Weeks after nang kasal nila Leigh at Daryl ay palagi ko nang napapansin si Nil na hawak ang cellphone niya. Although wala lang naman iyon lalo na at ka-chat niya lang naman ang mga ka-officemates niya. Isa pa, marami rin kasi siyang tinatapos ngayon na mga paper works dahil sa mga sunud-sunod daw na clients ang mga hinahawakan niya kaya okay lang naman sa akin. Hindi ko naman siya pinagbabawalan mag-cellphone ‘cause I know how he needs it nowadays. Pero kasi minsan wala na sa oras or should I say wala na sa lugar kapag nagse-cellphone siya. Like the other day, nagse-s*x kami, pero nagawa pa niyang reply-an ‘yong nag-text at nagawa pa niyang sagutin ang mga phone calls na hindi naman niya ginagawa rati. Ang weird lang kasi. Oo, important matter, important things pero