Lee’s POV Dahil naubos na ang oras namin sa kalandian naming dalawa ay hindi na natuloy ang plano kong pumuntang coffee shop. Hinintay lang namin saglit ang mga kaibigan naming matapos ang kani-kanilang mga klase at sabay-sabay na kaming pumunta sa isang chinese restaurant. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Ian habang binabagtas namin ang hallway ng mall kung saan naroon ang restaurant na pakay namin ngunit hindi ko iyon pinapansin. Nakaakbay si Kiro sa akin habang nagkwekwentuhan si ni Thirdy. “Alam mo ba Ki, kapag pinagsama mo raw ang sabaw at kanin, magugulat ka,” rinig kong tanong ni Thirdy. “O? Ganun ba?” Tugon ni Kiro na halatang sinasakyan lamang ang trip ni Thirdy. “Alam mo kung bakit?” “Bakit?” Kalmadong sagot ni Kiro. “Kasi SoupRice! (Surprise!)” Biglang natahimik ang la