CHAPTER EIGHT

2443 Words
ECHO’s POV   Naiwan akong mag-isa sa loob ng isang hotel. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari.   Gulung-gulo ako na napaupo sa kama habang pilit na binabalikan ang mga nangyari kagabi sa stag party at kung paano kami napunta ni Nil dito.   “Talaga bang may nangyari sa amin?” tanong ko sa sarili ko habang nag-i-imagine. Gulung-gulo kasi ako sa mga nangyayari.   Para kasing hindi ko lubos maisip na may mangyayaring ganoon sa amin.   Ang huli ko lang natatandaan ay sumasayaw kaming lahat sa nakakaindak na tugtugin habang si Daryl ay nakahiga na sa couch dahil bagsak na siya. While kami ni Pit at Nil ay patuloy sa pag-inom ng alak.   “Paano ba ako napunta rito? Paano kami napunta rito ni Nil?” mga tanong ko na naman na hinagilap sa kaloob-looban ng memory ko kung paano nga ba kami napunta rito. “Paano kami napunta sa kwarto na ‘to at paanong may nangyari sa amin?!” naiiyak na ako na hindi ko maintindihan.   Bakit ba kasi sumama sama pa ako sa stag party na ‘yan eh.   Wala akong mahagilap na kasagutan kaya naman nagbihis na lang ako.   Iniwan ko ang susi ng kwarto sa side table at saka ako lumabas.   I get a taxi kasi wala naman akong sasakyan nang nagpunta ako sa stag party ni Daryl, in short hindi ko dinala.   Nang makarating na ako sa condo ko ay agad akong naligo at nagpahinga.   Gusto ko nang kumpletong tulog at baka sakaling panaginip lang ang lahat ng ito. Pero kapag minamalas ka nga naman dahil hindi rin ako dinalaw nang antok.   Bumangon na lang tuloy ako at tumingin ng makakain sa loob ng ref. Baka kasi gutom lang ako at kailangan ng laman ng sikmura ko.   Nagluto ako at kumain.   Pagkatapos ay nagpahinga habang nanonood ng tv hanggang sa maramdaman kong dinadalaw na ako ng antok.   Maya-maya pa ay nakatulog na nga ako.   Nagising ako na nakabukas pa rin ang tv at iba na ang palabas.   Pinatay ko na ito at tiningnan ang oras.   4:00 in the afternoon.   “Ang bilis naman ng oras,” naiwika ko.   Ni hindi ko nga namalayan kung anong oras ako nakauwi kanina.   Tumayo ako at nagpunta ng toilet para maghilamos ng mag-ring ang phone ko.   Mabilis ko itong tiningnan at nakita ko kung sino ang tumatawag.   “Jessie,” basa ko rito at sinagot naman ito agad. “Hello?”   “Bessy!” maingay na bungad nito sa akin kaya naman pinatay ko ang tawag sa sobrang ingay ng kaibigan kong iyon.   Nag-ring na naman ang phone ko at siya na naman ang naka-register na tumatawag.   Sinagot ko na ito ngunit hindi na muna ako nagsalita.   “Hoy, g*g*, ba’t mo naman ako binabaan hah?” tanong nito na medyo nainis.   “Ang ingay mo naman kasi, Jes. Ang sakit sa tainga ng boses mo. Sumasakit ulo ko sa iyo eh,” sagot ko naman dito na habang nakahawak sa sintido ng ulo ko.   “Pasensya ka na, Bessy,” wika naman nito, “Eh nandito kasi ako sa labas ng condo mo. Alam mo namang hindi ko alam kung ano ang passcode mo ‘di ba?” he said na dahilan para pumunta ako kaagad sa may pintuan ko at mag-type ng passcode ko rito.   Nang bumukas ang pinto ko ay, “’Yan, salamat naman at binuksan mo agad,” he said na may scarf pa talaga sa leeg.   “What’s that for?” I asked him.   “Edi scarf. G*g*ng ‘to,” he answered naman sabay pasok sa loob ng condo ko.   Ibinaba na niya ang tawag.   “I know. Pero bakit ka nagsusuot ng ganyan?” I looked at him in a mataray look.   “Bakit? Masama ba? O hindi bagay?” he then asked habang hinahaplos-haplos ang scarf na suot niya.   “You want to know the truth?” I asked him.   “I know that looked. Oo na. Hindi na maganda! Nakakainis ‘to,” he said na tinanggal naman ang scarf na nakapalibot sa leeg niya.   Naglakad na kami papasok sa condo habang ang pinto ay kusa namang sumara.   Automatic kasi iyon.   Kapag nakapasok na ang tao sa loob ay kusa itong magsasara.   Pumunta kami sa kitchen.   “Next time kasi, Jes, dress for the occasion,” saad ko rito.   “Hah? Eh bakit? Ano bang okasyon?” tanong naman nito.   Napailing na lang ako.   “Of course pupunta ka rito sa akin, magco-commute ka nang nakaganyan? Okay ka lang ba?” I even asked him.   “Ang daming arte, Bessy ah! Hindi ako sanay,” sambit naman nito.   Muli na naman tuloy akong napailing.   Dumiretso na lang ako sa may ref.   “Overnight ka ba rito?” tanong ko habang nagbubukas ng ref.   “Oo naman, Bes. Magkekwento ka sa akin kung ano ang nangyari sa stag party ni Daryl kagabi ‘no,” sabi niya sa akin.   Well, he knows Daryl.   Naikwento ko na sa kanya simula no’ng magtrabaho ako kung saan ko na-meet ito.   “Well, it actually didn’t go well,” I said na kinuha ang Pomelo juice at baso.   Nagsalin ng juice sa baso at ininom ito.   “Hah? Bakit? Anong nangyari?” he asked in a curiosity tune.   “You want?” sabay alok ko sa kanya ng juice.   “No, thanks. Gusto ko ‘yong kwento mo,” sagot nito, “Anong nangyari?” muli niyang tanong sa akin.   Ibinalik ko naman ang juice sa loob ng ref at iniwan ang baso sa table saka kami pumunta ng sala.   “Hoy, bakla ka, ano ngang nangyari? Pa-suspense pa ‘to,” he said.   You read it right guys.   I’m a gay and I am proud of who I am.   Hindi naman na kasi bago ang case ko sa panahon ngayon.   At hindi rin ako takot na sabihin sa ibang tao na bakla ako dahil wala namang masama.   Naupo na kami sa couch at, “I had fun,” a short explanation from me.   “What? ‘Yon lang? Hoy, Bes, ‘wag mo akong makwento-kwentuhan nng bitin diyan ah. Hindi ko gusto, alam mo ‘yan,” he said at totoo naman.   Hindi niya talaga gusto na kulang ang kwento ko sa kanya.   “Okay. I definitely know you talaga, Jes,” I said na kinuha ang throw pillow sabay niyakap nito.   Tumingin naman ako sa kanya.   “Actually, during the stag party, nawala ako sa sadness na nakapaloob sa akin,” saad ko rito, “Parang lumabas ako sa comfort zone ko? Ganoon,” I started.   “Buti naman kahit papaano nakalimutan mo si Demy,” he said.   Demy is my ex-boyfriend.   He dumped me nang dahil lang sa ka-officemate niyang sexy at nilandi siya.   Well actually, sabihin na lang nating nagpalandi rin naman siya.   “Huwag na natin siyang pag-usapan, Jes,” saway ko rito na halatang nag-iba ang tono ko bigla.   Ayoko naman na kasing pag-usapan pa kasi nga tapos naman na kami.   “I’m sorry, Bes. Oh ituloy mo na ‘yong kwento mo,” sabi nito na umayos na nang upo at kumuha din ng throw pillow para yakapin din niya.   “I met this guy named Nil,” I continued.   Mas umayos siya nang upo at tumutok nang pakikinig sa akin.   “He is actually a gentleman,” napangiti ako nang maalala ko kung paano niya ako kausapin at alalayan.   “Hoy, ‘yan ka na naman ah. Ikaw napakadali mong ma-in love. Porke naging gentleman lang, in-love ka na agad,” he said sabay taas ng isang kilay sa akin.   “Hoy hindi ah,” tugon ko naman dito, “Sinasabi ko lang na gentleman siya. Ang dumi ng utak at isip mo,” sambit ko.   We both chuckled naman.   “Oh tuloy na!” sabi niya sa akin na dahilan para mag-pop-up na naman sa memory ko ang nangyari sa amin na pilit kong inaalala kanina pa.   “Bes,” tawag ko kay Jessie.   Nagseryoso akong bigla.   Napatingin din siya sa akin nang seryoso.   “I think may nangyari sa amin,” mahina kong confession dito na kinalaki ng mata niya at kinatakip niya sa bibig niya.   “Oh em gi, bakla ka! Totoo ba?!” gulantang na tanong niya sa akin.   I don’t know pero napangiti ako.   “Oo ata, Bes,” I answered him.   Hindi ako sigurado, pero ang sinabi niya kasi na akala niya girlfriend niya ang ka-se*x niya that time, eh on point na meron nga talagang nangyari sa amin.   “Oh my gosh! ‘Di ka na virgin, Echo! Congrats!” sabi nito na natatawa na hindi ko maintindihan.   “G*g*. Natuwa ka pa,” sambit ko naman sa kanya.   “Syempre. May first experience ka na. Haha! Ano chika mo naman. Masarap ba? Masakit? Ano’ng feeling, bakla ka!” he said na natatawa na may kasamang inggit ang tono na nang-aasar. Hindi ko alam. Halo-halo kasi ang tono niya.   “Masakit, Bes, pero siguro may part na masarap,” sagot ko rito na kinatili naman niya.   “Ahhhhh!” literal na tili talaga niya. “Oh em gi ka talaga, bakla! Ikaw na. Hahaha,” tawa niya.   Hindi ko alam kung nasisiraan na ba siya ng ulo o ano.   “Jess!” tawag ko sa kanya.   “Oh ano, nakuha mo naman ba ang number niya? Ano na?” tanong nito na naghihintay sa isasagot ko.   Huminga naman ako nang malalim at saka umiling dito.   “Hindi. Kasi friend naman siya ni Daryl. Kaso may girlfriend siya eh,” I answered him.   “Ay! G*g* ka! Bakit ka nakipag-chuchu kung may girlfriend ‘yong tao? Ano ka ba namang bakla ka,” sabi nito na muntik ihagis sa akin ang throw pillow ko.   “Hindi ko naman alam, Bes,” sagot ko naman sa kanya na tinatakpan ang mukha ko.   “G*g*ng ‘to. Oh eh ano nang nangyari?” saka niya tanong.   “Bes, lasing kami that night,” I said, “Hindi namin alam ‘yong mga ginagawa namin,” saad ko na umayos nang upo.   “Hoy, bakla, don’t gave me that lame excuse ah. Kapag ang tao lasing, alam ang ginagawa at nangyayari sa paligid niya. Hilo lang pero never nagkaka-amnesia kaya ‘wag ako. Huwag ako ang lokohin mo,” mahaba niyang litanya.   “Eh pero bakit wala nga akong maalala sa nangyari sa amin kagabi?” I asked him na halatang-halata na sa mukha ko na nanghihingi ng kasagutan.   “Eh baka naman kasi ang akala mo nananaginip ka at si Demy ang ka-s*x mo that time! Haha,” tawa na naman niya nang malakas.   “Ugh! Hindi kaya. Never in my whole life that I have imagined having s*x with anyone,” tugon ko naman sa kanya.   “Sus. Inarte. Samantalang umikot nga ang mundo mo kay Demy, g*g*ng ‘to. Sinabi na ngang ‘wag ako eh,” muli na naman niyang sambit sa akin. Mapilit.   Napatayo tuloy ako at pumasok ng kwarto.   “Halika na nga. Labas tayo,” aya ko sa kanya na naghanap ng susuotin.   Sumunod naman siya sa kwarto ko at, “Hah? Lalabas? Ano’ng gagawin natin sa labas?” he asked na naupo sa gilid ng kama ko.   “Gusto ko lang lumabas,” sagot ko rito habang nagtatanggal ng t-shirt na naka-hanger sa loob ng cabinet ko, “Punta tayong convenient store. Bili tayo ng alak,” wika ko.   Kinuha ko ang damit at pumunta ng toilet.   “Shot tayo kahit tig-isa lang,” aya ko rito habang nagbibihis.   “Hah? Baklang ‘to. Kung ano-ano sinasabi mo,” naririnig ko namang sagot niya sa akin.   “Hindi kasi ako nakapagbanlaw kagabi no’ng uminom ako,” sagot ko naman.   Lumabas na ako ng banyo at nagsuklay ng buhok.   “Hay nako naman. Kasi inom nang inom,” inis na sabi nito sa akin.   “Eh hindi ko naman kasi alam na makakapag-enjoy ako ng bongga kagabi,” turan ko naman.   Kinuha ko ang pabango ko at nagpabango na.   “G*g* ka talaga,” sabi na naman ni Jessie na nag-ayos na rin ng buhok niya.   Lumabas na ako ng kwarto at nagsuot lang ng sandals tutal diyan lang naman kami sa convenient store.   “Tara,” aya ko na rito.   I got my phone and wallet.   “Oo heto na.”   Sabay kaming lumabas at nagtungo sa elevator.   “Next time kapag may nag-aya ulit sa iyo sa stag party, isama mo na ako ah,” utos ni Jess sa akin.   “Hah? Depende kung may magyayaya pa eh alam mo namang kakapasok ko pa lang sa work ko. Hindi ko pa masyadong kakilala at ka-close ang mga ka-workmates ko,” sagot ko naman sa kanya.   “Eh pero ka-close mo naman na si Daryl,” he said naman na kinuha ang phone niya.   “Eh syempre ka-department ko siya kaya malamang na makaka-close ko kaagad ‘yon. At isa pa, boss ko kaya siya, remember?” I answered him naman.   Humakbang na kami palabas ng elevator.   “Exactly! Boss mo siya,” saad naman nito, “Ah basta, kapag may nag-aya sa iyo, isama mo na talaga ako at baka makakilala rin ako ng kagaya ni Nil,” nakangiti nitong sabi.   “Sira. Bakla ka talaga,” sabi ko naman dito habang naglalakad na kami sa parking lot ng condominium.   “Parehas lang tayo, g*g*, haha,” tawa naman niya na kinatawa ko na rin dito.   Nakita ko na ang sasakyan ko at pinindot ang button ko sa may susi para umilaw ang headlight nito.   “Kung may iba ka pang bibilhin mamaya sa convenient store, bumili ka na lang ah at baka hindi na kasi ako lumabas bukas. Less hassle pa sa iyo,” paalala ko naman dito.   “Okay.”   Sumakay na nga kami at pinaandar ko na ang sasakyan.   Binuksan ang aircon ng sasakyan.   “Papansinin ka kaya ni Demy kapag nagkita kayo if ever?” he asked out of nowhere.   “Hah? Bakit biglang may ganoon?” I asked naman.   “Wala lang. Out of curiosity lang. Kasi pwede naman talaga kayong magkita anywhere lalo na maliit lang ang mundo ninyo.”   “Hay nako. Kung magkikita man kami, magte-thank you na lang ako sa kanya,” sagot ko nang nagda-drive na ako.   “Bakit thank you?” he asked.     “Thank you kasi he chose to dumped me,” saad ko naman dito.   “G*g*! Echos mo,” sabi naman niya dahilan para mapatawa na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD