Lee’s POV Nasa loob kami ng mall. Kalalabas lang namin magto-tropa sa isang Thai restaurant na kinainan namin for lunch. Sinadya kong magpahuli upang makita ko si Kiro at nang maiwas ko ang sarili. Ilang buwan na rin kaming nag-iiwasan. Ewan ko lang kung may alam ba ang tropa pero hangga’t walang kumprontasyon na nangyayari ay mananatiling tikom ang bibig ko, ewan ko lang kay Kiro. Napalingon ako sa isang sikat na books store na nadaanan ko. Napahinto ako at lumihis ng daan. Hindi na ako nagpaalam sa tropa at basta na lamang pumasok sa loob nito. Dumiretso ako sa mga shelves ng mga libro. Naging book addict na ako simula ng masaktan. Iba yung sayang hatid ng mga librong nababasa ko kahit na fictional characters lamang sila lalo na kapag happy ending. Binasa ko ang mga nakasulat na ti