Three

1732 Words
Chapter 3 KEIRAN… “YOUR MISSION is classified and no one will have to know about this,” ani ng General of Arm forces of the Philippines, Eleuterio Aguilar. Alam ko naman na classified ang mission na ito, palagi naman classified ang mga mission ko. Palaging behind the scene kami kapag successful na ang mission. Sanay na ako sa ganitong set-up, pero ang may makasama akong mismong galing sa sangay ng gobyerno. At bukod din doon, hindi ko pa talaga alam kung ano ba talaga ang gagawin ko rito. Sabi lang sa report na ibinigay sa akin ni Fortress pumunta ako sa lugar na ito. “Are you listening Dr. Evans?” tanong sa akin ni Genera Aguilar. “I was told that I’ll be joining the Philippine Army as a reserve army and a medic?” patanong ang dulo ko. I still need to cover my true identity as SIS agent, hindi kasama sa mga report na natanggap ko ang sabihin sa mga taong ito na isa akong SIS. At wala rin doon na alam ng mga ito na may SIS or Secret Intelligence Services ang Pilipinas. Kaya kailangan ko pa rin na mag-ingat sa mga sasabihin ko, o isasagot ko sa kanila. “I don’t think we need a medic, General.” Ani ng isang sundalo na kasama namin sa close meeting na ito. I look at him, for a man he’s kind a petite pero I will not judge him because of his looks. Some people can be deceiving using their looks. Hindi naman magiging sundalo ang isang ito kung hindi ito malakas, and I heard that he’s a captain already. “Don’t worry Dr. Evans, I know where you came from or should I say I know which department send you here.” Ani ng General disregarding what the other man just said. Nagulat ako, pero hindi ko ipinahalata sa kanila. I think I will re-read again the report that Fortress gave to me. Wala talaga akong maalalang nabasa sa report na ibinigay niya sa akin na alam ng mga ito kung saan ako galing. “Para mas maging malinaw sa iyong dalawa, this mission as I said is a classified. Ang Presidente ang mismong nagbigay ng trabahong ito, he wants to eliminate the leader of the terrorist. And by doing so, kailangan na hindi mararamdaman ng mga terrorista ang magiging galaw ng mga sundalo. Moving by a group can alarm the other side, at iyon ang iniiwasan ng gobyerno.” Hindi ko alam bakit pero natawa ako sa narinig ko, kaya natigilan ang General na magpaliwanag ng magiging mission namin. “Sorry, my bad. I just can help it, bakit hindi pa sabihin ng Presidente na ayaw niyang malaman ng mga terorista na kayo ang unang kikilos at magpapaputok ng baril.” Sabi ko habang nagpipigil pa rin ng pagtawa. Napailing na lang ang General, “I know what you’re talking about Dr. Evans. And I can say yes nor deny what you just said. But this is how the job should be done. Hindi lang ang buhay ng presidente ang nakataya sa usaping ito maging ang buhay ng mga inosenteng tao na madadamay kung magkakaroon ng giyera na magaganap sa pagitan ng mga sundalo at ng mga terorista.” Alam ko naman iyon, ilang taon na ba ako sa trabaho ko bilang Agent ng SIS. Ilang daang tao na ba ang napatumba ko n autos galing sa mga nakatataas na palihim nilang ibinigay sa amin na trabahuhin. Kami ang gagawa para walang magiging butas sa hanay ng mga pulis, sundo, o ng mismong gobyerno. Na kapag nagkaroon ng kaguluhan hindi masisisi ang mga naka-upo sa gobyerno. Para Malaya silang maghuhugas kamay at sasabihin sa publiko na wala silang alam sa mga nangyayari. “I get it, and I’m fully aware in this kind of job.” Sabi ko na lang. Madami pang sinabi ang general, mga instruction sa magiging trabaho namin sa mission na ito. At nang matapos ang pagbibigay ng instruction sa amin pinalabas na ako ng opisina nito. “This way Doc. Hahatid ko pa kayo sa magiging quarters ninyo ngayong gabi,” ani ng sundalo na nakita kong naghihintay sa labas ng opisina. And that day, natapos ang araw ko na wala akong masyadong ginawa. I hate it but what can I say, malayo ako sa Manila ngayon hindi ako pwedeng bumalik na lang sa ospital. So I guess I need to take this night a rest. “Sayang ang oras, ilang libo pa sana ang kikitain ko ngayon kung nasa Manila lang ako.” bulong ko sa sarili ko ng nasa loob na ako ng quarters kung saan ako magpapalipas ng gabi. ……………………….. AGA… “I WILL REPEAT what I’ve said sir, hindi natin kailangan ng medic. Nakita niyo po ba ang itsura ng lalaking iyon, mukhang kahit ipis hindi kayang patayin ng isang iyon. Kung sasabihin ninyo na kailangan ko ng makakasama na doctor, no thank you sir. Kaya ko ang sarili ko, hindi ako tanga lalo na kapag nasa field ako.” dere-deretso kong salita nang makalabas na ang Dortor Evans na iyon. Naalala ko na naman ang itsura niya, mukha siyang foreigner, nope hindi pala mukha kasi totoong foreigner siya. Apelyido pa lang ng lalaking iyon alam mo nang ibang lahi na agad, plus sa kulay ng mga mata niya na kulay green. Hindi naman siya mukhang payat or something related doon, mukha lang siya talagang lampa. “Hindi ko rin alam kung bakit siya ang pinadala ng presidente. Hindi ko nga rin talaga alam kung saan talaga siya nanggaling. They just instructed me that if I ever sense that he’s doubting me, sabihin ko kung saan siya nanggaling pero wala silang ibang sinabi na department kung saan ba talaga siya nanggaling. Magulo man pero kailangan nating sumunod sa utos ng mga nakakataas sa atin.” Wala na akong nasabi pa matapos ng mahabang paliwanag na iyon ng tatay ko. kahit na magreklamo ako mukhang wala naman akong magagawa na. Dahil kahit ang mismong general ko wala nang magagawa pa sa bagay na ito. “Just a reminder Captain, focus in this mission. Hindi ka man nila ma-recognized as the one how will do this mission. Nandito kami ng Mommy mo na proud na proud sa ‘yo.” Ani ng tatay ko na ikinangiti ko naman. KINAUMAGAHAN actually madaling-araw pa lang gising na ako kahit na late na akong natulog. Sanay naman akong tulog manok lang, sa trabaho ko ba namang ‘to hindi pa ba ako masasanay. Kailangan na alisto kami at malakas ang pakiramdam sa paligid kahit na natutulog. Madalas pa naman na nasa bundok kami kaya sanay ako sa mababaw na tulog lang. “Good morning Captain,” bati sa akin ng isang kasamahan kong sundalo. “Morning, gising na ba ‘yong doctor?” kahit na natulog na ako hindi nawala ang inis ko. Bago ako natulog kagabi, sabi ko sa sarili ko kapag tulog pa iyong doctor na ‘yon sa oras ng alis namin iiwanan ko siya. Sasabihin ko na lang na napaka-incompetent ng partner ko at mukhang tulog mantika. Naglalakad na ako papunta sa quarters kung saan pinatuloy ang doctor na iyon ng matigilan ako at ang kasama ko sa paglalakad. Natigilan lang naman ako ng mapansin kong may nagkukumpulan sa harapan ko na mga kapwa ko sundalo. “Tangina, doctor ba talaga iyan?” narinig ko pang sinabi ng isang sundalo sa harapan ko. Lahat sila nakatalikod kaya hindi nila ako nakita na dumating. “Sol anong meron?” hindi ko na maiwasan na magtanong. Nang lingunin ko siya nakangiti siya habang nagkakamot sa batok niya. “Iyon pong Doctor, captain. Gising na siya kanina pa yatang alas tres ng madaling araw. At kanina pa siya nag­­−“ Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Sol, baka lang kasi ang sasabihin ni Sol sa akin kanina pa nag-iinarte ang doctor na kano na iyon. Hindi siguro nakatulog dahil sa malamok, walang electric fan, o baka matigas ang higaan niya. ganoon naman ang mga katulad ng lalaking iyon, maarte sa katawan. Nakisingit na ako sa mga nagkukumpulan na mga sundalo sa harapan ko para makita ko na ang pinapanood ng mga ito. Parang zipper na nahawi naman ang mga ito ng makilala ako, nagkalabitan para paraanin ako. Pero ang inaasahan ko na pag-iinarte ng doctor na kano na ‘yon ay taliwas sa nakikita ko. Para pa nga akong natulala habang nakatitig sa mga abs, at biceps na parang magpupumutok na sa… Napailing ako at kinilala ang gagong nagpapakita ng pandesal ‘ke aga-aga pa lang naman. Hindi pa nga putok ang haring araw, ito at ang init na sa paligid ko. Mas nagulat ako ng makilalang ang doctor ang may-ari ng mga pandesal. Ang nakakagulat pa, nagpo-push up siya na nakataas ang mga paa niya. Iyong mga kamay niya lang ang nakalapat sa lupa, nakaharap sa amin kaya kita ang abs niya. Hindi lang iyon, ngayon ko lang napagtanto naka-boxer shorts lang ang gago. “Ay tangina, ganyang katawan ang pangarap ko sa katawan ko eh. Kung may ganyan lang ako marami na sana akong chicks,” bulong ko sa sarili ko. Hinahangaan ko na ang katawan niya, na sana ganyan din ang katawan ko. “Good morning Captain,” bati ni Kano sa akin na nakatayo na pala sa harapan ko. “Aalis na ba tayo?” tanong pa niya sa akin. “Tangina, kainggit ang abs mo p’re!” natigilan ako sa sinabi ko na gusto ko sanang bawiin kaso nasabi ko na. Nainis ako sa katabilan ng bibig ko nang tumawa lang naman ang kano sa harapan ko. “Wala ka bang ganito? Sayang tingin ko pa naman sa ‘yo macho-gwapito.” Anito sabay kindat sa akin. Sa gulat ko hindi ako nakapag-react man lang sa pagkindat ng hudas, noong nakabawi na ako sa pagkabigla ko wala na siya sa harapan ko. “Bwisit na Kano,” bulong ko na lang ulit sa sarili ko. Paglingon ko sa mga kasamahan kong sundalo lahat sila nakatingin din sa akin. At nagkanya-kanya nang iwas ng tingin ang iba pa nga pasipol-sipol pa na umiiwas ng tingin sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at nilagpasan ko na lang din silang lahat. Mga alaskador pa naman ang mga hinayupak na tinamaan ng magaling na mga sundalong mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD