Chapter 13 KEIRAN… GOING BACK to Manila is kind a hard for me. Ang arte pero iyon ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko magawang sumakay ng sasakyan ko para lang umuwi na. Isang linggo lang ako rito pero pakiramdam ko, sa lugar na ito na ako dapat tumira. “Are you coming or not?” tanong sa akin ni Athena. Nakatayo na siya sa tapat ng sasakyan ni Hermes, nakabukas na ang pintuan ng passenger seat at papasok na lang sana si Athena sa loob. Habang si Hermes naman ay nasa loob na at naghihintay na makasakay na si Athena para umalis na sila. Our mission is over, although hindi naman talaga tapos na tapos ang lahat. The big fish is still out there, and Senator Makulimbat is just turn over to the congress or senate. Hindi ko alam at wala akong balak na alamin kung saan nila dadalhin ang sen