Chapter 5

1782 Words
Dakota's POV. Mabilis akong nagda-dampot ng mga damit kong nagkalat sa unit. "Ah-uhm wala kasi si Celestine, she went to Cambodia. Opening ng hospital nya" sabi ko habang nakatalikod at patuloy na nagpupulot pero to be honest, ayoko lang syang tingnan. I feel so guilty and awkward. Nung hindi ko marinig ang pagsagot nya ay napilitan akong humarap, baka mamaya nilayasan na pala ako. Todo kwento pa ko dito. I instantly stopped breathing ng pagharap ko ay malapit na pala sya sakin. Iilang dipa na lang ang pagitan namin at sinalubong ako ng seryosong pares ng mata nya. I immediately stepped away, hindi ko alam pano ko yun nagawa. Mabilis kong hinagis sa basket yung mga damit at coats kong pinagpupulot ko kanina. "I can call her and let her know you're here, sige aalis na din ako" sabi ko at akmang tatalikuran na sya ng- "Why are you here?" he asked. Hindi ko alam pano kong nagawang titigan sya, I smiled. Wala siguro syang alam tungkol sa naging kapalit ng ginawa kong kalokohan and it's better that way. "Ah, I just need a place to stay near the hospital dahil madalas na ang shift ko, hindi naman pwedeng magdrive pauwi lagi pero I can go now, uuwi rin talaga ako sa amin" sabi ko na lang. "Okay, I am spending a week or two in here to do something and since malapit tong condo ni Ate sa area na kailangan ako, I am planning to stay here and ayoko ng bigyan si Paris ng kahit na anong dahilan para magalit, I don't wanna be associated with you" I bit my lip hoping that will stop my heart from breaking. Pakiramdam ko ay nasu suffocate ako and I just want to breakdown right in front of him pero I managed to smile. "Yeah, tamang-tama. Aalis na din kasi talaga ako kaya pwede mo ng gamitin to, let me just pack up some clothes and I'll leave right away" Kahit na nasasaktan ako, nahihiya ako. Nahihiya ako sa ginawa ko at para sakin wala akong karapatan na makaramdam ng kahit na ano. It was my fault. May karapatan syang magalit at itaboy ako. Hindi sya sumagot pero nanatiling nakatingin ito sakin kaya dahan-dahan akong humakbang papalayo at nagmamadaling tinungo ang dressing room to pack my clothes. Mabilis akong nagpalit ng pants and wore a white polo. Hinanda ko din ang maleta ko and sadly hindi kasya kahit kalahati ng damit ko na narito sa condo but I still pack kung anong kasya at ilang necessities ko. Hila hila ko ang maleta ko at palabas na ng marinig kong mag-alarm ang cellphone ko. I immediately ran for it, I snoozed the freaking reminder! Eksaktong papalapit doon si Storm ng mabilis ko itong damputin para itago. Weird nya naman akong tiningnan. Habol-habol ko pa ang hininga ko bago nagmamadaling i turn off yung reminder. Mabuti ay mabilis ako and I got there before him. I mentally apologized to the little one in my womb. Anak, nasa harapan natin si Daddy, can you feel him? Remember this anak, hindi kasalanan ni Daddy na hindi nya tayo kayang piliin. Hindi rin dapat pang malaman ni Dalfon Storm ang tungkol sa anak namin, they are okay. Okay at masaya na sila at hindi ko na kaya pang maging dahilan ng panibagong sakit sa kanya. For him, it was a mistake but for me it was something to remember, it was a blessing. Painful yet worth it. Mas kumunot pa ang noo nya ng umatras na ulit ako at ngumiti sa kanya. "Sorry about that, I'll go ahead, babalikan ko na lang yung ibang damit ko- "There is no need for that, I'll have someone send it to your house, hindi na kailangan pang bumalik ka dito" natigilan ako sa seryoso nitong pagkakasabi. "I know what kind of woman you are now Dakota, please don't act all innocent and kind" Nararamdaman ko ang pagbaon ng kuko ko sa palad ko. I am out of words. Ganito na talaga kababa ang tingin nya sakin at kasalanan ko lahat iyon. "You're kinda absurd if you ask me. How can you still be close to my sister? Sa tingin mo ba kung malapit ka kay ate, I will forgive you or worst will love you? Wake up Dakota! It won't happen!" "I know! Hindi mo na kailangang ipagduldulan sa mukha ko yan. I made a mistake that night- "Yeah, that's all it is! A mistake!" Pinigil ko ang sarili kong sumagot dahil baka hindi ko mapigil ang sarili kong emosyon. "Aalis na ako" sabi ko na lang at tumalikod pero muli akong napahinto. "How can you do that to me Dakota? I trusted you- Humarap ako sa kanya and I felt tears starting to pour out of my eyes. "Hindi pa ba malinaw sayo kung bakit ako nagpaka desperada ng gabing yun? I was stupidly inlove with you for years and for once I just wanted to feel loved by you so I pretended to be my sister! Mali, alam kong mali pero it's done and as of the moment, I do not regret everything about it" Nagsisisi ako pero hindi sa lahat nung nangyari nung gabing yun lalo na sa naging resulta nito, ang anak namin. "You are an impossible woman!" umiiling nyang sabi. "I am what I am to you, wala