Simula ng iligtas si Athena ni Rafa sa pagmamalupit ni Stephanie ay lalong naging masama ang trato sa kanya ng pinsan. Tinatanggap na lamang ni Athena ang lahat ng masasakit na salita at pisikal na pang aabuso nito sa kanya. Ngayon nga ay nakatikim na naman siya ng sampal at sabunot kay Stephanie. Inutusan kasi siya nito na magtimpla ng juice para rito. Nadamihan niya ang lagay ng cube ice at hindi iyon nagustuhan ni Stephanie. Kasalukuyan itong nagwo-work out gamit ang treadmill kahit gabi na ay nag-e-exercise parin ito. "Hindi ko alam kung ano bang klase ng utak ang meron ka at parang lagi kang lutang. Puro na lang kapalkan ang ginagawa mo!" inis na sabi ni Stephanie matapos siyang saktan nito. Gulo-gulo ang buhok ni Athena at masakit pa ang mga anit niya dahil sa malakas na paghila