Lee's POV “Kailan pa?” “Ba’t ‘di namin alam?” "Ba't nagsesekreto ka na?" "Bakit ka ganyan?" "Ang unfair mo!" "'Di ka na nadala!" "Napakarupok mo!" Wala pa mang lumabas sa bibig ko ngunit sunod-sunod na tanong nila. Kung ano-ano pa ang lumabas sa mga bibig nila. Tinakpan ko ang dalawang tenga ng kamay ko dahil ang ingay nila. Hindi ako makasingit. “Stop!” Malakas na sigaw ko. Napatigil naman silang lahat. “Isa-isa lang pwede? Mag-isa lang ako, mahina kalaba, utang na loob!” Sita ko sa kanila. Ilang segundo silang natahimik habang nakatitig sa akin. Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat. “So kayo na nga?” Tanong ni Kiara. “Nino?” Sinamaan ako ng tingin ni Kiara. “E ‘di sino pa yung naglagay lang naman ng mukha mo sa story niya,” saad ni Amber. “Hindi,” mabilis na tangg