Pabagsak na humiga si Marco, sa kama. " What's wrong with me? Bakit ko ba 'yon nasabi? Baka isipin niya napaka presko ko," naiiling niyang sabi sa sarili.
Pinatong niya ang braso sa kanyang noo at nakikipag titigan sa bubong. Bigla na lang na siya ngingiti mag-isa ng maglalaro sa isipan niya ang dinner nila kanina.
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa kanyang isipan at ang pabango nito, na aamoy pa niya. " Nababaliw na talaga ako," aniya.
" She's too d*mn hot!” biglang may bumangon na init sa kanyang katawan. " When did the last time since I had it?" naitanong sa sarili ng maramdaman ang bahagyang pag galaw ng kanyang pagkal*l*ki.
Napabalikwas siya ng bangon at tinungo ang banyo upang patayin ang naramdaman init sa katawan. " I want her so badly," bulalas niya habang nag sa shower.
ANG UNANG beses nilang paglabas ni Lara, ay na sundan pa nang mga iilang beses, pero hindi niya pa rin na sungkit ang matamis nitong. " Oo," gayon paman ay hindi siya sumuko sa panliligaw sa dalaga.
Alas-deyes na ng umaga ng sunduin niya si Lara sa bahay nito. Pinagpaalam niya sa ginang ang dalaga na isasama niya sa kanilang probensiya para ipasyal ito sa kanilang farm.
" There she is!" naka ngiting sabi ng ginang ng makita si Lara, bumaba ng hagdanan.
Lara, always have the dramatic entrance. Ang tipo ng babae sa tuwing naglalakad sa daan ay napapalingon ang kahit na sino man ng hindi lang i-isang beses itong lingonin.
Kaya lagi siyang napa hanga sa tuwing nakikita niya ito. Naka puting spaghetti strap top, na hapit sa kurbang baywang ang tela, naka tuck-in sa black cargo pants at naka ponytail ang mahaba nitong buhok. And she's wearing brown sunglasses.
” Ang lakas ng s*x appeal!” hiyaw ng isipan ni Marco, na hindi inalis ang mga tingin sa dalaga na naglalakad pababa.
" LETS GO?" naka ngiting sabi ni Lara, ng tuluyan makababa ng hagdanan.
" Sure!" tugon nito at tumayo.
Hinalikan niya ang ginang sa pisngi." Aalis na kami tita." Paalam ni Lara.
" Mag-ingat ka sa lakad mo, " anang ginang sa kanya ni yakap siya.
" Don't worry mrs Montalbon, I will take good care of her," sabad ni Marco.
" Ikaw ang mananagot sa'kin Marco, kapag may mangyari sa pamangkin ko," anang ginang sa binata.
" I will promise, nothing will happen to her." pagbibigay assurance ni Marco, sa ginang.
Natutuwa naman siya sa palitan ng dalawa, at higit pa roon ramdam niya ang pagmamahal ni ginang Rosario, para sa kanya.
“ Sigurado akong magustuhan mo sa farm namin," ani Marco, habang binaybay nila ang daan papunta sa farm.
“ Gusto ko ang mamuhay sa probensiya, sariwa ang hangin at malinis,” tugon niya na naka tuon ang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan.
Na aaliw siya sa mga nakikitang tanawin, tahimik ang daan at madaming puno ng niyog silang nadadaanan. " Kay sarap mamuhay rito ng tahimik at payapa. Pero saka ko na iyan gagawin kapag nakamit ko na ang hustesiya, sa mga taong bumaboy sa'kin," sa kaloob-looban niya.
Lagpas tatlong oras din ang kanilang beneyahi bago narating ang farm ng binata.
Mula sa kanyang kinatatayuan ay natanaw niya ang malaking contrate na bahay. Mukhang luma na ito pero na e-maintain pa rin ang kagandahan at ang linis ng kapaligiran. May dalawang puno ng mangga sa magkabilaang gilid ng bahay, puro may bunga. Sa ilalim ng isang puno ay may kubo, na may mahabang mesa na yari sa kawayan. Marahil ay don sila nagtitipon-tipon kapag may occasion. Malawak ang farm nina Marco, sigurado siya maraming tauhan ang mga ito.
“ Sir, buti napadalaw po kayo rito ang tagal niyo na din po hindi nakabisita.” Bungad ng tauhan nina Marco, ng malapitan sila.
"Pasensiya na mang Oscar, medyo busy, lang dami kasi kailangan na tapusin na trabaho,” tugon ng binata sa tauhan.
" Lalong gumuwapo si Sir,” Puri ng isa pang tauhan.
"Sympre! Mang Tomas, mana ako sa'yo,” natatawa sabi ni Marco.
"Si Lara, nga pala," baling ng binata sa kanya.
Nginitian niya ang mga tauhan ” hello! po sa inyo, magandang hapon po,” bati niya.
“ Girlfriend mo sir? Bagay kayo maganda at gwapo.” Tukso ng isa sa tauhan na nag nga-ngalan Tomas.
Nakaramdam siya ng pamumula sa kanyang pisngi na tinutukso sila ng mga iilan tauhan.
“ Hindi, pa nililigawan ko pa mang Tomas, sana nga makamit ko na ang matamis n'yang oo.” Pabulong na sabi ni Marco, pero abot naman iyon sa kanyang taenga.
Hindi niya mapigil ang sarili mamangha sa closeness ng binata at sa mga tauhan nito.
" Don't be deceive by what you see. Magaling magpanggap si satanas," maagap n'yang paalala sa sarili bago tuluyan humanga sa kaaway.
Hinawakan ng binata ang siko niya at iginiya siya nito papunta sa bahay. Pasimply n'yang binawi ang siko mula sa pagkahawak nito.
" Ang dami naman bunga nitong mangga niyo." Itinaas niya ang kamay sa ere, para abutin ang mangga hilaw na abot kamay lang ang taas.
" Nagiging matamis sila kapag na hinog sa puno," ani Marco, na Inabot ang tatlong pongpong ng hinog na mangga.
At ibinigay sa kanya" Tatlo 'yan may meaning iyan," natatawa nitong sabi
Napangiti siya" Kakainin ko ba 'to or gawin kung sourviner dahil bigay mo?"
Natawa ito sa sinabi niya" Yan talaga ang gusto ko sayo, you always makes me smile," malumanay nitong sabi.
Hindi na niya pinansin pa ang sinasabi nito, nagpatiuna na s'yang naglakad papunta sa bahay.
Ipinakita sa kanya ang guest room." Ito muna ang magiging kwarto mo," sabi nito ng matapat sila sa pintuan. Pinihit ng binata ang seradura saka binuksan iyon, napahanga siya sa kalinisan at very well organized ang mga gamit na nandoon.
Lumapit siya sa naka bukas na bintana. Na tanaw niya ang malawak na palayan mula sa kanyang kinaroroonan. " Sa inyo pa rin 'yan?" tanong niya, sabay turo sa mga palayan nakikita niya.
Naglakad palapit sa kanya ang binata, at sinundan nito ng tingin ang tinuturo niya.
" Oo, 'yan ang tumutulong sa akin noon kung, bakit ko narating ang position ko ngayon."
Malawak ang palayan ng mga Martinez, 'yon ang kabuhayan ng mga magulang ng binata noon maliit pa ito. Nang magka sakit ang ina ni Marco, naisanla ng ama ang boung farm dahil sa pabalik-balik ang ina ng binata sa hospital dahil sa sakit nitong breast cancer.
Kung hindi dahil sa ama ni Monica, na kaibigan din ng ama ng binata ay tuluyan na sana iyon mawala sa kanila.
" Sir Marco, naka handa na po ang pagkain." Putol ng caretaker sa kanilang pag-uusap.
" Sige po manang, susunod na po kami," tugon ng binata.
Magkasabay silang lumabas ng bahay at
tinungo nila ang kubo. Andon na ang iilang mga tauhan nakaupo sa mahabang upuan na yari sa kawayan, na naghihintay sa kanila.
" Ang dami naman nitong hinanda niyo." bulalas niya ng makita ang iba't ibang klaseng pagkain na naka latag.
May sugpo, inihaw na karneng baboy, isda at may mga kikilawin pa. Maliban sa madaming ulam may iba't ibang prutas din ang naka latag roon.
" Ganito talaga sila kapag dumating ako, ang daming hinahanda na pagkain, puro mga paborito ko pa," sabi ng binata na umupo sa tabi niya.
Nilantakan niya ang inihaw na isda dahil isa din iyon sa mga paborito niya.
" Sir, sana magtagal pa kayo rito," untag ni mang Tomas kay Marco.
" Naku! mang Tomas, gusto ko sana dito nalang ako, kaya lang may mga trabaho pa akong tatapusin sa syudad," tugon ng binata na abala sa paghihimay ng sugpo para sa kanya.
" Salamat, ang dami na nitong sugpo nilagay mo sa plato ko," angal niya.
" Ayaw ko magutom ka," naka ngiting biro nito sa kanya.
Napa tingin siya rito, gusto niya sanang kiligin pero naisip niya na, " Ganon naman talaga kapag nanliligaw, halos gagawin ang lahat. Kapag nakuha na ang gusto, wala na basta ka nalang i-isatpwera." sa kaloob-looban niya.
Hindi sadyang bumangga ang siko ni Marco, sa siko niya, napapitlag siya ng tila may kuryente dumaloy sa buo niyang katawan.
" Wag mong bigyan pansin ang naramdaman mo Lara," paalala niya sa sarili ng may na muo kakaiba sa puso niya.
" Hayaan mo mang Tomas, pagka matapos ako sa mga gawain ko, babalik ako rito," baling ni Marco, sa tauhan.
Napaisip siya habang naka tingin sa binata, na masayang nakikipag kwentuhan sa mga tauhan nito. Kung hindi lang sana siya nagawan nito ng masama, baka mamahalin pa niya ito. Napa simangot siya ng muling maalala ang pangit na nangyari.
Hindi naka ligtas sa paningin ni Marco, ang pag-iba ng kanyang expression sa mukha.
"Lara, okay ka lang ba? Baka gusto mo na magpahinga?” nag alala tanong nito sa kanya.
Pinilit niya ang ngumiti. “ Napagod lang ako sa byahe," pagdahilan niya, pero ang totoo gusto na n'yang maka alis sa harapan nito.
“ Samahan na kita sa guest room para makapag pahinga kana,”sabi nito na sinabayan ng pagtayo.
Tumayo narin siya at nagpaalam sa mga tauhan." Maraming salamat po sa pagkain inihanda niyo, ang sarap po," naka ngiti n'yang sabi sa mga tauhan naroon.
"Masaya po kami ma'am Lara, na nagustohan niyo po ang hinanda namin," tugon ng isa sa mga tauhan.
Nginitian niya lang ito at tumalikod na gusto, na n'yang maka pasok sa kwarto, at magmuk-muk na roon.
Kinabukasan maaga s'yang pinasyal ni Marco. Naglalakad sila sa gitna ng palayan, medyo maputik ang kanilang dinadaanan dahil sa malakas na ulan kagabi.
" Dahan-dahan lang Lara," paalala ni Marco, na naka sunod sa kanya.
Ingat na ingat siya sa kanyang bawat hakbang pero, na dulas ang isa n'yang paa.
Sinubukan n'yang balansehin ang katawan para hindi matumba. Maagap naman si Marco, kumilos para saluin siya ngunit, na walan ito ng panimbang, bumagsak sila pareho at napaibabawan siya nito.
Hindi niya alam kung bakit at kung paano, pero naramdaman niya ang pagtigil ng ikot ang mundo nang magka titigan sila ni Marco, magkalapit ang kanilang mukha at ilang dangkal lang ang layo, mahahalikan siya nito.
Bahagyang gumalaw ang adams apple nito "You look so beautiful at hindi ako magsasawa purihin ka," ani Marco, na lumamlam ang mga mata nakatitig sa kanya.
" Ang bigat mo," aniya at itinulak ito palayo.
" S-sorry," nahihiya nitong sabi at mabilis na tumayo.