As the days went by, napapansin ko na nale-late na nang pag-uwi si Nil. Katulad na lamang noong nakaraan. Sabi niya nag-aya raw kasi ang mga ka-workmates niya na mag-bar kaya umuwi siya nang medyo tipsy na. Although nakauwi naman siya nang ligtas sa condo, still, nag-alala pa rin ako lalo na nakainom siya. Ayoko pa man din siyang nagmamaneho nang nakainom. Iba na kasi ngayon ang panahon. Baka mamaya mabalitaan ko na lang na nasa ospital siya dahil nakabangga or nabangga siya. At kahit ayokong isipin minsan ay pabigla-biglang pumapasok sa isip ko iyon dahil nga sa gabi na siyang umuuwi. “Babe, next time huwag ka nang mag-iinom masyado ah,” sita ko sa kanya. “Alam mo namang malayo ang binabyahe mo pauwi eh,” sabi ko pa rito habang tinatanggal ang sapatos niya dahil gabi