Four

2046 Words
Chapter 4 AGA… NAUUNA pang maglakad sa akin itong kasama ko na para bang alam niya ang lugar. Hindi lang iyon, mukha siyang mag-ha-hiking lang sa porma niya. Hindi ko naman siya inaasahan na magsusuot ng camouflage ng mga sundalo dahil hindi naman ito sundalo. Maaga kaming umalis, earlier than expected dahil maaga naman kaming nakatapos na gumayak. Isang bagay na hindi ko inasahan dito sa kasama ko. Mukha lang siyang lampa pero ang totoo, papasa siyang sundalo para sa palagay ko lang naman. Hindi ako humahanga sa mga lalaki, ni minsan mula nang mamulat ako sa mundong ito wala akong maalala na nagka-crush ako sa isang lalaki. Pero kung babae lang, madaming beses na hindi na mabibilang ng mga daliri sa kamay ang dami. At hindi lang crush, hindi sa pagyayabang pero habulin ako ng babae. Nasa lahi namin, sa tingin ko lang naman. “Are we going to build a camp site o may camp site na sa taas?” Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses nitong si Kano, nakatingin na siya sa akin at huminto rin sa paglalakad. “Ano sa tingin mo gagawin natin sa taas? Hiking?” nagpipigil ako na maasar sa kanya. “Nagtatanong lang naman, ikaw masyado kang mainitin ng ulo. Sabagay dalawa ulo mo,” anito sabay tawa. Noong una hindi ko talaga nakuha ang biro niya, pero nang ma-realize ko kung ano ang sinabi niya napailing na lang ako. Ayoko siyang i-correct, tama nang alam niyang lalaki ako dahil lalaki naman talaga ako. Kailangan ko lang ng kaunti pang push para maging ganap na lalaki ako. Hindi ko na siya kinausap pa, walang kwenta ang mga lumalabas sa bibig niya. Pero natigilan na naman ako nang huminto siya sa paglalakad at pahintuin din ako. Nagulat ako nang hilahin niya ako para magtago sa isang malaking puno. “Fortress, I need a better view in here. I hope you can still hear me?” pabulong na nagsalita si Kano. Sinong Fortress ang sinasabi niya, malamang sa hindi ako iyon. Aga ang pangalan ko malayong maging fortress na ang baduy sa pandinig ko. “s**t!” mahinang bulong nito. Napataas ang kilay ko nang maglabas siya ng salamin sa mata, hindi ito ang oras para pumorma pero hindi na ako nakapagsalita. Mas lalo akong nagsumiksik sa kinatataguan namin, nakita ko may grupo ng mga kalalakihan na papalapit sa amin. Namumura ko na lang ang sarili ko habang iniisip ko kung bakit hindi ko naramdaman iyon. Kung nagkataon baka patay na kami ngayong dalawa. Nagkatinginan kami ni Kano, hindi ko maalala ang pangalan niya basta alam ko doctor Evans siya at nagsisimula sa K ang pangalan niya. Nang magkatinginan kami, sinenyasan niya ako na manahimik. Tangina, sa mga oras na ito common sense na hindi kami dapat gumawa ng ingay. Hinayaan lang namin na makalagpas ang grupo ng mga kalalakihan sa pwesto namin. Hindi kami magtatago kung ang mga kalalakihan na nakita namin ay mga hiker lang sana. Sa nakita ko hindi hiker ang mga iyon dahil wala namang magtatangka na mag-hiking sa lugar na ito. May dala-dalang mahahabang baril and I can say high powered guns ang mga dala nila. “I think we’re heading the wrong way,” ani Kano sa akin. Napatingin ako sa kanya, nagtataka sa sinasabi niya. Dahil sa tagal ko ba naman na umaakyat sa lugar na ito hindi ko pa makabisado ang lugar. Kaya alam kong tama ang dinadaanan namin, isa pa hindi pa ba matibay na ebidensya ang nakita namin. “Captain, I said I think−“ “Alam ko, hindi ako bingi. Pa’nong mali ang dinadaanan natin? Alam ko ang lugar na ito−“ “Hindi ko naman sinasabi na mali ang daan na nilalakaran natin, I know you knew this place better than me. Pero sa tingin ko hindi naman dito ang dapat na lead ng mission na ito. Wala sa lugar na ito ang dapat nating mahuli o mapatahimik ng tuluyan.” Anito na sobrang seryoso. Kung titignan siya para talagang mas kabisado pa niya ang lahat sa mission na ito. Samantalang ako ang leader sa aming dalawa at kasama ko siya bilang assistant lang. “Did you see those guns that their holding? Mas high powered pa at mas advance kaysa sa mga gamit ninyong mga sundalo.” dagdag pa nito. Dahil doon mas lalo akong walang masabi, dahil totoo ang sinasabi ng kano na ito. Napansin ko rin naman talaga ang sinasabi niyang mga baril ng mga lalaking dumaan lang kanina. “Gawin na lang natin ang trabaho natin,” sagot ko na lang sa kanya at ako na ang naunang maglakad. ………………………… NANG GUMABI na naghanap kami ng safe na lugar para tulugan, hindi pa kami masyadong nakakalayo sa kampo. Dahil sa pahinto-hinto kami sa paglalakad dahil sa panaka-nakang nakakasalubong namin na mga bandido. At sa lahat ng mga nakasalubong namin na iyon si Kano ang unang nakakaramdam sa kanila. “Hey, ano na nga ang first name mo?” tanong ko sa kanya habang nagpapahinga kaming dalawa. Hindi kami gumawa ng bonfire dahil delikado ang bagay na iyon kaya nangangapa kami sa dilim. Na sanay naman ako dahil halos ganito ang araw-araw na buhay ko. mas lalo lang kaming nag-iingat ngayon at dalawa lang kami sa mission na ito. “Keiran,” anito. Kahit na madilim nakita ko siyang ngumiti nang sabihin niya ang pangalan niya. “Hindi ka Pinoy ano?” tanong ko na naman sa kanya. “Half-half, pero hindi ako sigurado kung ano ang other half ko. half-filipino and half other culture out there. Ang alam lang ni Sister Helen mukhang Americano ang tatay,” ewan pero parang naawa ako sa kanya. Nabigla pa ako dahil ito pa lang naman ang unang beses na nagka-usap kami or sabihin natin na nakapagkwentuhan. Pero mukhang mag-o-open na siya sa akin ng family back ground niya. “Sister Helen? Hindi mama mo?” Though I have a little hint, ayoko lang na sa akin manggaling kung bakit sister and binanggit niya at hindi Mama. “Iyong madre na nagpalaki sa akin,” anito. Kahit papaano parang magaan naman sa kanya ang lahat, mukhang tanggap na niya ang kapalaran niya na hindi niya nakilala ang mga magulang niya. “Anyway Captain, ikaw anong pangalan mo? hindi ka pa nagpakilala sa akin,” pag-iiba nito ng usapan. “Captain Aga Aguilar,” pagpapakilala ko. “Aguilar? Kaano-ano mo si Gen−“ “Tatay ko,” agap na sagot ko naman. Narinig ko siyang parang napasinghap sa sagot ko at nanahimik pero sandali lang. agad din siyang tumawa ng mahina, narinig ko siyang nahiga na at ginawang unan ang bag niya. Hindi naman kalakihan ang bag niya, pero ang napansin ko sa mga dala niya may maliit siyang attaché case na nakatali sa bag niya. Na sa tingin ko nakapatong ngayon sa may dibdib niya, hindi ako sigurado dahil sa madilim sa lugar namin. “Iidlip lang ako Captain Aga, you can sleep tight tonight. Akong bahala sa ‘yo,” sabi pa nito na parang sa aming dalawa siya ang sundalo. “Papaalala ko lang sa ‘yo Doc, ako ang sundalo dito. Kaya ako ang bahala sa ‘yo, matulog ka lang at gigisingin kita kapag may gigilit na sa leeg mo.” sabi ko sa kanya na narinig ko lang na tinawanan niya. Ako naman ang nahiga sa side ko at ginawa ko rin na unan ang bag ko. Sa tabi ko naman nakalagay ang riffle ko at sa bewang ko ang dagger ko. Hindi ako matutulog hangga’t hindi ko naririnig na nagising na itong doctor na kasama ko. Mahirap na, nasa tabi-tabi lang ang mga kalaban. Ang nakakamangha pa talaga sa mission naming ito, ngayon na classified ang lakad namin may mga nakikita akong bandido. At talagang malapit pa sila sa mismong kampo. I don’t want to assume something grand, na madalas sa pelikula ko lang nakikita. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon parang hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng doctor na kano na ito. Na baka nga maling lugar ang pinag-aaksayahan namin ng oras at mga kasamahan ko na mga sundalo. Nang dahil doon napatingin ako kay Keiran, mukhang mahimbing na ang tulog niya. Pero hindi ang pagtulog niya ang dahilan kung bakit ko siya pilit na tinitignan kahit na ang dilim-dilim sa kinahihigaan niya. “Sino ka ba? at sinong nagpadala sa ‘yo bukod sa presidente?” tanong ko sa kanya pero alam kong wala namang makakasagot noon. Hindi siya sasagot sa akin dahil tulog na siya. ………………………….. KEIRAN… PINAGMAMASDAN ko ngayon ang mahimbing na natutulog na si Captain Aga. Sabi niya siya ang bahala sa akin, pero tingin ko mahimbing na mahimbing ang tulog niya. na kahit yata magpasabog ako ng utot sa mukha niya hindi siya magigising. Napailing ako at nagpigil na matawa, naupo na ako sa tabi niya maya-maya pa nahiga na rin sa mismong tabi niya. hindi ko maipaliwanag bakit ganito ang ikinikilos ko, lalo na kapag alam kong hindi siya nakatingin. Madaming beses na tinitignan ko siya kapag hindi siya nakatingin sa akin at iiwas ako ng tingin kapag mapapatingin siya sa akin. Isang araw pa lang kaming magkasama tapos ganito na ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi pala nararamdaman, ikinikilos lang, wala pa naman akong nararamdaman na kakaiba. O wala nga ba? Tangina Keiran, pera lang ang mahalaga sa buhay mo. Nahiga ako ng pa-side na paharap kay Captain Aga, pinakatitigan ko ang mukha niya. And to add this all messed up mind that I have, ginamit ko pa talaga ang special gadget namin. Iyong salamin na makakakita ka sa dilim na parang maaga lang sa paligid mo. Mas advance sa night vision ng mga sundalo sa ibang bansa. Kasi talaga malinaw mong makikita ang paligid mo na parang may sikat pa rin ng araw kahit na gabi na. I look at his face, his peaceful sleeping face. At habang tinititigan ko siya mas lalo ayokong alisin na ang pagkakatitig sa kanya. “Malala na yata ‘to.” Kausap ko sa sarili ko. Umayos na lang ako ng pagkakahiga at tinalasan ang pakiramdam, hindi ang pagtitig sa isang lalaking natutulog ang ipinunta ko dito. Trabaho na magbibigay sa akin ng maraming pera, at iyon ang dapat na tumatakbo sa isip ko. hindi ang mukha ng isang lalaki na may maamong mukha at mahabang pilikmata na may mapupula at maliit na labi. “Ah putang ina mo talaga Keiran,” naibulalas ko na walang boses na lumalabas sa bibig ko. Napabangon ako ng wala sa oras at tumayo na nang tuluyan. Sa pagtayo ko nang biglaan nagising na rin si Captain Aga. “Anong nangyayari?” gulat na itinutok nito sa akin ang hawak nitong baril. “Kinagat ako ng langgam,” sabi ko na lang. Nagtataka niya akong tinignan bago siya tumingin sa kinahihigaan nito. “Walang langgam, at bakit nakasuot ka pa ng salamin eh ang lalim-lalim na ng gabi.” Sita niya sa akin. Mukhang malinaw din ang mata nito at kahit wala siyang gamit na night vision goggles nakikita niya ako ng malinaw. Hindi ako nagsalita, pero hinubad ko ang suot kong salimin at ibinigay ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at hindi niya rin inabot sa akin ang salamin. Kaya dumukwang ako at ako na mismo ang nagsuot sa salamin sa kanya. “Whoa!” naibulalas niya. Sa pagbuka ng bibig niya, naamoy ko ang hininga niyang amot mint, napansin ko nga rin sa kanya panay ang nguya niya ng chewing gum siguro mint flavor iyon. Kaya amoy mint ang hininga niya, na ngayon ay langhap na langhap ko. “Amazing, may ganito kang gamit?” sabi pa nito. Hindi ko kailangan na isuot ulit ang salamin ko para makita ko ang mukha niya. sa sobrang lapit ba naman namin sa isa’t isa hindi ko pa makikita. Napalunok ako ng paulit-ulit lalo na nang bumaba ang tingin ko sa labi niya. “Hoy natulala ka na,” sabi nito. Buti nagsalita siya, iba na ang tumatakbo sa isipan ko ngayon lang na nakatitig ako sa labi niya. “That is because I’m awesome,” sabi ko na lang sa kanya at nilayuan na siya bago pa may magawa akong pagsisisihan ko sa huli.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD