Chapter 10 AGA… “BACK-UP from SIS is coming too, their on their way.” Ani ng boses na parang robot sa kabilang linya. Tinatawag itong fortress ni Keiran, and he referring this Fortress as a she. Ngayon pa lang na-a-amaze na ako sa naririnig ko, kung paano sila mag-usap nang tungkol sa trabaho nila. Ganito ba sa isang secret agency, ganito sila kagaling gumawa ng plano o mag-usap na lang. Para lang silang nagku-kwentuhan, tapos seryoso naman ang pinag-uusapan nila. “The who?” curious na tanong ni Keiran. Umiiwas siya ng tingin sa akin, mukhang ayaw akong makita na curious kasi alam na yata niyang mangungulit ako ng tungkol sa pinag-uusapan nila. “Hermes and Athena. In a few minutes you’ll going to meet them, they’re already deploy and maybe they’re now on land.” Biglang nakaramdam a