na kong magagawa pa doon and I won't stand in your way, hindi na kita guguluhin pa" sabi ko bago nagmamadali syang tinalikuran at lumabas ng condo. I was still wiping my tears as I waited for the elevator to open up for me. I was trying to calm myself down, ayokong maka apekto ito sa baby ko. Celestine called me nung hapon and it looks like hindi nya pa alam na nakabalik na ng bansa ang kapatid nya, hindi ko na lang sinabi pati na rin ang pag alis ko sa condo, ayoko namang umuwi ito ng biglaan lalo na at ang purpose ng pagtawag nya is to let me know that she might extend her stay in Cambodia to monitor and guide her doctors there. Nagising ako nung madaling araw with a heavy head at sinisipon, sa opisina ko sa ospital ako nag stay, maybe until makahanap ako ng available and affordable na lilipatan. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang panay pagtulo ng sipon ko, centralized aircon kasi ang buong hospital. The air-conditioning system dito ay controlled ng IT and hindi ko naman mapa adjust dahil baka mamaya ay magreport pa ang mga ito kay Celestine na ganitong oras na ay nandto pa ko. I felt a little better nung mag umaga, sinisinat na lang ako at hindi na ganoon kalala ang sipon ko. Nakita ko ang missed calls ng OB ko because I missed my session yesterday. Nagtext na lang ako ng something came up and I will need to re-schedule it next week. Nagsimula na akong mag rounds nung umaga and natapos ako before mag 11 AM. Pabalik na sana ako ng opisina ng may humarang na nurse sakin. "Dra Sy. Wala na po kasing available physician, nagkaroon kasi ng bar fight, kaya baka pwede po pa assist sa ER" "Yeah sure" sabi ko na lang dito at sumunod. Pagpasok ko pa lang ng ER ay sinalubong agad ako ng amoy ng alak at alcohol. Gusto kong masuka pero pinigilan ko. Tumambad sa harapan ko ang nasa 7 hanggang 8 lalaki na ina attendan ng mga nurse at ibang doktor namin dito. I immediately wore my gloves and looked around, napatingin ako sa lalaking nakaupo sa isang kama, nakasimangot ito at totoong nakaka intimidate kaya naman siguro walang lumalapit na nurse dito. Lumapit ako dito and smiled kahit pa naka mask ako, para namang makikita nito. "Hello, I am Dra. Sy" sabi ko dito at mabilis syang lumingon sakin. Nakakunot ang noo nito. "Patingin ako ng injury mo" utos ko rito. Mabilis naman syang gumilid kaya nakita ko ang dumudugo nitong noo. I examined it for a couple of minutes. "Mukha namang hindi nito kailangan ng tahi" sabi ko. Mabilis kong kinuha yung cotton balls na may alcohol and started cleaning his wound. "Ouch, ano ba? Magdahan-dahan ka nga!" sabi nito. I stopped myself from rolling my eyes, isa pang reklamo nito, ipapasok ko yung bulak sa ulo nya. "If only you didn't drink ng umagang umaga and got into a bar fight, edi sana hindi masakit" hindi ko napigilan ang sarili kong patulan ito. Lumingon ito sakin ng nakakunot ang noo pero tinaasan ko lang sya ng kilay. Nung matapos ako sa ER ay tinanggal ko ang coat ko. "Magla lunch lang ako, I'll be back in an hour or two pag may emergency, call me" sabi ko sa front desk namin. "Happy lunch po Dra. Sy" I smiled and then I headed out. Iba pa rin talaga ang pakiramdam pag wala kang mask na suot. Hindi na ako magko kotse dahil sa nearby restaurant na lang sana ako kakain ng may humarang sa daan ko. Kusa namang napataas yung kilay ko ng makilala ito. Ito yung masungit na lalaking ginamot ko sa ER kanina. "Yes, how can I help you?" I tried to sound as politely as possible. To be honest, pogi yung lalaking nasa harapan ko. Yung poging kayang lumevel kay Storm pero still sya pa din ang kinababaliwan ko. Juskong puso! Huminga ito ng malalim at ngumiti sakin revealing his dimples. "Okay, you're Dra. Sy, right? I am sorry about how I acted earlier it was just naiirita ako, I just got back here in the Philippines and then these people started fighting while I was just simply having fun, I mean that is not so great for day one of return here" Tumango-tango ako. Totoo naman kahit siguro ako maiinis kapag dinamay ako sa isang bagay na hindi ko alam and worst na injured pa sya. "I see, apology accepted" sabi ko and smiled at him. "I'm sorry, I have to go, I need to have my lunch and get back here asap" "Yeah, maybe I can treat you for lunch?" nahihiyang tanong nito na nagpataas ng kilay ko. "Yun is kung okay lang sayo" "I'm sorry, pasyente lang kita kanina and it is not really cool to eat lunch with you know patients? I didn't even get your name- "Well, sorry about that. Let me formally introduce myself, I am Hunter Leonardo Hermosa but you can just call me Leo" Tila natigilan ako sa sinabi nya. Hermosa? ------------ To be continued. And ang sabi nila, history repeats itself charoooot wag kayong naniniwala sakin HAHAHA VOTE AND COMMENT - KAYEEINSTEIN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD