Chapter 14 AGA… I WOKE UP in a place that I’m unfamiliar with. Disoriented pa ang utak ko at hindi ko agad natandaan kung nasaan ako. Bakit nga ba ako nandito? At nasaan na nga ba ako? “Bahay mo ba talaga ‘to o hindi?” Tanong ko kay Keiran. Kadarating lang namin at agad na kaming dumeretso sa bahay niya. Pero mas mukha pang bahay ang barracks namin kaysa sa bahay niya. Wala man lang kagamit-gamit sa loob. “Yes, bahay ko ‘to. Hindi lang ako naglalagi rito, and I just bought it maybe three years ago? I’m not sure at all kung kailan.” Sagot naman ni Keiran. Namangha akong malaman na ilang taon na niyang nabili pero hindi man lang niya naisipan na bilhan ng gamit. “May higaan ka ba naman dito? O baka hihiga lang tayo sa sahig?” Tanong ko na naman nang sundan ko na siya papasok