamahan namin sa palayan. Habang nag-aani ng palay hindi parin matigil ang bunganga ko.
" Yan ang dahilan kung bakit agad ko pinipigilan ang Kapatid ko. Iba magalit matagal mawala ang galit niya. Kahit nga ako ilang beses nang hinababol ng taga mabuti nalang nakakailag ako." Naiiling na wika ni Kuya muling nagtawanan ang mga kasamahan namin
" Matagal na kasi may gusto si Clarita sayo iho " Sabi ni Mang Totoy
" Sabi ko na nga mang Totoy ipatikim na ang Jun-jun niya para Manahimik na." Inis na tugon ko habang patuloy sa pag-aani ng palay
" Oy! Ayaw ko nga sawsawan ng bayan ang babaeng yon. Wala pa akong plano magkasyota pagkatapos mo mag-aral saka ako maghahanap ng kasintahan." Tugon ni Kuya
" Kuya huwag mong sabihin na wala ka pang first girlfriend? Sa dami mong naikama wala ka pang jowa? " Wika ko
" Hahaha! Gagi may first girlfriend ako ng highschool nasa ibang bansa na ngayon eh. " Natatawa na tugon ni Kuya napansin ko ang kakaibang ngiti sa kanyang labi
" Oy si kuya Inlove.'" panunukso dito
Napunta kay kuya ang topic sa buong maghapon masayang natapos ang pag-aani namin. Magkasama parin kami ni Kuya na umuwi masaya din kami na dumaan sa palengke para bumuli ng ulam
" Kuya ako na ang magluluto pahinga ka nalang. " Wika ko
" Sige! Pupuntahan ko muna ang mga kaibigan ko makikipag sayawan kami sa kabilang baranggay mamaya." Wika ni Kuya
" Kuya! Sabi mo magsasanay tayo?" Tanong ko
Lumapit si kuya ginulo ang buhok ko
" Maraming magagandang babae na pupunta. Alam mo na makatikim lang naman kahit halik." Pabiro na wika nito
" Kuya! Pupunta kaya sa sayawan ang anak na binata ni Madam Zoey? Si Sir Leo Crush ko yon eh. Doon daw ako mamasukan, Hehe kuya siya ang gusto ko maging first sa lahat." Nakangiti na wika ko
" Naku! Nangarap ka naman. Pero kung siya ang maging bayaw ko malas niya sayo. " Pabiro na tugon ni kuya
" Kuya gusto mo din siya para saakin?" Tanong ko
" Yup! Kahit sino ang magustohan mo tatanggapin ko basta huwag ka lang sasaktan. Pero 30 years old na si Sir Leo 11 years ang tanda niya sayo." Seryoso na wika ni Kuya
" Hehe! Kuya hintayin mo ako sasama ako papunta sa kabilang baryo. Pupuntahan ko din si Aling Aurora." Nakangiti na wika ko
" Sana mansion nina Sir Leo si Aling Aurora. Ang totoo si Aling Aurora ba ang pupuntahan mo o gusto mo lang makita si Sir Leo?" Pang-aasar ni Kuya habang nagtitimpla ng kape
" Hehe! Kuya ano kaya ang pakiramdam ng halikan sa labi?" Inosente na tanong ko
Tumayo si kuya bumulong saakin
" Subukan mo kay Sir Leo, Subukan mo ibigay sakanya ang first kiss mo. " Bulong nito
Natulala ako tumawa si Kuya naupo sa ibabaw ng table nagkakape siya habang nakatitig saakin ng nakakaloko
" Kuya! Baka magalit eh." Kinakabahan na tugon ko
" Gawin mo! 100% sure ako na makukuha mo ang pansin niya. Haha hindi mo alam kung paano humalik kaya magiging memorable ang unang halik mo. Haha hindi ka na rin naman bata 19 kana." Natatawa na wika ni Kuya
Namumula ang mukha ko na tumingin sa Kapatid ko muling tumawa si kuya
" Sana nga si Sir Leo ang maging future husband mo. Kung hindi ka niya magugustohan gagawa ako ng paraan para magustohan ka niya. Alam mo naman mahal na mahal ka ni Kuya." Seryoso na wika ni kuya
" Nagbibiro ka lang diba? " Tanong ko tumawa si kuya
" No I'm not." Tugon nito
" Ano pinag-uusapan nyo?" Tanong ni Lexie Nag-iisang kaibigan ko
