Chapter 85 : Pighati para kay Boris Bori’s POV Patulog na dapat ako pero biglang tumawag si Selena. Gusto nitong mag-bar kami kaya wala akong nagawa kung ‘di ang pumayag na lang. “Gusto mo bang sumama?” aya ko kay Andrich. Nadatnan ko kasi siyang busy na naman sa sala. Nakangudngod na naman ang ulo nito sa maraming papel. Busy na siya palagi sa work na dapat ay ako ang gumagawa. “Saan na naman ang punta mo?” tanong niya na hindi manlang ako tinatapunan nang tingin. “Sa Yummy Bar. Nag-aaya kasi si Selena. Gusto sana kitang isama para alam mo na. Baka kasi pagkatapos naming uminom ay kung ano ang gawin niya sa akin. Alam mo naman. Hindi ako maaaring umayaw sa mga gusto niya.” “Kung hindi lang kailangan ang mga papel na ito para bukas ay sasamahan kita. Kaya lang ay need na talaga ito