Chapter 4

1634 Words
Dakota's POV. "I want to try the new pasta shop sa Ayala" sabi ni Celestine while we are washing our hands. Kakalabas lang kasi namin ng operating room, the surgery took about 4 hours. "We can go, ako na lang mag drive" sabi ko sa kanya. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas pagkatapos yung ginawa kong kagagahan. Paris ran away and Storm followed her, their wedding got called off pero dahil parehas silang galing sa mayayaman at malalakas na pamilya ng bansa, walang lumabas na balita. The only sad part was, itinakwil na ako ng mga magulang namin, my Dad was so mad at me, he said I was a disgrace and that he wish na hindi nya ako naging anak. I was hurt pero naiintindihan ko ang magulang ko, natatakot lang sila for Paris, ayaw nilang sumama ang loob nito dahil sa history ng sakit nya. They took all of my credit cards, ari-arian, even my own condo. What was left is my car na binili at inipon ko years ago. I was really thankful na pinag-aral nila ako and I was really passionate about my work. Hindi nila ako inalis sa ospital, maybe they wanted to but this hospital is owned by Celestine now. Nagalit din sya sakin, she said I was stupid and impulsive, na nasaktan ko din ang kapatid nya. Isa o dalawang linggo rin syang galit sakin pero she did forgive me. I am currently renting Celestine's condo, she is giving it to me na or I can pick whatever condo I want daw and she'll pay for it pero tumanggi ako, I still insisted to pay her for the monthly rent. May chineck-up pa si Celestine kaya naman naiwan ako rito sa opisina ko mag isa. Naisipan kong buksan ang IG ko. I smiled ng makita ko ang bio ko rito. So cliche but cute. Hindi ko sinasadyang ma click ang refresh button ng homepage kaya naman nag refresh ito at bumungad sakin ang i********: post ni Dalfon Storm. Surprisingly na hindi nya ko blinock sa social media nya. I felt the familiar pain ng mag load na ang post nya mismo. It was my sister in the photo, sitting down from somewhere, drinking coffee. It looks like a stolen shot, if I didn't dye my hair brown again ay maiisip ko na ako ang nasa picture na iyon. I smiled bitterly when I read his caption. Two of my favorites in one picture. Coffee and her ? Huminga ako ng malalim, kahit papano ay nabawasan ang bigat sa loob ko. They we're able to fix their relationship. Para siguro talaga sila sa isa't isa. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko pero napahinto ako ng parang biglang umikot ang paningin ko pero ilang saglit lang ay nawala rin ito. Nahihilo siguro ako dahil sa kakaisip at bihira lang din akong makatulog ng maayos, pagod pa dahil sa propesyon ko. Napalingon ako ng makarinig ng katok sa pintuan ng opisina ko na bukas na pala. Celestine is standing there at wala ng suot na coat, she is just wearing his normal black pants and pink polo. Nangangamoy ang chanel perfume nito sa buong opisina ko na dumadagdag sa sakit ng ulo ko. "You okay?" she asked. Tumango naman ako dito. "You don't look fine to me, namumutla ka" "Nahihilo at sumasakit lang ulo ko" "Double shift pa, I already told you kasi na wag mo na kong bayaran sa condo. I am not using it, I know it's hard for you, you're a Sy! Just like me, born with a golden spoon. Hindi ko din magets si tito at tita, how come they can do this to you, parehas lang naman kayong anak" Hindi maayos na pumapasok sa utak ko ang sinasabi ni Celestine pero ayoko ng sumagot sa kanya. Ayoko lang isipin ang magulang ko dahil masakit ito para sakin. "Let's just eat sa condo mo, ako na lang mag drive since you don't feel good. I will cook na lang and mom sent your favorite carrot cake" I smiled at her at nung medyo mas maging okay ang pakiramdam ko ay nagtungo na kami sa sasakyan nya para umuwi. I was watching Stranger Things from Netflix, nasa parte na ako na niregaluhan ni Nancy si Jonathan ng camera ng tawagin ako ni Celestine. Papasok pa lang ako sa kusina ng maamoy ko yung niluluto nya ay tila may humalukaw sa sikmura ko at nagtuloy ako para sumuka sa lababo. Suka ako ng suka to the point na parang internals ko na ang isusuka ko dahil di pa ko kumakain. Mabilis akong magmumog ng tumigil na ang pagsuka ko. I was wiping my mouth with tissue ng magtama ang mata namin ni Celestine, naka kunot ang noo nya at may hawak pa itong sandok. "What?" I asked her. Mas kumunot ang noo nya by this point ay kahawig na kahawig nya na si Tito Thunder. Celestine got Tito Thunder's brown eyes while Dalfon Storm got Tita Akira's black eyes. "Don't move, madulas sa part na yan" sabi nito. "Ano?" confused ko syang tiningnan. "Kailan pa yang pagsusuka na yan?" "Isang linggo na? Maybe because I am not eating properly- Inilapag nya ang hawak nyang sandok at lumapit sakin ng mabilis and then she held my face using her two hands and the weirdest thing happened, she smiled so wide. "OMG, OMG, OMG! Magha hyperventilate ako. Magiging tita na ko. OMG, nasa pamilya ata namin ang pagiging sharp shooter! OMG, mana talaga si Storm kay Daddy!" Mas na confused ako pero dumadagundong na ang puso ko sa kaba. "Are you saying that?- "You're pregnant? I am not really sure pero let's get you tested, as in now na! Pero although I am pretty sure na malaki ang chance, cause of my family history- "Stop hyperventilating, will you? Hindi pa naman tayo sigurado!" awat ko dito. Huminga sya ng malalim. Nag inhale-exhale pa sya. "I'm okay now, I'm okay pero let's go. Let's go back to the hospital. I'll have you check ASAP" "C" sabi ko dito at hinawakan sya. I bit my lip. Nakakaramdam ako ng matinding kaba at hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang tuwa. Delayed ako pero dahil hindi naman ako regular period. "Don't be scared, I will be with you" Celestine hugged me. Hindi ko namalayang nagbabagsakan na ang luha ko. "Natatakot ako" sabi ko. "What if totoo? Pano kung buntis talaga ako, hindi mo ba naiisip, hindi naman kami ng kapatid mo, ni hindi nya nga ako gusto" Nakataas ang kilay na humarap sakin si Celestine. "It doesn't matter, hindi ka man nya tanggapin. Ako, tanggap ko agad yan. He is just Storm, you will do great yourself. Isang MONTENEGRO ang dinadala mo kung totoong buntis ka. I will be with you" She held my hand. "Alam mo kung lalaki ka lang, malamang tayo ang nagkatuluyan" sabi ko at tumawa, nag roll eyes naman sya. "Kung lalaki ako, malamang tatanda pa din ako mag isa, feeling ko minsan mas masungit ako kay Daddy" she laughed. As Celestine wanted we went back to the hospital kahit gabi na. She called the head of the OB and made sure that this will be a discreet check up. Wala pang isang oras ay hawak na ni Celestine ang result ko na nagniningning ang mata sa tuwa. It's positive. I am pregnant. I am carrying one of the Montenegro's now. Lumipas pa ang dalawang linggo at halos pilitin na ni Celestine tumira kasama ko pero hindi ako pumayag. Dalaga sya at dapat ini-enjoy nya ang buhay. She is very strict and much more caring to me. Pumayag rin sya sa desisyon kong wag ng sabihin kahit kanino ang tungkol sa baby ko. Labag man sa loob nya at kahit sakin, I know Tita Akira will be excited about having her apo, hindi naman matutuwa si Storm at ang kapatid ko dito. Storm gave me a gift na walang makakatumbas. Hindi man nya ko minahal, hindi man sya napunta sakin. He gave me someone I can love more than anyone. Celestine had to go abroad dahil may bagong ospital syang bubuksan sa Cambodia. Dalawang araw lang naman sya doon pero ang habilin sakin akala mo ay taon sya doon. Day off ko ngayon dahil na din sa pamimilit ng bestfriend ko. It was a regular Tuesday morning for me. I am sitting in the couch, eating non-stop macaroni salad, na hindi ko naman kinakain dati pero sobrang pinagki crave-an ko ngayon. Nanood pa din ako ng stranger things. Nahinto lang iyon ng mag alarm ang phone ko kaya kinuha ko iyon. I snoozed it ng makita kong reminder iyon na sinet ni Celestine for my check-up. The OB needs to see me because may mga times na I feel cramps, yung parang sa menstruation, which is dapat hindi. The OB said, need nya i check ulit if tama ang findings nya sakin. The baby is fine, I just need to be careful. Bumalik ako sa panood sa netflix ng magulat ako ng bumukas ang pintuan sa condo. Mabilis akong tumayo dahil baka magnanakaw iyon or baka bumalik agad si Celestine. I was just wearing a plain white v-neck shirt and a black shorts as I walked slowly to the main area. Pero napahinto ako ng makita kung kaninong likod ang bumungad sakin. "Ate!" napahinto yata ang pagtibok ng puso ko ng magsalita sya at dahan-dahang lumingon sa akin. We both literally stared at each other for a second. Nagbaba ako ng tingin at napabuga ng hangin. "Dakota" He called me na parang pangalan ko ang pinakamagandang pangalan sa lahat. Baby, your dad is here. Dalfon Storm Montenegro is back. -------- To be continued. Vote and comment! - Noona
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD