DECEMBER JANICE TRINIDAD
NASA CLASSROOM ako ngayon at hinihintay na matapos ang klase namin. Kakatapos lang ng aming acitivity at pinapaliwanag na lamang nang aming professor ang mga sagot at ang theories na mai-apply dito. Napabuntong hininga ako kasi wala ang aking ka-kwentuhan, wala kasi si Kristelle ngayon dahil sa birthday niya. Ang sabi niya magpapaganda muna siya kaya ito ako ngayon mag-isa na nakaupo sa dulo. Katabi ko rin si Jeremy ngayon dito pero tahimik lang siya. Mukhang wala sa mood ang mokong na ito.
Actually ilang linggo na rin siyang nag-la-lie low at ‘di nag aaya na may mangyari sa amin. Matagal tagal na rin kami na magkakilala nito at naggagamitan pero di ko pa talaga siya kilala.
Wala naman akong pakialam sa kaniya pero napansin ko na masiyado siyang tahimik ngayon. Binuklat niya ang notebook niya at nakita ko ang drawing ng lotus dito halos lahat ng page ng notebook niya may drawing ng lotus, at ang ganda pa ng pagkakadrawing niya doon.
Lotus, naalala ko ‘yung natanggap kong Lotus kagabi.
“Pangit ba yung drawing?” tanong niya sa akin napatingin ako sa kaniya. “Ah hindi naman,” sagot ko sa kaniya at binalik ko ang tingin sa notebook ko pero ang ganda talaga nung drawing kaya napatingin ako ulit.
“Mahilig ka ba dyan?” tanong ko ulit sa kaniya nakita kong gumuhit ang ngiti niya sa mga mukha niya. “Oo, mahilig ako sa lotus, marami nga nito sa bahay. Nag-aalaga ako ng mga ‘yon,” sagot niya sa akin.
“Mukhang natutuwa ka pag lotus na ang pinaguusapan ha?” tanong ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin. “Mahilig ako sa halaman kaya nagli-lift up ang mood ko kapag pinag-uusapan.” sabi niya sa akin at kumuha ng red ballpen para kulayan naman ang nido-drawing niya.
Mamaya maya pinunit niya ang papel na pinagdrawingan niya ng lotus.
“Sayo na to oh,” sabi niya sa akin. Para siyang bata na natuwa masiyado sa harap ko. “Alagaan mo ‘yang lotus na ‘yan ha?” sabi niya sa akin.
Alagaan?
Siya ba ang nagbigay ng lotus sa akin ha? Magsasalita sana ako pero nagulat kami sa tawanan ng klase dahilan para bumalik ang attensyon namin sa board kung saan nagtuturo an gaming guro.
Nadinig ko na nag vibrate ang phone niya at agad niyang tiningnan ito, ‘di na kami nag-usap ni Jeremy matapos no’n. Pero nag lighten naman ang mood niya, siguro e' Lotus does really make him feel good.
Kinagabihan nagpaalam ako kay Papa na lalabas lang kami ni Kristelle dahil sa birthday niya. Kasama ang iba kong PSG pwera kay Raphael. Nakiusap ako sa head na 'di na muna ipasama si Raphael sa akin dahil busy siya sa studies niya pero ang totoo. Ayoko lang talaga siyang isama kaya pinili ko na lang ang isasama ko.
Sinundo namin si Kristelle sa may bahay niya. Today is her birthday and we decided to party and spend some time together. Dumating kami sa bahay nila ng 9:15 PM pero 9:40 na 'e di pa siya bumababa, mukhang nasobrahan siya sa kanyang pagpapaganda. Hindi nagtagal ay lumabas na siya, naka- kulay pula na body fitting dress at heels. “Pasensya ka na nagpaganda pa kasi ako ng bongga.” Sabi niya sa akin at saka nag posing bago tuluyang pumasok ng sasakyan.
“May karapatan ka na magpakabagal at magpaganda kasi birthday mo.” Sabi ko naman sa kaniya at kinuha ko ang regalo ko para sa kaniya.
“Happy Birthday Kristelle!” saad ko sa kaniya. “Tanda mo na naman, ilang taon na ka na ulit? 24?” tanong ko sa kaniya.
“Gaga, nilalait mo na naman edad ko ah!” Irregular student si Kristelle pero parang magkaedad lang kami kaya nagkasundo kaming dalawa. Dati kasi e' halos walang gusto makipag close sa akin dahil intimidating ang mga bantay ko pero makapal ang mukha ni Kristelle at 'yon, naging magkaibigan kaming dalawa nang dahil doon. Totoo ko siyang kaibigan kaya naman masaya ako at naging kaibigan ko siya dito sa college life ko.
“Hindi ah, nagsasabi lang ako ng totoo. Anyways! Happy Birthday ulit, Stelle!” bati ko muli sa kaniya.
Agad naman siyang ngumiti sa akin at mahina akong binatukan. “Salamat, December Aylabyu!” sabi niya sa akin at saka siya ngumuso na tila ba gusto niya akong halikan sa tuwa. Natawa na lamang ako sa ginawa niya tapos nakita kong tinago niya ang regalo. “Bubuksan ko to pag-uwi natin kasi baka maiyak ako ngayon, sayang sa beauty ko,” sabi sa akin ni Kristelle.
“Walang letter yan kaya ‘di ka maiiyak. Buksan mo na kaya,” sagot ko sa kaniya.
“Alam mo naman ako basta ikaw ang may gawa matatats ako.” sabi niya sa akin.
“Baliw ka talaga, kaya lagi akong nakangiti nang dahil sa’yo e. Masaya ako dahil naging kaibigan kita kaya huwag kang mag-alala. Magpaparty tayo ng masaya. Meals on me tonight!” sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. "December, hindi mo ako kailangang ilibre, basta kasama ko ang kaibigan ko masaya na ako.” Sabi niya sa akin napangiti naman ako gusto ko sanang sabihin kay Kristelle ang nangyari para matulungan niya ako, o kaya mabawasan ang bigat sa dibdib ko pero ‘di ko magawa. Natatakot ako sa maari niyang maging reaksyon o' kung baka iwanan niya ako dahil sa 'di na ako kaaya-aya. Nawalan na ako ng moral at pagkatao, ayokong mawalan rin ng kaibigan.Natatakot akong mawala ang natitirang pinagkakatiwalaan ko nang dahil doon.
“Kuya, pakibalikan na lang kami ng 1AM mamaya ha? Ayoko ng sumusunod sa akin habang nagpaparty,” utosi ko sa isa sa mga PSG ko.
“Pero mahigpit pong bilin si Raphael na wag kayong iwan kasi bar daw ang pupuntahan ninyo.” Sabi naman niya sa akin.
“Pakisabi sa kaniya wala akong pakialam at wala rin s'yang pakialam. Asikasuhin na lang niya ‘yung mga damong kakainin niya.” sagot ko sa PSG na nakausap ko. Naiinis talaga ako kapag naririnig ko ang pangalan ni Raphael.
“Sige po ma’am.” sabi niya sa akin nakita ko naman na napatingin sa akin si Kristelle. “Ano ba talagang problema niyo ni Raphael ha?” tanong niya sa akin umiling ako sa kaniya.
“I don’t want to ruin your birthday because of him. Huwag mo ng tanungin. It’s nothing serious…” sabi ko sa kaniya narating namin ang bar na pagcecelebratan ng birthday niya.
Iilang kaibigan at mga kaklase lang namin ang imbitado. Yung iba sa kanila e kaklase ni Kristelle noong highschool siya at nakilala ko na ‘rin noon.
“Happy birthday Kristelle!’ bungad ‘yan ng mga kaibigan namin pagpasok namin sa loob ng VIP room.
Si Stacey, Callie, Rina at Hanna ang mga andoon.
“Aah! Dumating na kayo. Ang tagal niyong dalawa, omg! Akala ko di kayo dadating eh!” Saad niya sa mga kaibigan namin. “Kami pa?! Ang tagal kaya naming ‘di nakita ang first daughter at ang birthday girl!” sabi naman ni Stacey at saka siya yumakap sa akin at kay Kristelle.
“Kailangan ba talaga isigaw ‘yan ha?” tanong ko sa kaniya.
“Aba naman Oo! Ang tagal namin kayong ‘di nakita no? Itong si Stelle ay busy sa pag-ulit, ikaw naman e strict ang surroundings kaya dapat isigaw ang moment na ‘to para intense!” sagot niya muli sa amin.
“Loka- loka ka, magtatapos na ako sa sem na ‘to no? Pag ako naka graduate, who you ka sa akin, Stacey!” naiinis na sagot ni Kristelle sa kaniya.
“Ang gaganda niyo na lalo, nakakatuwa naman. Lalo ka na December ang laki ng pinagbago mo. Mas gumanda ka lalo kaso nangangayayat ka naman,” sabi naman ni Rina sa akin.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. “By the way, kasama ko nga pala ang boyfriend ko at saka friend niya, pwede ba?” tanong ni Callie sa amin.
“Ano ka ba? Syempre Oo! Para masaya naman tayo. Nasaan ba sila?” malakas na tanong ni Kristelle umiingay na kasi sa may dance floor at nagkakasiyahan na ang mga tao. “Nandoon na sila, wait tawagin ko lang." Giit ni Callie at mayroon siyang hinanap sa crowd. Nang makita n'ya 'yon at biglaan siyang kumaway.
"Callix, Hero!” sigaw ni Callie.
Bumungad sa amin ang dalawang lalaki na naglalakad na papalapit sa amin. They smiled at us, and the other guys smiled at me. He even winked at me, he’s trying to flirt. Alam kong sinusubukan niyang lumandi.
“Babe, bakit?” tanong nang isang lalaki. ‘Iyon siguro ang boyfriend ni Callie.
“Ah… Hero ito nga pala yung magbi-birthday na friend ko. Siya si Kristelle at ang kasama niya ay ang first daughter naman na si December Trinidad.” sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanila. “Hello!” bati ko sa kanila nang kasama niya.
“Tapos itong kasama niya ay si Callix,” dagdag pa ni Callie.
“Hello December!” sabi niya sa akin, ngiti din ang tinugon ko sa kaniya. Naging masaya naman ang gabi, matapos ang inuman saglit nagkaayaan na sumayaw ang iba. Maraming papables na nakilala si Kristelle kaya naman sobrang say niya ngayon
“Wala ka bang balak sumayaw?” tanong ni Hanna sa akin.
“Wala Hanna, gusto ko lang muna umupo. Sige kayo na lang ang magsayaw. Iinum na lang muna ako dito at babantayan ang mga gamit niyo,” sabi ko sa kaniya and I took a sip from Tanduay Ice.
“Sige, bababa na ako doon ha?” sabi niya sa akin tumango na lang ako at saka bumuntong hininga.
Kinuha ko ang piraso ng sigarilyo sa bag ko at sinindihan ito “Don’t you mind if you light mine up?” napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Callix na nasa harap ko at nakaabot sa akin ang sigarilyo niyang walang sindi.
“Sure!” sagot ko sa kaniya at pinahiram ko ang akin at kinuha niya iyon para masindihan ang kaniya.
“I never thought na naninigarilyo ka pala. Nakakabilib…” sabi niya sa akin at saka siya umupo sa bakanteng upuan.
“I just need it to relieve stress. Hindi naman ako perpekto kaya sa tingin normal lang na naninigarilyo ako,” sagot ko sa kaniya mas lumapit siya sa akin, I’m starting to get uncomfortable with his distance.
“I never thought that I will meet you in person,” sabi niya sa akin, kumuha siya ng alak at inalok sa akin. “Di ako artista para ma-fascinate ka. Normal lang ako na tao,” sagot ko sa kaniya tumawa siya ng mahina at saka umakbay sa akin, naramdaman ko ang kamay niya sa shoulders ko.
“But you look like one, you are very pretty in person. Sobrang ganda mo,” sabi niya sa akin napasinghap ako ng madinig ko ang pagkatanggal ng lock ng damit ko. Pabalya kong tinanggal ang kamay niya pero humigpit ang kanyang mga akbay.
“Excuse me, anong ginagawa mo?” I asked him. At pinipilit kong kumawala sa akbay niya pero ayaw niya akong pakawalan.
“It seems like your having problems and I want to help you, don’t you mind if I help you forget it?” sabi niya sa akin at hinaplos ang balat ko. Hindi ako makagalaw, yung takot na nadama ko nung ginalaw ako ni Raphael bumabalik nakagat ko ang labi ko at napalunok ako, agad kong iniwas ang kamay niya at pabalya itong inalis sa akin.
“I don’t have any problems and I’m not interested with you. Excuse me!” mataray kong saad sa kaniya, tumawa siya nang dahil doon.
“Really?” He asked me at sinilid ang kamay niya sa beywang ko. At saka niya hinalikan ang aking likod nang marahan.
“Bitawanan mo ako!” sigaw ko sa kaniya. “Pakipot ka pa!” sagot niya pabalik sa akin. Ang bastos niya! Hindi ako papayag na mabastos niya ako.
“Ayoko nga!” sigaw ko sa kaniya at tumayo para ayusin ang dress ko.
“Manyak ka!” sigaw ko sa kaniya bababa na sana ako para magsumbong kay Callie pero hinila niya ako at pabalyang dinala sa may hallway na maraming nagmi-makeout. Agad niya akong hinalikan nang marating namin ang lugar na ‘yon.
“Ano ba?! Sinabi ko ng ayaw ko diba?!” sigaw ko sa kaniya.
“Alam ko na may tinatago kang kulo. Little miss perfect but naughty inside. Mag-i-enjoy naman tayo.” sabi niya sa akin and pinned me in the wall.
“Bitawan mo ako! Get off me!"
“Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw sa sakit. Napatingin ako at nakita ko siyang nasa sahig na, nagulat ako sa nangyari. May sumuntok sa kaniya at ‘di ko alam kung sino ‘yon. “No one can touch my property, she’s mine faggot!” sabi niya kay Callix, tumingin ako sa nagsasalita at nakita ko si Darius na pinapatunog ang kamao niya.
“Sino ka naman ha? At hindi sa’yo si December, she’s mine! We’re making out!” sigaw ni Callix sa kaniya.
Ako naman ay natameme, anong ginagawa ni Darius dito? Saka bakit niya ako pinagtanggol ngayon. Dapat ay wala siyang pakialam sa akin dahil sa p****k naman ang tingin nila sa akin. I’am their personal slut, things like this should make him happy. Pero ngayon, para siyang galit dahil sa ginawa ni Callix.
“Ako lang naman ang nagmamay ari sa babaeng sinusubukan mong gaguhin. Tigilan mo siya!” sabi niya kay Callix, sino bang mas gago sa iniyong dalawa? Sa pagkakaalala ko ikaw eh. tumingin sa akin si Darius.
“Let’s go!” Aya niya sa akin at lumapit siya para hilain ang kamay ko.
“Are you okay? Did he hurt you?” Nag-aalalang tanong niya sa akin pero nainis ako. Kahit na gaano kalambing ang boses niya nung nagtanong pakiramdam ko demoniyo pa rin ang nadidinig ko
“Bitawan mo ako!’ sigaw ko sa kaniya. Isa din kasi ito sa kinaiinisan ko, masiyadong mahangin puro ulo sa baba lang naman ang iniintindi. Habang buhay ko silang pito na kaiinisan at kagagalitan.
“Wala bang thank you muna ha? Niligtas kita mula sa gagong 'yon.” Sabi niya sa akin nakita kong tumayo si Callix.
“Mas gugustuhin kong makipagsex sa kaniya kesa ang magpasalamat sa’yo,” sagot ko sa kaniya tumawa siya ng malakas.
“I don’t want to share what I have,” sabi niya sa akin.
Magsasalita sana ako pero may mga ibang tao na nakakapansin ng commotion namin, hinawakan niya ulit ang kamay ko. “Aalis na tayo December, wala ka dapat dito,” sabi niya sa akin.
“Minsan lang ako gumawa ng mabuti sa buhay ko at maswerte ka dahil naranasan mo yun,” sabi niya sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
“Magpapasalamat na ba ako sa pangbababoy niyo sa akin ha?” tanong ko sa kaniya, hindi siya nakasagot sa akin.
“Bitawan mo ako, ayoko na makasama ka.” sabi ko sa kaniya at bumalik sa tabi ni Callix. Nakita ko ang pagtawa niya sa ‘kin. Na tila ba ‘di siya makapaniwala sa naging choice ko. I rather stay with this guy than with him. Kesa makasama silang lahat, mas gusto ko nang maiwang mag-isa.
“What a slut!” bulong niya sa akin.
“Mas gugustuhin mong sumama sa lalaking gusto kang makama ha?” tanong niya sa akin.
“Tara na Callix doon na lang tayo sa baba. Ituloy natin ‘yung gusto mong gawin ‘don.” Sabi ko kay Callix para naman siyang nagulat sa mga inasal ko hinatak ko si Callix pero mas nagulat ako ng hatakin ulit ni Darius. Naging maitim ang mga mata, alam mo yung parang dumilim at masama na rin ang tingin niya sa akin.
“Come with me, or I’ll spread your f*****g video,” banta niya sa akin.
“Di ako sasama sayo, kahit ngayon lang naman irespeto mo ang gusto ko. Kahit ngayon lang hayaan niyo akong kalimutan ang lahat,” sabi ko sa kaniya.
Napangiti siya ng mapait dahil doon. “Thank you lang naman hinihingi ko di ba yun mahirap? kung ayaw mong maging mabait ko. Well, I’ll take you forcefully.” Sabi niya sa akin at sapilitan ako na hinila. Pumalag pa ako pero mapilit siya nakita ko na lang na pumasok kami sa isang kwarto, madilim na kwarto.
“PUTANG IN—” di ko natapos ang sasabihin ko ng biglaan akong halikan ng marahas ni Darius.
“Bitawan mo sabi ako! Ayoko sayo!” sigaw ko sa kaniya pero pinilit pa niya binaba niya ang halik niya sa leeg ko gumapang na rin ang kamay niya sa hita ko at hinatak ang underwear ko pababa.
“Pakiusap, please ayoko na!” bulong ko ulit sa kaniya.
“Yeah.. you don't like…but you love it..” sabi niya sa akin at pinasok ang daliri niya sa loob ng p********e ko napahiyaw ako dahil doon.
'Please.. Darius… tama na, nagmamakaawa na ako sa inyo. Pagod na ako…” bulong ko sa pangalan. Pero parang wala siyang nadidinig.
“Tama na!” malakas kong sigaw sa kaniya at napaiyak na ako.
“Ayoko na sabi eh!” sigaw ko ulit ng mas ipilit pa niya ang sarili niya sa akin at saka ko siya tinulak ng malakas, napadausdos na lang ako sa pader habang kinakapa ang sarili ko.
Hindi ko na talaga kaya ang ginagawa nila sa akin. “Tama na…” mahina kong bulong habang kinakapa ang sarili ko pakiramdam ko sobrang dumi ko naman
“Decem—”
“Ayoko nga sabi eh!” sigaw ko ulit sa kaniya at humagulgol na ako pinagsisipa ko na ang mga nasa paligid ko, lumayo siya sa akin nang dahil do’n.
Lahat naman sila lalayo kung malaman nila ang totoo. At the end of the day, mag-isa lang ako.
“Tigilan niyo na ako!” mahina kong bulong sa kaniya narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan at nakita kong wala na siya.
Doon na ako nag-iiyak. Napagtanto ko na hindi di pa rin pala ako matatag, di ko pa rin talaga kaya ang magpanggap na wala na ang lahat. Di na iyon magbabago, ang tingin ko sa kanila, ang mga ginawa nila.
Ang pagtatraydor sa akin, ‘di lamang ni Raphael na pinagkatiwalaan ko ng lubos kundi na rin kay Cleve na sobrang minahal ko. Wala na akong magagawa pa para maayos ang sarili ko umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog na ako sa lugar na iyon.
****
“AYAN DIDILIGAN ko na kayo para ‘di na kayo malungkot. Dapat bright na ulit kayo pagkagising niya ha? Para matuwa siya.” Nakadinig ako ng malambing na boses kaya ako nagising napabangon ako bigla at nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod. Nakita ko din na may dala siyang pandilig ng halaman.
“Oo na, di ko pa kayo kinakantahan kaso lang baka magising siya. Alam mo ba sobrang ganda niya pag natutulog siya, di nakakasawa na pagmasdan siya--” natigil siya sa pagsasalita ng madinig niya ang boses ko.
“Sino ka?” bulong ko humarap siya sa akin at nakita ko si Jeremy.
Bakit nandito si Jeremy?
Tumingin ako sa paligid at napansin kong ibang kwarto ‘to. Iba sa kwarto kagabi.
“Gising ka na pala, maingay ba ako kaya ako nagising?” tanong niya sa akin. Kinamot ko saglit ang ulo ko. Hindi ko kasi mawari kung bakit nandito ako sa kaniya? I mean nasa bahay ba niya ako.
“Bakit ako nandito?” tanong ko sa kaniya sa medyo mataray na paraan. “Nakita ka ni Vaughn kagabi sa kwarto doon sa tinambayan namin na bar. Nakatulog ka ata, tapos dinala ka niya sa akin. Hindi ko naman alam kung paano ka iuuwi. At saka alam kong ayaw mo na iuwi ka ni Raphael. Kaya inuwi na lang muna kita.” sabi niya sa akin.
Tumawa siya ng mahina at binalik ang attensyon niya sa mga lotus. Siya kaya ang nagbigay no’n sa akin? Nilibot ko ang kwarto at ang daming Lotus Plant doon. Siguro nga si Jeremy ang nagbigay nang Lotus dahil siya lang naman ang may Lotus sa kanilang lahat. Saka mahilig siya doon. Siguro pinapangaan niya ang loob ko.
“Di naman ako weird, talagang favorite ko lang ang Lotus. Huwag kang maweirdohan sa akin ha?” sabi niya sa akin at muli siyang ngumiti.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya. “May gusto ka ba? Di ko kasi alam kung ano ang gusto mong almusalin kaya madami na lang akong pinaluto. Saka kagabi nakita ko sa News na hinahanap ka. Iuuwi na ba kita?” tanong niya ulit sa kaniya. Di ako sumagot sa halip tumayo na lang ako nalaglag ang kumot ko at napansin kong wala pala akong damit.
Agad siyang tumalikod mula sa akin. “Di ako nagtanggal niyang damit mo. Yung helper ko ang gumawa no’n kaso lang wala akong extrang damit kaya ganyan na lang. Sa kabilang kwarto din pala ako natulog.” paliwanag niya sa akin.
“Kung makatalikod ka parang wala tayong ginagawa na iba at nahihiya kang makita akong hubad ha? Nahawakan mo na ang katawan ko kaya huwag ka nang mahiya pa,” saad ko sa kaniya at lumapit ako sa kaniya ng hubad.
“Ayoko lang na may magawa na naman akong ‘di mo gusto habang nandito ka.” Sabi niya sa akin at nilihis niya ang direksyon niya pumunta siya sa likod at sinundan ko siya ng tingin pinulot niya ang pares ng pajamas at inabot sa akin.
‘Gamitin mo muna ‘yan at magbihis ka na,” sabi niya at saka siya umalis ng kwarto.
Pagkatapos kong magbihis bumaba na rin ako nakita ko na maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa kaya umupo na ako doon. Marami nga siyang pinaluto na pagkain. Nagsimula na akong kumain nang almusal mag-isa. Mamaya maya ng unti tumunog ang cellphone ko agad ko naman itong kinuha at agad kong sinagot ‘yon.
“December anak! Nasaan ka na ba ha? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa’yo!” Si Papa pala ‘yon. Napag-alala ko na naman sila.
“I just need time on my own,” sabi ko sa kaniya. “Pero bigla kang nawala ngi ‘di ka nagpaalam kela Kristelle. Alam mo bang nag-aalala ang mga kaibigan mo pati na rin kami ng Mama mo>” sabi niya sa akin.
“I know Dad, you have nothing to worry about. I’m okay, I just fell asleep, that’s all.” sabi ko sa kaniya. Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya. My Dad was trying to calm his mood. Alam kong galit na siya pero ‘di niya nilalabas ‘yon.
Alam niyang may pinagdadaanan ako at naghihintay lang siya na magkwento sa akin. “Anak, alam ko na nahihirapan ka sa kung anong pinagdadaanan mo. Alam ko na ayaw mo lang kami ng Mama mo na mag alala. Pero ayaw naming mawala ka sa amin nang dahil sa problemang ‘yan,” sabi niya sa akin.
“Dad, what if I did wrong, something real bad. Tapos ‘yung pagkakamaling ‘yon makaka -disappoint sa’yo. Are you going to forgive me? Paano kung iba na pala ang December na kasama mo kesa sa batang inalagaan mo dati? Will you accept me?” tanong ko kay Papa.
“We do mistakes to learn a lesson in our lives. Kung magkamali ka ay normal lang ‘yon. Siguro oo, madidisappoint kami sa’yo pero anak ka namin, at 'di ka namin matitiis. And we love you so much. That’s why I can’t get mad at you forever and you will always be my Princess. Ang anak ko na kahit di gano'n katalino, maganda naman at sobrang bait, na laging pinapasaya ang magulang niya. You’ve done a lot of good things and a single mistake won’t change it, December.” sabi ni Papa sa akin through the phone.
Hindi ko mapigilan ang maluha dahil doon. “I’m sorry for being a disappointment, Papa. I’m really sorry,” bulong ko sa kaniya nadinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ilang pagbuntong hininga pa ba ang gagawin nila para lang intindihin ako?
“Papatigil ko na ang search sa’yo pero si Raphael ang tatawagan mo kung gusto mo ng umuwi okay?” He asked me.
“Opo Dad, I love you po. I love you,” sabi ko sa kaniya.
“I love you din anak,” sabi niya sa akin and I hanged the phone up doon na nagtuloy tuloy ang luha ko, natigil ako sa pag-iyak ng may malaglag na bagay sa harap ko. Napatingin ako at nakita ko si Jeremy na may dalang sopas sa harap ko.
“Kanina ka pa ba diyan?”
“Simula nang tumawag ka sa Dad mo,” sagot niya sa akin.
“Narinig mo lahat?” I asked him again.
“Everything, I heard everything. And I’m sorry…” saad niya sa akin. Hindi ako nakatingin sa kaniya. Sorry, hindi naman niyan mababalik ‘yung mga nawala sa akin diba?
“Sabi nung tindera sa baba okay daw to sa masama ang pakiramdam saka sa nakainom. I think you can take this.” sabi niya sa akin at nilapag niya ang pagkain sa lamesa.
“Nakainom ka kasi kagabi baka masakit lang ulo mo” sabi niya sa akin still di ko siya pinansin at tinuloy ko lang ang pagkain. Tulad nga ng sabi ko, kahit na kailan di na babait ang tingin ko sa kanila.
“Pasensya ka na.” sabi niya sa akin.
“Saan?”
“Sa mga ginawa ko, susubukan ko na wag ng dumagdag sa mga ginagawa ng mga kaibigan ko. Pasensiya ka na ulit,” sabi niya sa akin. “Maglinis ka muna ng ilong baka sakaling may magbago,” sabi ko sa kaniya and I smirked.
“Kahit naman humingi kayo ng tawad ‘di naman na nun mababago ang buhay ko na sira diba?” tanong ko pabalik sa kaniya.
“Parang ikaw kahit linisin mo yang ilong mo, malaki pa rin.” Sabi ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga binaba ko ang tinidor at kinuha ang purse ko sa lamesa.
“Thanks for letting me stay. Babawi na lang ako sayo if you want to do it again next time,” sabi ko sa kaniya nakatingin lang siya sa akin.
“Sige...” 'yon lang ang sinagot niya sa akin at sinamahan ako sa pintuan.
“Salamat, December.” sabi niya sa akin pero ‘di ko na lang pinansin iyon at nagpara na ako ng taxi para umuwi na sa malacanang. Pagdating ko doon ay wala na sila Mama at Papa, malamang nagtrabaho na sila. Agad ko din naman silang tinawagan para sabihin na nakauwi na ako.
Di na sila nagtanong pa, ang mahalaga daw ligtas ako at wag ko ng uulitin na umalis ng walang paalam. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang libro ko para sana magbasa ng unti binuklat ko ito ang isang maliit na papel ang nalaglag mula dito.
Do you like the lotus flower? Alam ko creepy ang dating ko pero gusto kitang makilala, December. Ayoko na lagi ka na lang tinitingnan sa malayo o sumusulyap lang. I feel like I’m losing my chance to finally have you. Sana sa susunod na magkita tayo. Di mo na ako itataboy o papaalisin. Ang gusto ko lang aay makausap ka. Sorry, alam kong kulang pa iyon para sa lahat pero sana maramdaman mo.
Tinago ko ulit ang sulat sa libro matapos ko itong basahin at tumingin sa lotus flower.
Kung sakaling si Jeremy man ito? Bakit siya magpapadala ng Lotus flowers at sulat sa akin? Di ko naman siya tinatarayan ha? Siya naman ang di nakikipag usap pero it’s weird. Why would Jeremy Kid, send this kind of things to me?