Lara's revenge Episode 5

1332 Words
“ ANG ganda naman ng pangalan mo, bagay sayo,” na ngingiti nitong puri sa kanya. Siguro kung ibang lalaki ang nagsabi nito matutuwa siya, pero kakaiba ang hatid nito sa kanya dahil sa ginawa nitong kasalanan. “ Salamat. Ikaw rin naman bagay sayo ang pangalan mo,” balik niyang puri rito. Gusto niyang masuka sa sinabi niya dahil alam niyang nagsisinungaling lang siya pero kinakailangan niyang lunukin ang kanyang pride. Matamis na ngiti ang tugon nito sa kanya. Dinala siya sa maliit na clinic ng resort at agad na ginamot ng staff ang kanyang sugat. Napakislot siya ng bunutin ang bubug mula sa kanyang talampakan." Maliit lang iyan kaysa ginawa ng lalaking nasa harapan mo at ng mga kaibigan niya sa'yo noon," paalala niya sasarili para wag indain ang hapdi ng kanyang sugat. Lalo na nang lagyan ito ng alcohol. " Ihahatid na kita sa kwarto mo," sabi ni Marco, sa kanya matapos siyang magamot. Tatanggi pa sana siya, pero hinayaan niya rin ito ng may maisip siya. “ Salamat uli ha?"walang humpay niyang pasasalamat ng muli siyang buhatin nito papunta sa kanyang silid. Natatawa ito sa kanya dahil panay siya pasalamat rito. " Pag okay na ako, pwedi ba kitang e-libre sa dinner? Makabawi man lang ako sa pagtulong mo sa akin," aniya yumakap sa leeg nito. " Hinding hindi ko talaga sasayangin ang pagkakataon ito,"anas niya titig na titig sa mukha nito. Napakunot ang noo nitong napatingin sa kanya, bumakas sa mukha nito ang pagtataka sa kung ano ang ibig niyang sabihin. " I mean, pagkakataon kung makabawi sa ginawa mo," sabi niya na ngingiti. Tumango-tango lang ito at hinihingi ang kanyang number, hindi siya nagdalawang isip na ibigay rito. " Mas mainam ngang may contact tayo sa isa't-isa," sa kaloob-looban niya. Matapos siyang maihatid sa silid niya agad itong nagpaalam sa kanya, na balikan nito ang kasama. "Basta, yong pangako mo Lara, a-asahan ko iyon," panigurado nito bago tuluyan umalis. Napangiti siyang humiga sa kama, hindi siya makapaniwala na pinagtagpo sila ng panahon. Kung ano-ano na ang naglalaro sa isipan, niya na excited siyang pabagsakin ito. Natigil siya sa pag-iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Inabot niya iyon mula sa kanyang ulunan at binuksan ang mensahi para tignan kung sino ang nagtext sa kanya. Hindi siya makapaniwala ng makita ang mensahi ni Marco, ipinaalam sa kanya ang number na ginamit nito. Nag compose siya ng mensahi para replyan ang simpleng pagbati nito sa kanya. Ilang beses din ang pagpapalitan nila ng mensahi. Binaba niya ang cellphone at pinikit ang mga mata ng maramdaman ang pag kirot ng sugat niya. “ Lara, sino 'yong nagbuhat sa'yo na lalaki kanina?” tanong sa kanya ng kaibigan na kakapasok lang ng silid. “ Ang lalaking sumira ng buhay ko.” sabi niya hindi nilingon ang kaibigan. Naglakad ito palapit sa kanya, " Nagkusa na pa lang lumapit sayo. Ngayon, hindi kana mahihirapan sa paghahanap sa kanila dahil sila na ang lumapit sa'yo." Umupo ito sa gilid ng kama. “ Pero inferness ha ang guwapo niya.” dagdag nito na halata sa boses na kinikilig. “ Guwapo pero deadly!" sabi niyang nakapikit pa rin ang mga mata. . Humiga ito sa tabi niya. " Sabagay, sayang ang pogi, manyakis naman," pag sangayon nito sa kanya. Pinatong ang ulo nito sa isang kamay na tumagilid tinitigan siya. " Kung andito siya, ibig sabihin nandito rin ang mga kaibigan niya Lara, handa kana bang harapin silang lahat?" curious na tanong nito sa kanya. " Matagal na akong handa Chesca, pagkakataon ko lang ang hinihintay ko para maisagawa ko ang plano. Hindi ko hahayaan matakasan nila ang kababuyan ginawa nila sa akin," muling bumangon ang galit sa puso niya. Hindi niya maimagine kung ano ang magiging hitsura ng mga ito kapag magtagpo-tagpo na silang lahat. " Ipaparanas ko sa kanila kung gaano kapait at sakit ang ginawa nila sa akin," sa kaloob-looban niya. DALAWANG araw din siyang namalagi sa loob ng kanyang kwarto. Naisipan niyang magpunta sa dalampasigan ng hindi na kumirot ang sugat niya. She's wearing navy blue bikini, na lalong nagpatingkad sa kaputian niya at lumitaw ang kurba niyang baywang. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang buhok. Mula sa di kalayuan na tanaw niya si Marco naka sandal sa puting upuan katabi nito ang babae kasama nong nakaraang araw. Hindi niya alam kung nobya ito ni Marco, pero wala siyang pakialam dun. Ang mahalaga sa kanya ay nasa kamay na niya ito." Nasaan kaya ang mga kaibigan nito?" naitanong niya habang naglalakad palapit sa kinaupuan ni Marco. Napangiti siya ng nagsitinginan sa kanya ang mga lalaki nakakasalubong niya. “ Well, ganon na siguro ako ka sexy para tatlong beses nila akong lingunin.” Nagkaroon siya ng confident sa sarili na hindi siya mahihirapan akitin si Marco. “ Itakom mo nga 'yang bibig mo, parang papasukan na ng langaw sakatitig mo sa babaeng 'yan.” Narinig niyang saway ng babae kay Marco, ng mapansin nitong naka tingin sa kanya. “ Hi! Lara, magaling kana ata,” sabi nito ng makalapit siya, hindi nito pinansin ang kasamang babae na no'y naka simangot. "Magkakilala kayo?" tanong ng babae, kay Marco at hinagud siya ng masamang tingin. " Sino ka ba?" ma angas na tanong nito sa kanya. Mabilis na ipinakilala sila ni Marco, sa isa't isa. Matamis siyang tumingin sa babae na hindi pinansin ang pagtataray nito sa kanya" Hi!" nakangiti niyang bati rito. Inismiran lang siya nito at binaling ang pansin sa binata at agad na inaya nito si Marco, na bumalik sa loob ng hotel. " Mauna kana lang Monic, susunod na lang ako," ani Marco, sa kasama nito. Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Monica, kaya nagpaalam na lamang siya, mukha sa kanya ibinaling ni Monica ang inis na hindi sasama rito ang binata. Nakailang hakbang na siya ng may maalala, huminto siya sa paglakad at nilingon niya si Marco nakatingin pa rin sa kanya. "Marco 'yong usapan natin e-text ko nalang sayo kung kailan," aniya at tuluyan ng iniwan ang dalawa. Nagtungo siya sa pool area at umupo sa gilid. Hinanap ng mga mata niya ang kaibigan pero hindi niya nakita si Chesca, roon. " Sumama siguro ito sa lalaking nakilala kahapon." Inaliw niya ang mga mata sa kakatingin sa mga naliligo. “ Hoy Lara!” Galit na boses ang umagaw sa kanyang attention. Nag angat siya ng tingin nakita niya ang galit na mukha ng babae, nakatayo sa gilid niya. “ Hi! Monica," nakangiti niyang bati rito. Pinag-cross nito ang mga braso sa dibdib at pinaikot ang eyeball. Bago pa ito nagsasalita mabilis siyang tumayo para pantayan ito. Ayaw niya itong tingalain. Halos magka sing taas lang silang dalawa. Maputi siya pero mas maputi ito sa kanya at kung sa ka seksihan naman, halos pareho lang silang dalawa, lamang lang siya ng kaunti ng pang-upo. “ Amoy na amoy ko ang mga ka tulad mo kaya, wag na wag kang magkakamali landiin si Marco,” walang kiming sabi nito sa kanya. "Ano ba ang nangyari sayo? Inaano ba kita, ba't ba galit na galit ka?” tanong niya na hindi nagpapatinag sa galit nito. Hinding hindi siya magpapasindak rito o kahit na kanino. "Layuan mo ang boyfriend ko, kung ayaw mong malagotan sa akin!” pasigaw nitong babala sa kanya. Napa singhap siya, akala siguro nito masisindak siya sa pagsisigaw-sigaw nito sa kanya.“ Wag kang sumigaw, hindi ako bingi." aniya, pinigilan ang boses na wag tumaas. " At wag na wag mo rin akong babalaan Monica, 'yang boyfriend mo itali mo sa palda ng hindi masulot ng iba." Tinalikuran niya ito. Mabilis siyang hinila nito sa siko, “ Don’t turn your back on me, while I’m talking!” singhal nito. Malakas niyang tinabig ang kamay nito.“ Sayang ka, maganda ka sana pero 'yang pag-uugali mo iterno mo naman sa mukha mo,” muli niya itong tinalikuran. Minabuti niyang iwanan na ito, wala siyang balak makikipag-away rito, ayaw niyang stressen ang sarili lalo na sa walang kwenta na dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD