CHAPTER NINE

2247 Words
NIL’s POV   “Babe, I’m going to buy some staffs. You want to come?” I asked Sam habang nasa kwarto ako at nagbibihis ng damit.   Katatapos ko lang kasing maligo dahil nanggaling ako ng gym sa kabilang building. Habang si Sam naman ay nasa kusina at naghuhugas ng baso na ginamit niya.   “Yeah. I will come with you,” narinig kong sagot naman niya sa akin.   “Are you still going to change?” tanong ko rito nang pumasok siya sa kwarto.   “’Yong damit lang siguro,” she answered na in-open ang cabinet at kumuha ng damit niya.   “I’ll wait for you outside then,” I said na lumabas na para makapag-slippers.   She just nodded bago ako makalabas ng kwarto.   “Saan ba tayo bibili?” she asked.   “Sa grocery,” I answered her na nag-o-open ng text message from Daryl.   From: Daryl Pare, where have you been yesterday? Hindi na kita nakita. Lunch tayo on Monday with Pit.   That was his message.   I texted him naman telling…   To: Daryl Long story, Bro. Let’s just meet tomorrow night.   ‘Yan ang message ko na kina-reply naman nito nang…   From: Daryl Sige Bro. Kita tayo tomorrow night. I’ll call Pit to tell him.   That was his last text kasi hindi na rin ako nag-reply pa sa sinabi niya.   I put my phone inside my pocket and comb my hair, but it rang again.   Kinuha ko na naman ito at tiningnan kung sino ang nag-text.   From: Daryl I already texted Pit, Bro. He agreed sa sinabi mo tomorrow night.   “Sino ka-text mo?” Sam suddenly appeared in front of me.   “Ah, si Daryl,” sagot ko rito, “Kita raw kami tomorrow night nila Pit,” saad ko, “Um, is it okay with you, Babe?” I asked in advance.   Tumango naman siya sa akin.   “Yeah, sure,” pagpayag niya, “Magkikita naman kami bukas ni Max kaya okay lang. No worries, Babe,” she said sabay tap sa cheek ko. “Let’s go at baka gabihin pa tayo. Maabutan pa tayo ng ulan,” dagdag pa niya na nagmamadaling nagsuot na ng tsinelas.   “Yes, Babe,” at sumunod na nga ako sa kanya.   Bumaba na kami sakay ng elevator at pinauna ko na lang siya sa entrance ng condominium para roon na lang siya sunduin.   “Nako, ang dilim ng paligid. Mukhang uulan nang malakas, Babe,” she said as she noticed the sky.   Madilim talaga ang buong kalangitaan.   “It’s good,” I said sabay ngiti na kinatingin naman niya at kinataas ng kilay.   “Babe, parang iba ata ang nasa isip mo,” sabi niya na kina-chuckles ko naman.   “You got me, Babe,” I said smilingly at her, “Masarap magpainit mamaya kapag umulan,” wika ko nang pabulong sa kanya.   Nagtaas naman siya ng kilay at saka sinita ako.   “Loko ka talaga, Nil!” sambit niya habang natatawa na ring nagsasalita sa akin. “Mag-drive ka nga lang diyan,” utos na lang niya na kinangiti ko na naman.   At sabay na nga kaming tumawa.   Narating namin ang grocery store in just 15-minute drive. Malapit lang naman kasi.   Nag-park na muna kami at sabay na pumasok sa grocery store.   I get a push cart tapos nag-start na kaming mamili.   “Babe, how was the stag party last night pala?” she asked na kinagulat ko namang bigla.   Hindi ko kasi inaasahan ang tanong na iyon from her.   Hindi ko alam pero kinabahan ako.   “H-Hah?” medyo nauutal kong expression dito.   “I was asking if how’s the stag party last night,” ulit niya, “Saan ka ba natulog at hindi ka kasama nila Pit at Daryl?” dire-diretso niyang tanong habang namimili ng mga sabon. “Kasi sila Pit at Daryl sinundo. I mean, si Pit sinundo ng brother niya tapos si Daryl naman sinundo ng Dad niya,” paliwanag nito, “Ikaw lang daw kasi ang wala sa kanila,” she said.   Napatingin naman siya sa akin,   “Ha?” wala sa sariling sambit ko rito.   “Um, which one do you think, Babe?” tanong niya habang itinataas niya ang powder na hawak ng mga kamay niya. “This one, or this one?”   Magkaparehas lang naman ng brand pero ‘yong isa per pack while ‘yong isa naman ay parang pinagsama ng 6packs ang grams.   “Um, the other one.,” sagot ko rito habang tinuturo ko ang mas malaki.   Ngumiti naman siya.   “Okay,” she said na nilagay naman na sa push cartang tinuro ko.   “So ayon na nga, Babe. Hindi ka naman sumasagot,” she continued again.   Naglakad na kami.   “A—Am, sa hotel,” I finally answered her.   “Hotel?” puno nang pagtataka niyang tanong sabay tingin sa akin.   “A-Ah, oo, sa hotel,” I said na talagang pinipigilan kong mautal.   “Babe, bakit sa hotel?” tanong na naman nito, “Tapos umuwi ka na hindi mo naman dala ang kotse mo.”   Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kung magtanong sa akin si Sam.   Para siyang nag-i-investigate.   “Um, naiwan ko kasi,” pagsisinungaling ko rito, “May kasama naman ako, Babe, ‘yong isang ka-batch mate namin,” saad ko kahit hindi naman totoo, “Sinamahan ko siyang ihatid sa hotel na tinutuluyan niya kasi tipsy na rin siya.” I explained.   Napatingin naman ako sa kanya.   Nakita kong tumatango siya habang naka-stop kami sa mga tissues.   “Hindi na kasi niya kayang mag-drive kaya ako na lang ang nag-drive ng kotse niya. And sa sobrang hindi ko na rin kayang bumyahe pabalik ng bar, I decided na sa hotel na lang magpalipas ng gabi,” I finally done the explanation.   “Ah, okay. Nag-worry kasi talaga sila sa iyo lalo na ako,” she said na nakaharap na pala sa akin.   “I’m sorry, Babe. Hindi na talaga mauulit. I promise,” sagot ko naman sa kanya dahilan para halikan niya ako sa lips.   “You are forgiven, Babe, as always,” she smiled at me.   Ngumiti na rin ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.   At pinagpatuloy na nga namin ang pamimili.   Marami kaming mga binili.   May paper towels, sanitary napkins, toiletries, meat, chicken, hotdogs, eggs, cup noodles, junk foods, spreads, lahat ng mga kailangan namin for the next 2 weeks siguro.   Ang dami kasi talaga niyang binili.   Nakapila na siya sa cashier ng may makalimutan siyang bilhin.   “Babe, I forgot to buy broth cubes,” she said nang maalala niya.   Aalis sana siya sa pwesto namin pero pinigilan ko naman siya.   “Babe, ako na,” I suggested.   “Okay, Babe. Lahat ng flavors ah,” she said na kinatango ko naman sa kanya.   Hinanap ko naman kung saan ang shelf ng mga broth cubes.   Then nang makita ko na ay kumuha nga ako ng lahat ng flavors.   Kumuha ako ng pork, shrimp at beef.   Hinahanap ko ang chicken ng may marinig akong nagsalita.   “Nandito pala ‘tong mga broth cubes,” sambit nang boses na narinig ko.   Pamilyar ang boses kaya napatingin ako sa nagsalita.   Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko kung sino ang nagsalita.   “Echo?” sambit ko na dahan-dahan namang kinatingin ng lalaki sa akin na nagmamay-ari ng boses na narinig ko kanina.   “Nil?!” gulat na sambit din nito sa akin. “What are you doing here?” he even asked the same question na nasa utak ko.   Napamaang naman ako.   “I am buying some staffs. How about you?” I asked also.   “Same,” he said na itinaas pa ang mga hawak-hawak niyang gamit na binili niya. “Bumibili rin ng mga pang-reserved na food,” he answered.   “Ah, okay. Nice seeing you here,” I said na medyo naiilang na makita at makausap siya.   “Ah, yeah,” sagot naman niya habang napapatango sa akin, “You too,” he said na tatalikod na sana pero nagsalita pa ako rito.   “Um, Echo,” tawag ko sa kanya na kinalingon niyang muli sa akin.   “Um, yes?”   Napalunok naman ako.   Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ang nasa isip ko.   “Um, what is it, Nil?” tanong na niya ng hindi na ako magsalita.   “Ah---Ah, about last night,” sambit ko.   Hindi ko natuloy kasi napatigil din siya sa pagharap sa akin.   “Um, I just want to say I’m sorry,” saad ko.   Finally, lumabas nang maayos sa bibig ko ang nasa utak at isip ko.   “I’m really, really sorry. I----,” muli kong sambit dito ngunit hindi ko na natuloy pa ang anumang sasabihin ko nang magsalita rin siya.   “I’m really sorry, too, Nil,” he said, “Parehas tayong lasing that night,” dagdag pa niya, “We both know na marami tayong nainom sa stag party ni Daryl. Let’s just think na aksidente lang ang lahat at hindi naman natin ginusto,” tumango naman ako sa sinabi niya.   Tama naman kasi siya.   Aksidente nga lang talaga kung ano ang namagitan sa amin.   “Yes,” pagsang-ayon ko rito, “I agree with what you said. Let’s just keep it that way,” sagot ko naman sa kanya.   Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang boses ni Sam sa hindi kalayuan.   “Nil,” hanap nito sa akin, “Nil,” muling tawag nito sa akin dahilan para mabilis akong mapapunta kung nasaan siya ng hindi nagpapaalam kay Echo.   “Babe!” tawag ko rito.   “Oh, nandiyan ka lang pala, Babe,” she said nang makita ako, “Kanina pa kita hinahanap. Ako na kasi ang next sa counter,” wika niya, “Nakahanap ka ba nang sinasabi kong mga broth cubes?” she asked.   Napatingin naman ako sa pinanggalingan kong shelf bago sumagot sa kanya nang, “Yeah. I got them all,” I answered her habang itinataas ang mga nabili kong broth cubes.   Ngumiti naman siya sa akin.   “Good,” sambit niya, “Halika na. Balik na tayo sa counter,” sabay aya na niya sa akin, “Baka hinihintay na ako ng cashier doon. Sinabi ko lang na may nakalimutan lang ako,” dugtong naman nito.   “Yes, Babe,” I said.   Lumingon pa ulit ako sa shelf kung saan kami nagkita ni Echo pero hindi ko naman siya makikita na kasi nasa kabilang side siya kanina.   “Akala ko naman kasi natabunan ka na ng mga broth cubes eh,” medyo natatawa niyang wika, “Ang tagal mo kasi, Babe,” she said habang naglalakad at papalapit na kami sa counter.   “Hind, Babe,” sagot ko naman, “Wala kasing chicken broth kanina kaya naghanap pa ako. Baka kasi magalit ka kapag walang chicken. Alam ko naman kasing favorite mo ang chicken eh,” sagot ko naman sa kanya.   Muli na naman siyang ngumiti sa akin.   “Ikaw talaga, Babe. You really know me,” saad pa niya sa akin.   Hinawakan ko naman ang baba niya at inipalit ang noo niya sa labi ko upang halikan ito.   “Because I love you, Sam,” I whispered.   “And I love you more, Nil. Oh, hayan na pala, Babe. Ako na pala talaga ang susunod,” she said nang makita niya na nagbabayad na ang nasa unahan niya.   Ako naman ay lumingon-lingon pa sa paligid at baka mahagip pa ng mga mata ko si Echo.   Ayokong malaman ni Sam ang tungkol sa nangyari sa amin.   Ayoko.   “Babe,” tawag niya sa akin.   Bumalik naman ang tingin ko sa kanya.   “Yes, Babe?”   “Help me, please,” pakiusap naman niya sa akin.   Lumapit naman na ako sa kanya at tinulungan na siyang maglabas sa push cart ng mga pinamili naming supplies.   “Thank you, Babe,” ika ni Sam na kinangiti ko lang dito.   “You’re welcome, Babe,” tugon ko.   Pero ang isip at utak ko ay lumilipad dahil sa nangyari lang kanina.   Bakit nakita ko pa siya at dito pa talaga?   Ibig bang sabihin nito ay malapit lang ang tinitirhan niya rito?   Bakit dito?   At bakit kailangan ko pa talaga siyang makitang muli?   Nasa ganyan akong pag-iisip nang tawagin na naman ako ni Sam.   “Babe, your card,” she said.   “Ah, yeah.”   Kinuha ko naman ang master card ko at iniabot ito kay Sam.   “Here, Babe,” I said.   “Thanks, Babe.”   Inabot naman niya ito sa cashier habang ako naman ay lumilingon-lingon pa rin sa paligid.   “Babe, okay na,” she then said habang inaabot sa akin pabalik ang card ko.   Kinuha ko naman ito at inilagay na ulit sa wallet ko.   “Okay, Babe.”   “Um, let’s go?” aya na niya.   Tumango naman ako rito.   Inilagay na muna namin sa push cart ang mga naka-plastic na pinamili namin at saka lumabas na ng supermarket.   Nagulat pa ako ng sa paglabas namin ay makita ko si Echo na nakatayo habang nagse-cellphone.   Napatingin naman ako kay Sam.   Buti na lang at nakatingin lang siya sa lalabasan namin.   Napalingon sa akin si Echo.   Mabilis namang lumihis ang mga mata ko upang hindi na muli pang magtama ang mga paningin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD