Leo
*
*
" Nakasimangot ako. nandito ako sa probinsya na kinalakihan ng mga magulang ko. Kasalukuyan kami nasa loob ng tinatawag nilang Beer plaza
" Hey dude! Smile ka naman para kang papatay kung makatitig. " Sita ni Drew
" Wala ako sa mood pumunta dito. Wala akong nakikitang babae aagaw s---
Hindi ko natapos ang sasabihin ko napatingin ako sa babae sa dance floor sumasayaw ito sa harapan ng matangkad na lalaki habang ang lalaki naman tumatawa. Pinulupot pa ng babae ang braso sa bewang ng lalaki
" She's deadly gorgeous." Wala sa sarili na sambit ko
" Hahaha mukhang naagaw na ang pansin mo ng isang probinsyanang dilag." Natatawa na wika ni Clint
" Ang alin d'yan?' Tanong ni Drew
" Ang Naka white t-shirt at maong pants. May kasamang matangkad na tumatawa ang pinaka matangkad sa dance floor. Mukhang hindi basta-basta ang tindig parang police o kaya sundalo." Paliwanag ko
" Oops Dude mukhang may kasintahan na. Sya din ang nakaagaw sa pansin ko siya kasi ang may pinaka semple na pananamit wala din makeup pero lutang ang ganda. " Paliwanag ni Drew
Habang Pinagmamasdan ko ang magkasintahan hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagkainis. Panay din ang bulong ng lalaki sa babae para bang kulang nalang halikan ang babae.
" I Hate her. " Inis na sambit ko
Tinungga ko ang beer na hawak ko
" Grabe saya talaga dito sa probinsya nyo dude. Kung pwede lang manatili pa tayo dito kaso may business trip pa ako." Wika ni Clint
" Babalik narin ako sa susunod na araw, Nautosan lang ako ni Yaya aurora na isama na pabalik sa manila ang magiging kasambahay ko. " Tugon ko
" Aba! Bawas bawasan mo kasi ang pagiging mainitin ng Ulo mo. Ilang kasambahay na ba ang lumayas sayo? " Paninirmon ni Drew
" Kaunting pagkakamali lang pinaputukan mo na agad ng baril." Dugtong naman ni Clint
Napakamot ako sa ulo maikli talaga ang pasensya ko. Yan ang dahilan kung bakit walang tumatagal na kasintahan ko. Ilang girlfriend naba ang muntikan ko nang mapatay dahil sa seloso ako. Naiinis din ako sa tuwing may kasambahay akong hindi marunong magluto.
" Na meet mo na ba ang fiance mo? " Tanong ni Drew
" Hindi pa! Two years pa daw bago ko makilala ang babaeng ipapakasal saakin ni Daddy. Nasa ibang bansa pa daw ang ama ng babae at wala pang alam ang babae sa kasalan na magaganap." Tugon ko
" Mayaman din ba?" Tanong ni Clint
" Sa pagkakaalam ko hindi naman mayaman hindi rin mahirap. Sa pagkakarinig ko sa usapan nila mommy Fil-Am daw pinay ang Nany at Americano ang Tatay. " Baliwalang tugon ko
" Wow dude sigurado maganda ang fiance mo. Bakit hindi mo na kilalanin?" Wika ni Drew
" Hindi ako magpapakasal! Gusto ko sa babae ang kaya akong labanan. Ayaw ko sa iyakin nakakairita ang babaeng ganon, Gusto ko ang kaya akong hampasin at batukan." Walang Emosyon tugon ko
Napansin ko ang paglalakad ng magkasintahan papunta sa may kinaroroonan namin naupo sila sa katabing Table
" Hehe! Sige na isa lang." Paglalambing ng babae sa lalaki parang bang umakyat ang dugo ko sa Ulo. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa kalandian ng babae
" NO baby! Kawawa naman ako pag nalasing ka. Nang nakaraan nalasing ka muntikan mo ba akong mataga. " Pasigaw na Pagtutol ng lalaki
" Hahaha." Malakas na tawanan ng kasamahan nilang puro din lalaki nakaakbay ang lalaki sa babae
" Yon Ohh." Sigaw ng kasamahan nila sa table
Nakatitig saakin ang babae nagkatitigan kami agad naman ngumisi ang lalaki sabay bulong sa babae
Napansin ko ang pagngiti ng babae ang lalaki pa mismo ang nagpa-inum ng alak sa kasama nitong babae
Tumango ang babae tumayo inubos ang isang bote ng Beer sabay lakad palapit sa kinaroroonan namin
Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa babae hanggang sa huminto siya sa harapan ko hinila niya ang necktie ko Sabay dampi ng labi sa labi ko natulala ako. Kasabay ng sigawan ang pagtalikod ng babae
" Yehey nagawa ko." Masayang sigaw nito
Wala sa sarili na napahawak ako sa labi ko para bang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Nararamdaman ko pa ang malambot niyang labi sa labi ko. Ang kakaibang amoy niya na parang amoy baby.
" Hey dude! Ano lasa?" pang-aasar ni Clint saka lang ako natauhan
" Haha! Tawa ko." nagtawanan din ang dalawang kaibigan ko
" Uwi na tayo! Aalis na daw kami bukas sabi ni Yaya Aurora. Kailangan ko pang ayusin ang mga mangga na dadalhin ko." Wika ko
Tumayo ako saglit ako tumingin sa babae ngumiti siya saakin ngumiti din ako pero nawala ang ngiti ko nakaakbay na naman ang lalaki sa babae.
Naiinis na naglakad ako palabas ng sayawan.
" Bayarang babae siguro ang babaeng yon! Bakit hinalakan niya ako samantalang kasama niya ang kasintahan niya. " Naiiling na wika ko
" Baka Kapatid! Magkahawig ang dalawa eh.". sabat naman ni Clint
" May magkapatid bang laging magkayakap? Baliw kaba? Kami nga ni Cleo laging nagpapatayan sa tuwing magkasama. " Yamot na tugon ko
Tumawa ang dalawang gago
" Hahaha! Naku mahirap yan nahalikan ka lang nagseselos ka agad. " Pang-aasar ni Clint
Bakit nga ba nagagalit ako? Sino ba kasi ang babaeng yon? Bakit may kasamang siyang lalaki na laging nakaakbay o kaya nakahawak sa kamay ng dalaga.
" Natigilan ka? Haha Aba mukhang pinanganak na ang babaeng nagpapalambot sa pusong bato ng kaibigan natin." Pang-aasar ni Drew
" Hahaha! Ngayon lang ako nagkaganito. " Natatawa na wika ko
" Kung Bibigyan ako ng ng pagkakataon na makasama ang babaeng yon. Aanakan ko Taon-taon yon." Pagbibiro ko
" Hahaha! Liit ng bewang dude natural na sexy at Ang ganda. " Wika ni Clint
*
*
Zyra
*
*
" Kuya, Sali tayo sa dance contest. Baka sakaling manalo tayo makakapag pagawa tayo ng bahay. " Pangungumbinsi ko kay Kuya
" Papasok kana bilang kasambahay pano yan?" Tanong ni Kuya
" Isang araw lang naman ang kailangan don. Sa araw na mismo ako pupunta. Magpapaalam nalang ako. Ang kailangan mo lang gawin tawagan si Tatay para makituloy ka sakanila. Wala naman tayong kakilala sa manila. Balita ko 1M daw ang makukuha ng mananalo ." Excited na wika ko
Napatigil si Kuya sa paglalakad pinaharap ako sakanya hinawakan ako sa magkabilang balikat
'" Totoo bang isang million ang makukuha?" Gulat na tanong ni Kuya
" Napanood ko sa balita sa TV kuya malay mo manalo tayo. Ang paborito natin Modern dance ang unang sasayawin natin. Tapos pagnanalo tayo Tango ang finale dance natin. Yon ang mga sayaw na kahit wala tayong pagsasanay alam at kabisado natin." Masaya na wika ko
" Sige! Bukas na Bukas tatawagan ko si Tatay alam ko may Bahay tayo sa manila para daw saatin dalawa yon. Nasa Cabinet ni Tatay ang Susi ng bahay natin sa manila, Sabi Malaki daw yon hindi pa kasi tayo nakakapunta sa manila." Masaya na tugon ni Kuya
" Sabi ni Tatay may mga kapitbahay daw tayo na mayayaman ang iba Artista pa. Diba mayaman lang ang mga nakatira sa ganon lugar." Nagtataka na wika ko
" Zyra Levine. Nakalimutan mo bang mayaman naman talaga ang Lolo natin. Kabit kasi si Nanay dahilan para itago tayo ni Tatay. Sa pagkakaalam ko may dalawang kuya pa tayo. " Tugon ni Kuya
" Hinding-hindi ako papayag na gawin akong parausan ng kahit na sino. Papatayin ko ang sino mang magtatangka pagpa-ibig saakin. Dapat handa akong pakasalan sa ganon paraan matitiyak ko na Hindi ako kabit." Mariing Wika ko
" Woah! Paano kung si Leo ang magpaibig sayo? " Pang-aasar ni Kuya
" Papatayin ko siya! Kung hindi ko siya mapatay ipapakita ko sakanya ang pinaka masamang ugali ko sa ganon paraan magbago ang pagtingin niya saakin. " Tugon ko
" Sya nga pala! Sa tuwing Day off mo imbistagahan mo ang tungkol sa pagkatao ng Tatay natin. Alamin mo ang lahat ng tungkol sakanya. Kilalanin mo kung sino ang dalawa half brother natin. Hanggang ngayon wala tayong alam sa angkan na pinanggalingan natin. Naghihirap tayo dito Minsan wala pa tayong makain Samantalang sila magpapakasarap sa buhay. " Seryoso na wika ni Kuya
" Sige! Pero hindi tayo aasa sakanila. Sa oras na matapos bayaran ang utang ni Nanay Itigil mo na ang pagtanggap ng pera galing kay Tatay. Hindi natin sila kailangan Ikaw na muna ang magtapos sa pag-aaral. Pagkatapos mo ako naman ang mag-aaral." Tugon ko
" Baby huwag kang mag-titiwala sa mga tao sa paligid mo. Sa pagkakaalam ko hindi basta-basta ang pamilya ng Boss ni Aling Aurora. " Wika ni Kuya
" Hindi pa natin nakikilala ang Asawa ni Ma'am Zoey mga anak lang ang nakikita natin." Dugtong pa ni Kuya
" Kuya! Hinding-hindi ko pababayaan ang sarili ko. Magtatapos pa ako ng pag-aaral. Mag aabroad pa tayong dalawa. Sa ngayon ituon mo ang pansin mo sa pag-aaral. Huwag ka muna mag girlfriend wala ka pang nararating sa buhay. Kailangan magpatayo ka muna ng bahay at small business." Mahabang paliwanag ko
" Hahaha! Bakit ako manliligaw? Nakakatikim naman ako ng talaba kahit na wala akong kasintahan. Sa Gwapo kung to. " Pabiro na tugon ng Kapatid ko
Ubod ng lakas na binatukan ko si Kuya nakarinig ako ng tawanan nakalimutan ko na kasama pala namin ang mga kaibigan ni kuya
" Pambihira! Nakakatakot talaga ang Kapatid mo Dude. " Natatawa na wika ni Arnold kaibigan ni Kuya
Nahihiya na nagpatuloy ako sa paglalakad inakbayan ako ni Kuya panay ang tawa
" Natakot nga ako ng huling punta ko sa bahay nila. Sinalubong ako ng taga mabuti nalang nakailag ako. " Sabat ni Manuel
" Hahaha! Naubos ko kasi ang pera na pambili ng bigas naiposta ko sa manok ni Mang Nestor. Hinababol ako ng taga nagkataon na pumunta ka sa bahay kaya nadamay ka." Natatawa na Paliwanag ni Kuya
" Dude! Sa tingin mo may Siraulo kayang lalaki na maglalakas ng loob na manligaw sa Kapatid mo?" Tanong ni Arnold
" Aba Siraulo kayo ah! Magtsismisan kayo Parang hindi nyo ako kasama. Aba mabait naman ako. Hindi ako maarte, masipag ako Maganda din ako. Kahit paano may mahahawakan sa boobies ko, Sexy ako matambok pwet ko , Kaya hindi na rin lugi ang future husband ko. " Naiinis na sabat ko
" Hahaha! Kahit nasayo na lahat ng katangian ng babae Hindi parin ako magkakamali na magkagusto sayo. Maaga ako mamatay sayo Kapatid mo nga hinababol mo ng taga. " Natatawa na wika ni Manuel
" Hahaha! " Tawanan namin
" Maikli kasi pasensya nito. Iwan ko ba pag galit talagang hindi ko basta-basta napapakalma. Wala lang akong choice kundi pagtiyagaan ang ugali. Bunsong kapatid ko eh babae pa. " Napapakamot sa ulo na Paliwanag ni Kuya
" Alam mo malas talaga ng mapangasawa ko. Hindi ko rin kasi alam kung bakit mabilis ako magalit pinaglihi ata ako sa sama ng loob." Napapailing na Paliwanag ko
Nagtawanan kami panay ang biruan namin habang naglalakad pauwi.
Kinabukasan
" Baby! Tandaan mo habaan mo ang pasensya mo. Pakiusap habaan mo ang pasensya mo. Kaunting tiyaga lang makakapag tapos narin ako ng pag-aaral. " Mahinahon na pakiusap ni Kuya
" Naku! Kaya nga ang Kapatid mo ang napili ko na isama Dahil tamang-tama siya sa ugali ng Alaga ko. Maikli din pasensya ng Alaga ko kaya okay lang kung paminsan-minsan batukan mo. Walang magagalit sayo. Tandaan mo huwag kang papasindak sa Boss mo. Pag sinigawan ka sigawan mo din. " Sabat ni Aling Aurora
" Aling Aurora kung ano-anong kalokohan ang tinuturo mo sa Kapatid ko. Alam mo naman na Naghahabol ng itak ang pasaway na to. Baka mamaya habulin nya Boss nya nakulong pa siya ng wala sa Oras." Nag-aalala na sita ni kuya kay Aling Aurora
" Sige! Iho aalis na kami naghintay na ang Alaga ko sinundo ko lang Kapatid mo." Nakangiti na paalam ni Aling Aurora
" Bye Little sister. " Nakangiti na wika ni Kuya