" Oy Gagi kailan ka dumating?" Tanong ko bakas ang tuwa sa boses ko
" Huh Hala sya! Kararating ko lang aayain sana kita papunta sa kabilang baryo." Tugon ni Lexie
" Pupuntahan ko si Aling Aurora aalis na kasi kami papunta sa manila. " Nakangiti na tugon ko
" Oy sama ako! Alam mo naman crush ko din si Sir Leo gusto ko siya makita. Malay mo magustohan niya ako hindi ako lumabas at magpa-araw ng ilang buwan para gumanda ang balat ko." Excited na wika ni Lexie
Nahiya ako bigla parang nawalan ako ng pag-asang mapansin ni Sir leo sunog sa araw ang balat ko makinis naman ako pero kayumanggi ang balat ko hindi bagay sa blonde na buhok ko natural na blonde ang buhok ko dahil sa namana ko ang buhok at mata ng Tatay ko. Blue eyes ang mga mata ko. tan skin blonde hair with blue eyes kung ilalarawan ako, Pero ang pagiging tan skin ko dahil lang sa sunog sa araw hindi nga pantay ang kutis ko. May maputi may maitim
Lumapit si kuya saakin humarang siya saakin dahilan para natakpan ako hindi makita ni Lexie
" Huwag kang mahihiya sa kulay ng balat mo. Perfect ka para saakin at sigurado ako kung hindi ka mapapansin ni Sir Leo may lalaking makakapansin sa ganda mo. Don't be sad Baby." Malambing na wika ni Kuya
" Hehe! Salamat kuya! Sasama nalang ako mamaya." Tugon ko
Ginulo ni kuya ang buhok ko
" May lakad kami ni Kuya mamaya! " Tugon ko kay Lexie kinuha ni kuya ang hawak ko na plato inilapag sa mesa
" Kung nandito ka para laitin ang kapatid ko. Makakaalis kana kaibigan ka ba talaga. " Wika ni Kuya sa galit na boses
'" Oy sorry naman! Wala naman akong sinabi na masama. Hindi ko naman kasalanan na maganda ang balat ko at sunog ang balat ng Kapalit mo. " Mataray na tugon ni Lexie
" Oo nga kuya! Wala naman masamang sinabi si Lexie. At isa pa hindi naman ako naiinggit sa mapuputi. Kasi sigurado ako kahit na hindi ako gumamit ng pampaganda at pampaputi puputi ako alalahanin mo Americano si Tatay sunog lang sa araw ang balat natin pero hindi naman nabawasan ang ganda at gwapo natin. Biniyayaan naman ako ng magandang mukha at magandang hubog ng katawan. " Buong pagmamalaki na tugon ko
" Sabihin mo kulang kayo sa Pagkain kaya ka payat." Pangbabara ni Lexie
" Hindi ko talaga alam kung bakit palagi kang nanbabara. Kaibigan ba talaga kita? Aba bago ka umalis papuntang manila pinagkalat mo na naabutan mo kami ni Kuya na naghahalikan. Isa pang paninira mo saamin magkapatid pasasabugin ko yan bunganga mo. " Galit na wika ko
" Tsk! Naiinis ako sayo! Kahit anong pagpapansin ko sa Kapatid mo hindi ako pinapansin. Obsessed siya sayo mawala ka lang sa paningin niya nababaliw na sa kakahanap sayo." Yamot na tugon nito
Sabay kami tumawa ni Kuya natigilan si Lexie
Naglakad si kuya papunta kay Lexie walang pag-aalinlangan na hinalikan ito sa labi natulala ang dalaga
" Ano pa ang gusto mo? Gusto mo ba matikman ang galing ko sa kama? Tangna ka nagseselos ka sa Kapatid ko? Sino kaba? Hindi naman kita kasintahan." Tanong ni Kuya may hong pang iinsulto ang boses nito
Tumalikod si Lexie namumula ang mukha
" Kuya! ilang babae pa ba ang mang-aaway saakin? " Tanong ko tumawa lang si kuya
Lumapit si kuya sa lababo nag toothbrush siya nagmumog din nasusuka pa siya
" Baho ng hininga tangna na babaeng yon." Nasusuka na wika ni kuya namumula ang mukha ko sa kakatawa sa Kapatid ko
" Parang hindi nagtoothbrush ng ilang taon. " Nasusuka na wika ni Kuya