Chapter 86 : Sino iyon? Lori’s POV Patingin-tingin si Bampi sa amin ni Callum kapag nagbubulungan kami. Si Callum naman kasi, magkukuwento lang nang tungkol sa kapalpakan niya sa work niya, bumubulong pa. Natapunan daw kasi niya ng kape ang isa sa mga ka-work mate niya na mortal niyang kaaway. Imbis na mahiya ay natuwa pa siya dahil sa wakas ay nagantihan na niya ito sa palaging paninira nito sa kaniya sa boss nila. Mabuti na lang at alam daw ng ka-work mate niyang aksidente ang nangyari. Plastikan ang nangyari. Panay ang sorry ni Callum, pero sa loob-loob niya ay tuwang-tuwa siya sa nangyari. “Aba’y mukhang may binabalak kayo mamaya. Ano’t nagbubulungan pa kayo riyan?” tukso ni Selena sa amin. Tinignan ko si Bampi. Nakakunot lang ang noo nito habang titig na titig sa akin. Iniwasan ko