Prologue

700 Words
PROLOGUE NAKAHILERA kaming lahat habang bihis na bihis kami at bagong paligo pa. Kahit na ang mga damit namin ay galing sa mga nagkawang-gawa, mukha pa rin kaming presentable. Pinadaan ko ang palad ko sa damit na suot ko. Baka sakaling maalis ang lukot, pero sa murang edad ko alam kong malabong mangyari na maalis ang lukot sa damit ko gamit ang kamay ko lang. “Hoy, Kano doon ka nga sa likod. Baka malasin na naman kami nang dahil sa’yo,” bulong sa akin nang katabi ko. Hindi ko siya pinansin at taas noo lang na nakatayo sa herela ko. Sila ang malas sa buhay ko, mga pangit kasi sila. Ako gwapo. “Kano, alis sabi eh!” bulong naman ng nasa likod ko. Naiinis ako sa tuwing tinatawag nila akong Kano. Oo alam ko ibig sabihin ng Kano. Kasalanan ko ba na may ibang lahi sa dugo ko. Ang sabi ni Sister Helen, foreigner ang Tatay ko na siyanh nang-iwan sa akin dito sa bahay ampunan. Kaya ang mga kapwa ko mga bata, Kano na ang tawag sa akin. “Mga bata, ano ang ibilin ko sa inyo?” magiliw na tanong ni Sister Helen. Si Sister Helen ang nangangasiwa sa bahay ampunan kung saan ako nakatira. Mabait si Sister, palangiti at hindi nagagalit kahit ang lilikot at ang kukulit na naming lahat. “Babatiin ang bisita ng magandang umaga po sir, maging mabait at hindi maglilikot.” Sabay-sabay nilang bigkas. Hindi nagtagal bumukas na ang gate, pumasok ang magagarang sasakyan na isang beses sa isang taon lang namin kung masilayan. Huminga ako nang malalim, handang-handa ako para sa araw na ito. Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog para sa araw na ito simula ng sabihin sa amin ni Sister Helen kung ano ang mayroon sa araw na ito. Nang makita kong bumaba na ng sasakyan ang mga kalalakihan na hinihintay namin, agad na umunat ang mga labi ko para ngumiti. “Magandang umaga po, at maligayang pagbabalik sa Lingkod sa Masa homes,” sabay-sabay na pagbati ng mga kasama kong mga bata. Hindi naalis ang mga mata ko sa pinakapinuno ng mga lalaking ito. Hindi lilipas ang araw na ito na hindi ko siya makakausap. Kailangan ko siyang makausap para sa kinabukasan ko. Habang abala ang lahat, hindi ako mapakali sa kinaroroonan ko. Kapag tatangkain ko naman kasing lumapit sa boss ng mga ito palaging may haharang sa akin. Nandito ang mga ito para magbigay ng tulong mga kabataan sa nursing homes, nagibigay sila ng mga pagkain, damit at mga laruan. Minsan may mga libro rin silang dalawa, mga gamit sa bahay na kailangan ng homes tulad ng mga upuan, higaan, kumot at mga unan. “Bata, halika dito.” Tawag sa akin ng isang lalaki. Hindi ito ang gusto kong makausap pero kailangan kong lumapit, hindi ako ngumingiti na lumapit sa kanya. May iniabot itong laruan na sasakyan sa akin, “gusto mo ba ito?” tanong pa niya. Hindi ako ngumiti pero tumango ako, isa lang ang ngingitian ko. Ang boss ng mga lalaking ito, na ngayon ay kausap ni Sister Helen. Nang makita kong wala nang nakakapansin sa lalaking gusto kong makausap, agad akong tumakbo kahit na hindi pa ako nakapagpapasalamat sa lalaking nag-abot ng laruan sa akin. Hindi naman kasi laruan ang gusto ko, may iba akong gusto. Sa edad kong sampo alam ko na kung ano ang gusto ko sa buhay. Iyon ay ang yumaman. Mayaman na mayaman para makaalis na ako sa bahay ampunan na ito. “Pwede ko po ba kayong makausap?” hingal na hingal na sabi niya. May mga tauhan na ang boss na nilapitan ko ang pumipigil sa akin. Maging si Sister Helen, nakatingin na sa akin na para bang tinatanong na ako kung ano ang kailangan ko kahit hindi pa ito nagsasalita. “Anong kailangan mo, bata?” magiliw na tanong ng lalaki. Umayos ako ng tayo ng bitiwan na ako ng mga lalaking pumipigil sa akin. “Pwede po ba akong mag-apply ng trabaho sa inyo? Gusto ko po kasing mag-aral na maging doctor,” ……………………………………………
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD