Nasa kalagitnaan ng paglalagay ng make-up si Lara ng marinig niya ang humihintong sasakyan mula sa labas ng gate. Naglakad siya palapit sa bintana ng kanyang kwarto at sinilip kung sino ang dumating natanaw, niya ang itim na sasakyan at mula sa driver seat, bumaba si Marco.
Muli siyang naglakad pabalik sa harap ng salamin, nginitian niya ang sarili.” Galingan mo," sabi niya sa sarili bago lumabas ng silid.
Nasa ikalawang palapag pa lang siya ng hagdanan ay napatayo si Marco, ng makita siya. Naglakad ito papunta sa paanan ng hagdanan para salubungin siya.
Naka ngiti siyang nakipag titigan rito na dahan-dahang humakbang pababa ng hagdanan. Hindi niya mapigil ang sarili ang humanga sa binata. Matangkad at matipuno. Ayaw man niyang aminin sa sarili na mas lalo itong gumuwapo sa sout nitong formal suit. " Kalaban mo ang kaharap mo Lara," paalala niya sa sarili.
Binigay niya ang kanyang killer smile, ng matapat siya kay Marco. " Isara mo baka kasi malaglag," na ngingiti niyang sabi at hinawakan ang baba nito.
" I-I'm sorry, nakaka tulala kasi ang ganda mo," tugon nitong titig na titig pa rin sa kanya.
“ Oh! Lara, andiyan kana pala,” anang ginang na kagagaling lang sa kusina.
Humawak siya sa bisig ng binata bago sinagot si ginang Rosario, "Aalis na kami tita." Paalam niya at naglakad papunta sa pintuan.
“ Have fun guys!” pahabol sa kanila ng ginang bago pa sila tuluyan makalabas.
Nilingon niya ito at kinumpas ang kamay, sa ere " We will tita, thank you!" aniya at nagtuloy ng lumabas.
" Ngayon ko lang nalaman na may, magandang pamangkin pala si Mrs Montalbon," Puri ni Marco, sa kanya ng nasa loob na sila ng sasakyan.
" Busog na busog na ako sa mga pa puri mo."
" 'yan nga ang gusto ko ang busugin ka palagi," saad nito na binuhay ang makina ng sasakyan.
Sa isang mamahalin na restaurant siya dinala ni Marco.
"This is elegant," aniya ng maka pasok sa loob ng magarang kainan.
" Just like you, elegant." Pinaghila siya nito ng upuan.
" Magandang gabi po ma'am and sir, here is the menu," naka ngiti sabi sa kanila ng waitress at nilapag sa kanilang harapan.
Binuklat niya ang menu at namili ng kanyang kakainin, nang maka pili na siya ay muli niya itong binalik sa waitress, ganun rin ang ginawa ng binata.
" Alam mo ba mula ng magkita tayo sa Karatig? Hindi kana na alis sa isipan ko,” untag ni Marco, sa kanya habang hinihintay nila ang kanilang order.
Napa ngiti siyang napatingin rito.” Nagulo ko na ba ang isipan mo? Hindi ba masyadong napaka aga para niyan?” pabiro niyang sabi.
“ Oo, ni hindi na ako makapag trabaho ng maayos, kasi gusto kita,” walang pag alinlangan na sabi nito.
Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa sinabi nito kilala na niya ang bitoka ng binata. Hindi siya pwedi makampanti sa sinabi nito dahil walang kasiguraduhan iyon madami ang ibig sabihin ng katagang binitawan ni Marco.
“ Gusto? gusto para sa pisikal na pangangailangan," sa isip niya.
Muling nanumbalik sa kanyang alaala ang mapait na karanasan na ipinaranas nito at ng mga kaibigan.
“ Are you okay?” alalang tanong ni Marco, sa kanya ng mapansin ang pag iba ng kanyang reaction.
“ Y-yes I’m okay.” Pilit siyang ngumiti upang hindi nito mapansin ang pagbangon ng galit na naramdaman niya para rito.
Saglit silang na tigil ng dumating ang waiter bitbit ang kanilang order.
Agad niyang nilantakan ang inorder na chicken terriyaki ," Masarap," aniya na humiwa pa sa isang putahi na inorder niya ang beef Tenderloin.
"Madalas ka bang nagpunta dito?"
Saglit itong tumigil sa pag-subo at kinuha ang tissue, saka pinahid sa gilid ng kanyang labi." May sauce ka."
" Oh, thank you, "naka ngiti niyang sabi.
" Well, I only came if there is an special ocassion like this," sabi nitong umupo ng tuwid.
" Special pala ako sa'yo. I wonder kung ilan na kaming mga babae na sama mo dito."
" Only you. Well, aside sa mga birthday party, na ipinagdiriwang dito," sabi nito at muling sumubo ng pagkain.
" Sinungaling! ilan na kaya kami na victima mo!" sigaw ng kanyang ka looban.
" With your friends?" tanong niya. Saglit siyang tumigil at nag-isip ng tamang salita na gagamitin para hindi nito mapansin na intresado siya sa mga kaibigan nito.
" Or do you really have a friend? Hindi ko kasi sila nakikita na kasama mo sa Karatig. I mean para ka kasing tahimik na tao," aniya at pasimpleng ngumuya.
" Do you think so?" na ngingiti nitong tanong sa kanya.
"Mukha lang pero demonyo," gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili.
Inabot niya ang baso na may lamang juice," Parang," aniya saka dinala ang baso sa kanyang bibig.
Ginalaw nito ang dalawang balikat bago nagsalita. " May mga kaibigan naman ako, ipakilala kita sa kanila. Mababait ang mga yon, just like me," natatawa nitong sabi.
Napa ubo siya bigla siyang nasamid sa iniinom na juice.
" Are you okay?" alalang tanong nito.
" Yes, I'm fine na bilaokan lang ako nitong iniinom ko."
Nang matapos silang kumain inaya siya ni Marco na maglakadlakad sa labas ng restaurant. Natutuwa siya ng makita ang garden side gustong gusto niya ang ambiance. Naglakad sila palapit sa fountain at umupo sa bench nasa harap nito.
“ Lara, bakit hindi kita nakita noon kasama ni mrs Montalbon?" biglang tanong ni Marco.
Tinignan niya ito.“ Bago lang kasi ako dumating dati, kasi akong nakatira sa isa namin kamag-anak," tugon niya na naka tuon ang mga mata sa fountain.
“ Nasaan ang mga magulang mo?” curious na tanong ng binata sa kanya.
Saglit siyang yumuko saka humugot ng malalim na hininga.“ W-wala na kasi akong mga magulang."
Tumayo siya para iwasan ang mga susunod nitong mga tanong, ayaw niyang pag-usapan ang personal niyang buhay, lalo pa at sa kaaway niya. Nayakap niya ang sarili ng makaramdam siya ng ginaw mula sa malamig na simoy ng hangin.
Mabilis na tumayo ang binata at hinubad nito ang sout na Jacket, at ipinatong sa balikat niya.
" S-salamat!" sabi niya sa mahinang boses. Inaya na niya ang binatang umuwi. Gusto na niyang mawala ito sa paningin niya hindi siya maka tagal sa pakikipag usap rito.
Agad naman itong tumugon sa sinabi anyaya niya. Hindi na siya makapag hintay na maka uwi sa kanila hindi niya matagalan makikipag usap rito at makipag landian.
“ Lara, salamat ha? Na pumayag kang lumabas ngayon gabi,” sabi ni Marco ng pagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan.
Pinagbukas siya nito ng pintuan sasakyan.
" Don't mention it," sabi niya ng maka baba siya. "Papasok na ako.” Tinalikuran na niya ito.
“ Lara, 'yong sinabi ko sa'yo na gusto kita, I meant it," pahabol na sabi nito sa kanya.
Natigil siya sa paghakbang, humugot muna siya ng malalim na hininga bago humarap sa binata, pinilit niya ang ngumiti at naglakad palapit rito.
“ Baka papaiyakin mo lang ako," aniya tumingan sa ibaba.
Hinawakan ng binata ang baba niya at inangat iyon.“ Hindi naman kita lulukuhin. Sa ka tunayan nga hindi lang kita gusto, inlove na yata ako sayo," sabi nito naka titig sa kanya.
Napa ngiti siya ng ubod tamis at inilapit niya ang labi sa labi nito na animo'y hahalikan niya, dinig na dinig niya ang paghinga nito sa subrang lapit nila sa isa't-isa.
" You're smell so good," anas nito na hinintay ang pagdampi ng kanyang labi sa labi nito.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng binata.“ Good night, Marco.” Malambing niyang sabi saka tinalikuran na ito.
Hindi niya mapigil ang mapa ngiti ng makita ang reaction ng binata ng akalain nito na hahagkan niya." Babaliwin kita riyan sa pagmamahal na sinasabi mo hanggang ikaw na ang magkusa kitilin ang sarili mong buhay mo," aniya na nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
Agad siyang nagtungo sa banyo ng makapasok siya ng kanyang silid, pakiramdam niya nangangati ang kanyang katawan ng maisip ang pagdampi ng balat ni Marco, sa balat niya bigla siyang nandidiri.
Hinubad niya ang sout na dress at agad na pumailalim sa shower. " Inlove?" natawa siya ng mapakla. " Hindi ka lang rapist manloloko kapa," naiiling niyang sabi sa sarili.
Hinayaan na niyang tangayin ng tubig ang kanyang mga iniisip. Kahit papaano nagkaroon na siya ng unang hakbang na mapasok ang mundo nito at ng mga kaibigan.