Paglabas ko ng banyo ay nakita ko na siyang nakatulog. Tumabi na ulit ako sa kanya at natulog na rin. Kinabukasan ay hindi ako nagising nang maaga dahil napuyat ako kagabi. “Babe, I’m going to work.” Narinig kong sabi ni Nil sa akin nang mamalayan niyang medyo nagmulat ako ng isang mata. “I prepared your breakfast, Babe,” he said. Naglalagay siya ng necktie niya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakapikit pa ang isang mata ko habang ang isa ay nakabukas nang bahagya. Nararamdaman ko pa kasi ang antok kaya hindi pa ako ganoon nakadilat. “See you later, Babe. I love you.” He kissed me on my lips. “I love you too, Babe,” I whispered kasi hindi pa ako nagmumumog. “You eat, okay?” he reminded me. I just nodded. “Bye, Babe. I love you!” Iyon lang at lumab