CHAPTER: ONE
KEIRAN…
“ACHOO‼!”
Kanina pa ako bahin nang bahin, ang sakit na nang ulo ko pero kailangan kong intindihing mabuti ang mga binabasa medical cases, na kailangan kong aralin. Mahirap na baka kung ano pa mangyari sa pasyente ko kung magkamali ako dito.
I’m a general surgeon, ito ang pinili kong specialist ko matapos akong mag-aral bilang doctor. Hindi dahil sa passion ko ang manggamot, kung hindi dito ang malaking pera. I did everything I can mapaangat lang ang status ko sa buhay. Kapit sa patalim kung kinakailangan, ayoko ng maging mahirap. Hindi ko maabot ang gustong abutin kapag wala akong pera.
“Doc, nandito pa po pala kayo?” magiliw sabi ng isang nurse sa akin.
Tumingin lang ako sa nurse at ngumiti. Wala talaga ako sa mood makipagkwentuhan o magsalita man lang. Masakit ang ulo ko, pero kailangan Kong basahin ang mga medical chart na nakalagay sa pangalan ko.
Wala naman nakakapagtaka na makita ako sa hospital, halos dito na nga ako tumira sino pa nga ba ang nakakagulat doon. Kung wala ako sa ospital nasa mission lang ako. Ang bahay ko para ko lang banyo. Naliligo lang ako doon, o nagpapalit ng damit tapos lalayasan ko na. Ni hindi ko nga matandaan na natulog na ako sa bahay kong iyong simula nang mabili ko. May isang taon na yata ang bahay ko, dapat talaga hindi ako bibili ng bahay. Ewan ba naman at naisipan kong bumili, siguro dahil sa loko-loko kaibigan ko. Si Napoleon, engineer kasi na sales talk ako.
Isang malakas na bahin na naman ang kumawala sa bibig ko. Lalagnatin na yata ako, may sipon na kasi akong sinisinghot para hindi tumulo. Naulanan ba naman kasi ako kahapon habang naghihintay sa go signal ni Fortress para sa target ko. Ang tagal naman kasi, tapos biglang umulan pa.
“Gusto niyo po ng tea, Doc. Kei?” tanong ng nurse na kasama ko sa nurse station.
“Hindi na nurse, ayos lang ako.” Sagot ko habang panay pa rin ang singhot ko.
Magkakasakit na yata talaga ako, hindi pwede ito. Kailangan kong kumita, sayang ang isang araw na mababakante ako. I need cash, not rest.
Hindi ko pa natatapos ang isang page nang binabasa ko naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. Napangisi ako habang nararamdaman ko ang vibration, don’t get me wrong people. Natutuwa ako sa tuwing nararamdaman ko ang vibration ng cellphone ko na ito. It only mean, M O N E Y.
I know it’s not my personal phone, it’s my other phone for my other work.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko bago ako tumayo. Hindi dapat pinaghihintay ang pera, baka magtampo.
“Iidlip lang ako, if someone look for me or there’s an emergency just call me at my phone okay?” paalam ko sa nurse na kasama ko.
“Yes, Doc. Kei.”
I have two different job, one is a normal one, a doctor. Then the other one is quite normal for me. A secret agent. Since I got used to it, ilang taon ko na rin itong ginagawa actually.
Noong una hindi ko gusto, hindi ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Kailangan ko lang sundin ang utos ng big boss ko, ang taong nagpaaral sa akin mula elementary hanggang makatapos ako ng pagdo-doctor. Our Alpha, Federico Hidalgo. His the manager of SIS Secret Intelligence Service in the Philippines. His kind a badass too, kala ng marami isang simpleng negosyante lang ito na kapatid din ng Presidente ng Pilipinas.
Siya ang nagpupunta sa mga bahay ampunan noon para tumulong sa mga mahihirap na katulad ko. Nakuha ko lang ang lahat ng mayroon ako nang dahil sa lakasan ng loob, nilakasan ko ang loob ko noong sampong taong gulang pa lang ako para maiahon ang sarili ko sa lusak.
Noong una kasi akala ko masamang trabaho ang ibinigay sa akin. Hindi naman pala, I’m become an executioner of the sinners. And later on I learned to love my job, because it gives a lot of money.
By the way I’ve started being the executioner of SIS when I was just eighteen. Ako na ang namilit, nahihiya na kasi akong pag-aralin ng libre ni Alpha. Kahit na hindi ko gusto noong una, pikit mata kong inaral ang trabaho kong ito para sa kinabukasan ko.
“Fortress, may mission ako? Nangangamoy pera eh,” masayang sagot niya sa tawag ng nasa loob na siya ng banyo.
“Yap, may sahod na rin.” Sagot nito na ikinangisi ko.
Nawala bigla ang sakit ng ulo ko, magaling talagang gamot ang pera.
“Good, magkano sinahod ko?” nakangising tanong ko kay Fortress.
Sigurado ako, umuusok ang ilong nito ngayon.
“Bakit ako ba ang accounting? Ako ba nagpapasahod sa ‘yong damulag ka! Magsama nga kayo ng barkada mong may sayad!” sigaw ni Fortress.
Tinawanan ko lang, if I know kasama nito ngayon si Waylon ang sinasabi niyang barkada ko. Siya lang naman ang alam kong lapit nang lapit kay Fortress. Alangan namang ang dakilang tatay-tatayan nitong si Preston? Mas lalo si Napoleon malabong mangyari, nakabaon palagi sa asawa iyon. Silang tatlo lang naman ang tinuturing kong barkada for life.
“For−“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pagpatayan ako ng tawag.
Napakamot na lang ako sa ulo nang makatanggap ako ng message. Iyong location na pupuntahan ko at kung sino ang kailangan kong kausapin. Napataas na lang ang kilay ko, kausapin lang ang mission ko? hindi ang patayin ang mission ko o target ko?
“Ano Intel na rin ako? Bumigay na ang tuhod ni Papa Preston?” natatawang saad ko sa sarili ko.
Ang lilikot kasi ng mga anak ng isang iyon, tapos sinundan pa agad. Kapag nagkikita-kita kaming apat panay ang reklamo na masakit na ang tuhod at likod ng Preston na iyon kakabuhat sa kambal na panganay tapos dadagdag pa ang bunso na heavy sa ka-cute’an.
But anyway, business is business as long as I’ll earn money. Binasa ko ulit ang message na pinasa sa akin ni Fortress, at sa nabasa kong oras, may time pa ako para matulog. Bukas pa kailangan na pumunta sa sinasabing location. Kaya itutulog ko na muna ang free time ko, biglang sumama na naman ang pakiramdam ko.
Nasa loob na ako ngayon ng private clinic ko sa loob ng ospital kung saan ako nagta-trabaho. May sofa dito kaya dito na ako matutulog, na palagi ko naman talagang ginagawa ko. Mas mukha na ngang bahay ko itong clinic ko kaysa sa sarili kong bahay.
Papikit na ako ng maalala ko ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ko.
Bumangon ako at dali-daling kinuha ang cellphone ko na para sa SIS at tinawagan si Fortress. Bakit ba naman nakalimutan niya iyong tanungin kanina.
“Fortress, magkano ang sahod ko dito? Baka maliit lang kasi kakausapin ko lang−“
Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng pagpatayan na naman ako nang tawag. Isang middle finger na emoji ang ipinadala sa akin ni Fortress bilang sagot.
“Ang hard mo sa akin Fortress, porke’t hindi ako ang nahihimasan mo ng abs,” nanghahaba ang nguso ko habang nakatingin sa cellphone ko na hawak ko na para bang naririnig pa rin ako ni Fortress.
I need money, a lot of money. Wala sa akin kung sabihan akong mukhang pera, totoo naman kasi. Money is matters with me, kasi kung wala kang pera hindi mo magagawa ang gusto mo. At may gusto akong gawin sa perang iniipon ko ngayon, at kailangan na kailangan ko ng maraming-maraming pera.
…………………………………