Lara's revenge Episode 6

1363 Words
" Sino ba 'yan ka date mo na pinaghandaan mo ng maigi Lara?" tanong ng kaibigan si Chesca, ng makita siya tudo ayos. Buti na lang lagi siya may dalang extra dress, sa tuwing umalis sa ng kaibigan. Iniisip niya kasi na baka may pupuntahan silang kainan na mag dress code. Saglit niyang itinigil ang paglagay ng maskara sa pilik mata at nilingon niya ang kaibigan na naka upo sa gilid ng kama. " Sino pa! edi si Marco, kakain lang naman kami." Pinaikot niya ang kanyang eyeballs at muling pinagpatuloy ang ginagawa. "I like it! at least makakapagsimula kana," sabi nito. "Kaya nga. Hindi ko talaga inaasahan ang pagkikita namin dito sa resort." Sinuri niya ng maigi ang sarili sa malapad na salamin. "Maganda kana te, bagay sayo ang dark blue maxi dress mo," anang kaibigan ng mapansin hindi siya mapakali habang naka harap sa salamin. " Sinigurado ko lang na mahulog siya sa patibong ko. Lagyan ko ba ng scarf?" tanong niyang inilagay ang scarf sa leeg. Umiiling-iling ito, " Wag na, mawawala ang view sa outfit mo." Sinunod niya ang payo nito at ka agad din nagpaalam. " Good luck!" pahabol ng kaibigan bago siya tuluyan makalabas ng pintuan. Ikinumpas niya ang kamay sa ere, bilang pagtugon. Kuminding kinding siyang naglakad papunta sa resturant ng nasabing hotel. Nasa pintuan na siya ng matanaw niya si Marco, nakaupo kaharap nito ang round table na sadyang ginawa para sa pang dalawahan tao lamang. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago naglakad palapit rito. Inangat niya ang kanyang baba saka dahan-dahan ang bawat hakbang. She looks so classy the way she walk. Agad na tumayo si Marco ng makita siya. " So nice to see you again, Lara," sabi nito at bahagyang yumuko para halikan siya sa pisngi ngunit, natigil ito ng ilapit niya ang bibig sa labi nito. Na muntikan silang magka lips to lips." I'm sorry, " sabi niya na ilang dangkal lang ang layo ng kanilang mukha. Inilayo na niya ang mukha at agad na hinawakan ang upuan para hilahin ito pero mabilis iyon na hawakan ni Marco. " You look so gorgeous." halos pabulong na sabi nito. Banayad niyang hinaplos ang pisngi nito, " Thank you Marco." Idinantay niya ang kanang paa sa kaliwang paa dahilan na lumitaw mapuputi niyang hita, mula sa slit ng kanyang sout. Nakita niya ang paglunok laway ni Marco, na nakatingin sa hita niya. " Ahem!" pukaw niya sa attention nito. " Para naman akong malusaw riyan sa mga tingin mo," naka ngiti niyang sabi. Naiiling siya sa isipin na madali lang linlangin ang taong hayuk sa laman. " Sorry, I can't take my eyes of you," saad nito na malambing kung tumitig sa kanya. "Ows? Simula naba ito ng labanan?" sa isip niya. " Anyway, babalik na ako ng Maynila bukas." Pag-iba niya sa paksa nila. " Sayang naman kung uuwi kana, wala na akong makikitang magandang mukha na kagaya mo," sabi nito na titig na titig pa rin sa kanya. " Bolero ka din naman pala eh!" Napa ngiti ito sa sinabi niya. " Hindi naman 'yon bola, totoo naman ang sinasabi ko parang gusto kitang makita palagi." Kumot ang kanyang noo, " Parang? Ibig sabihin n'yan hindi ka sigurado." aniya na may halong pagtatampo sa boses niya. " I mean, gusto kitang makita palagi at makasama," balisang sabi nito. Natatawa siyang nakikipag bulahan sa binata, gusto niya makuha ang loob nito. "Sinasabi ko na nga ba, malandi ka talaga!" Galit na boses ng babae ang umagaw sa kanilang pansin. Sabay silang napalingon ni Marco kay Monica, na nakatayo sa kanilang gilid. " I told you, to stay away from my boyfriend, b*tch!" sabi nito na mabilis dinampot ang baso na may laman tubig at walang pag alinlangan na sinaboy iyon sa mukha. Napatayo siya sa galit." You brat!" Hindi na niya mapigil ang sarili, marahas niya itong hinablot sa siko. " You want war, I'll give you war," aniya hinila si Monica, palabas ng restaurant. Hindi na niya pinansin ang mga iilang paris ng mga mata naka tingin sa kanila. " Bitawan mo ako!" singhal ni Monica, pilit na nagpupumiglas mula sa pagkahawak niya. " Sa labas tayo magtotous, Monica dahil hindi kita aatrasan." Pabalya niya itong binitawan ng tuluyan silang makalabas. Na paatras ito ng dalawang hakbang na kamuntikan nang matumba. "Huwag na h'wag mo akong uunahan Monica dahil, baka sa basurahan mo pupulitin 'yang pagmumukha mo." Pagka sabi niyang iyon ay agad niya itong tinalikuran. " Lara." sambit ni Marco, na sumunod sa kanya sa paglakad. Mabilis naman na hinawakan ni Monica ang braso ng binata para pigilan ito sumunod sa kanya. " Pabayaan mo nga ang babaeng iyon!" Narinig niyang sabi ni Monica, pero hindi na niya nilingon pa ang dalawa nag tuloy-tuloy na siya sa kanyang silid. GALIT na hinila ni Marco si Monica, palayo sa mga taong dumadaan. "Halika ka nga ritong babae ka, pagod na pagod na ako d'yan sa pagiging spoiled brat mo. Nakakahiya kana Monica, wala kana sa lugar," gigil na gigil na sabi ni Marco. "Bakit mo ba pinagtanggol ang malanding iyon?" ani Monica na naniningkit ang mga mata sa galit. " Come'on Monica, why do u act like a jealous girlfriend? And besides, she's just being nice to me dahil sa tinulongan ko siya. My God Monica!" Na isabunot ang daliri sa sariling buhok. Kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob niya sa ama nito matagal na niya pinabayaan ang dalaga. Ang ama ni Monica at ang ama niya ay magkaibigan at ang ama din ng dalaga ang tumutulong sa kanya nong siya'y nasa kolihiyo pa. Ang mga magulang din nito ang tumubos sa nasanlang sakahan nila. Kaya kahit naiinis na siya sa pag-uugali ni Monica, pinakibagayan niya pa rin bilang pagtanaw ng utang na loob sa magulang nito. " Being nice? I am not that stupid para hindi ko mapansin na nilalandi kana niya," sabi nito na hindi pa rin na alis ang galit sa mukha. " So what? You don't own me Monica, stop holding me back para makikipag date sa ibang babae. Don't you ever forget of what we are!" Hindi na niya hinintay pang magsalita ito, mabilis na niyang tinalikuran si Monica. " THAT brat!" bulalas ni Lara ng maka balik sa kwarto. " My God! Lara, ano ang nangyayari sayo?" takang tanong ng kaibigan ng makita siyang sirang-sira ang poise. " Napa laban ako," tugon niya na nagtuloy sa banyo. Inis siyang pinunasan ang mukha na gamit ang wet tissue. " Ano ba ang nangyari? Nagkita ba kayo ng kasamahan niya? Nakilala ka ba nila?" sunod-sunod na tanong ni Chesca. " Yong spoiled brat na nobya niya ata, sinabuyan ba naman ako ng tubig sa mukha." Natigil sila sa pag-uusap ng makarinig sila ng mga iilang katok sa labas ng kanilang silid. Nagka tinginan sila saglit ng kaibigan saka ito naglakad papunta sa pinto para tignan kung sino ang kumakatok. " Si Lara?" Narinig niya ang boses lalaki ng mapag buksan ito ng pintuan ng kaibigan. " Lara, may naghahanap sayo," tawag ni Chesca, sa kanya. Lumabas siya ng banyo," Marco, bakit ka nandito?" naglakad siya palapit rito. " Andito ako para humingi ng paumanhin sa ginawa ni Monica, sayo." Inisip niya na h'wag na munang kausapin ngayon, ang binata para lalo pa itong maguilty at tuluyan nang masira ang relation nito sa babae. " Okay lang Marco, pero kailangan ko na magpahinga, sumama kasi ang pakiramdam ko," pagdahilan niya. Malungkot ang mga mata nitong tumango-tango, " Okay, Lara pero sana hahayaan mo ako maka bawi sayo," sabi nito na malungkot ang boses. " Titignan ko Marco, ayaw ko kasi may magagalit sa'kin." Hinawakan niya ang pinto para isara iyon. Tila na himigan ng binata na gusto na niyang umalis ito sa kanyang harapan. Lag-lag ang balikat na naglakad palayo sa kanilang silid. " Hinahabol ka rito te, parang intrasado talaga siya sa'yo eh. Pag-ibig naba iyon?" ani Chesca, ng maisara na niya ang pintuan. " Iyan nga ang plano ko, papaibigin ko siya ng husto ng magkusa na siyang magpakamatay kapag iniwan ko siya sa ere, "sabi niya na nagpalit nang pampatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD