Chapter 9 KEIRAN… BUSY AKO SA pagtingin ng mga tao dito sa munting nayon na tinatawag ni Ka Erne na kalayaan. Hindi ako matatapos sa pagtingin sa mga tao dito, dahil una sa lahat binabagalan ko talaga ang pagta-trabaho. “Doc, baka po napapagod na po kayo. Magpahinga na po muna kayo,” ani Maria, ang anak na dalaga ni Ka Erne. Siya ang madalas na kasama ko habang tinitignan ko ang mga kasamahan nila dito sa Kalayaan Nayon. Tinutulungan niya rin ako sa panggagamot sa mga tao, dahil sa kanila si Maria ang nakaranasan na mag-aral noon sa kapatagan. At nursing ang kurso na kinikuha noon ni Maria kaya may alam siya sa pang-gagamot. “Okay lang, hindi naman mahirap ang ginagawa ko.” sabi ko sa kanya. Tinignan ko si Maria, maganda siya lalo na kapag ngumingiti siya. simple lang din siyang bab