Papungas-pungas na bumangon si Katsumi. She felt a severe headache, probably brought on by drunkenness last night. Bababa na sana siya ng kama ng may mapansin siyang kakaiba. Parang may mali siyang nakikita. Napahawak siya sa kumot, nilibot ng mga mata niya ang kabuuan ng silid kung saan siya naroroon ngayon. Hindi ito ang kanyang kwarto at siguradong wala siya sa kanilang bahay dahil ibang-iba ang itsura nito sa kanyang silid. Ang pagkaka-interior design ay very masculine, white and grey color ang makikita mo sa buong paligid.
Pero, nasaan s'ya kung ganu'n?
Nawalang bigla ang sakit ng ulo niya, binalikan niya ang mga nangyari kagabi sa bar. Ang huli niyang alaala ay dumating ang boyfiend ni Tori, sinundan naman ng boyfriend ni Miles tapos pati na ang boyfriend ni Saab at Vera ay present narin samantalang siya ay hindi sinipot ni Gabriel, umasa pa naman siya. Masasaya silang lahat, nagtatawanan at nag iinuman samantalang siya ang pakiramdam niya ay nag iisa lang siya sa mundo nang gabing iyon. Ang lungkot-lungkot niya at nagtatampo siya sa nobyo. Naisip niyang hindi siya mahalaga rito at hindi naman siya totoong mahal nito. Matapos lang mag text na hindi siya makakarating ay hindi man lang ito tumawag o nangumusta kung okay lang ba siya o kung nakauwi ba siya ng safe sa kanilang bahay? Wala s'yang nakikitang concern sa lalaking iyon kaya nakakadismaya lang.
Napakislot siya at natigil sa malalim na pag iisip, umatras siya at nagsumiksik sa gilid ng kama ng may marinig na papalapit na mga yabag. Takot na takot na nagtago siya sa loob ng kumot. Narinig niyang pumihit ang seradura ng pinto sa silid na iyon at bumukas ito. Ang kaninang mga yabag ay papalapit na ngayon sa kinaroroonan niya.
"Finally, nagising karin, it's already one o clock in the afternoon. Did you sleep well?"
Napangiti siya nang marinig ang boses ng lalake. Ang buong akala niya ay ang nobyong si Gabriel ang nagsasalita at nasa bahay siya nito ngayon, hindi siya natiis nito kagabi at pinuntahan sa bar, wala lang siyang matandaan sa nangyari dala ng sobrang kalasingan. Lumabas siya buhat sa pagkakatago sa kumot at sasalubungin sana ng ngiti ang lalake ngunit, natigilan siya ng hindi ang kanyang inaasahan ang mabubungaran ng kanyang mga mata.
Tumili siya ng malakas sa sobrang takot, nag-histerikal, na s'ya at pinagbabato ng unan ang lalake sa kanyang harapan.
"Who are you? Bakit ka nandito? Rapist ka, noh?Pinagsamantalahan mo ba ako, hayop ka?" Tumayo siya sa kama at ang kahuli-hulihang unan na nakuha niya ay ginamit niya na panghampas sa lalake, hindi niya ito tinigilan. Umiwas naman ito at ginawang panangga ang mga kamay.
"Akala mo, isusumbong kita sa mga pulis! I will call the police to put you in jail!" sigaw nito.
Huminga nang malalim si Rafa, hindi na niya kayang pagbigyan ang kamalditahan ng babaeng ito. Hindi siya ang klase ng lalake na sumusuyo ng babae. Marahas niyang inagaw ang hawak nitong unan at ibinalibag iyon sa kung saan. Natigilan naman si Katsumi nang makita ang galit niyang mukha.
"Look, I'm not a rapist, okay! Go and check yourself if I molested you. You're still intact, nakadamit ka pa, you still wearing the same dress last night. Huwag kang masyadong OA, okay! Hindi ko gawain na makipag s*x sa tulog and I am not that greedy for s*x!" singhal niya rito.
Sinunod nga ni Katsumi ang sinabi nito tiningnan niya ang kanyang sarili, wala namang iba sa suot niya gano'n parin naman at nasa ayos maliban sa nagusot ito dahil sa pagkakahiga niya bukod doon ay wala rin siyang napansin na kakaiba sa kanyang katawan, wala namang masakit lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Sa kabuuan ay maayos naman siya.
Waring natauhan ang dalaga at unti-unti nang kumakalma nang masiguradong wala ngang nangyari sa kanila ng lalaking kaharap.
"So, tell me? Why I am here at bakit kasama kita? Nasaan tayo?" sunod-sunod na tanong niya rito. Nakakapagtaka lang kasi na may kasama siya ngayon na hindi naman niya kilala and worst nasa hindi pamilyar na lugar pa sila.
Hindi naman sumagot ang lalake at sinenyasan siya nito na bumaba ng kama na siya naman niyang ginawa. Seryoso ang mukha nito kaya nakaramdam siya nang takot, hindi rin kasi biro ang ginawa niyang paghahampas dito kanina.
Pumuwesto siya sa isang tabi habang ang hindi niya kilalang lalake na iyon ay isa-isang pinulot ang nagkalat na unan sa sahig.
"Fixed the bed!" inis na sabi ni Rafa na nakatingin kay Katsumi.
"M-me?" takang tanong ng dalaga nilingon pa niya ang kanyang tagiliran at likuran para makasigurado na siya nga ang inuutusan nito.
"Yes, you! Wala naman ibang tao rito kung hindi tayong dalawa lang and besides sino na ba ang gumulo ng higaan, 'di ba ikaw? Kaya ikaw ang mag ayos n'yan. Kung hindi mo 'yan aayusin ay hindi ko sasagutin ang mga tanong mo, that's the deal. I'll give you five minutes to do that, pagbalik ko kailangan maayos na 'yan." Lumabas na ito ng silid at hindi hinayaan na makapagsalita pa si Katsumi.
Napabuga ng hangin ang dalaga sa sobrang inis. Napaka-demanding ng lalake at parang amo kung makapag utos. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang ipinagagawa nito sa kanya. Sa isang banda ay siya naman talaga ang may kagagawan kung bakit parang binagyo ang higaan.
Hindi niya alam kung paanong magligpit ng kama dahil marami silang kasambahay kaya may gumagawa ng mga iyon para sa kanya. Wala s'yang ibang ginagawa kung hindi ang mag ayos lang ng sarili, magpaganda, kumain, mag exercise, mag-shopping at mamasyal sa kung saan-saang lugar at bansa. Nabubuhay siya sa karangyaan at hindi niya pa naranasan na mahirapan kahit kailan.
Napapakamot siya ng ulo, nauubos na ang pasensiya niya. Kahit anong gawin niyang pag aayos ay kung bakit pangit paring tingnan? Ni hindi nga niya matiklop ng maayos ang kumot at comforter. Hindi niya magaya ang pagkakaayos sa kanyang kama. Nadismaya siya sa kanyang nakita. Ngayon lang siya nahirapan ng ganito, malamig naman ang aircon pero parang pinagpapawisan siya. Nakakapagod din pala ang magligpit ng higaan.
Literal siyang napalundag sa gulat nang biglang bumukas ang pinto.
"Are you done?" tanong ng lalake sa kanya.
Parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa dahil mas lumala pa ang itsura ng kama ngayon kaysa nung iniwan ito ng binata.
"Tsk! Ano ba'ng tawag d'yan sa ginawa mo?" dismayadong tanong ni Rafa. Maganda lang talaga ang babaeng ito ngunit walang alam.
"Hi-hindi ko kaya, ano'ng magagawa ko? Alangan namang pilitin ko ang sarili kong gawin," mataray na sagot ni Katsumi.
Tiningnan lang siya nang masama ng binata kaya napaatras siya ng konti. Kung hindi lang gwapo, matangkad at maganda ang katawan nitong lalaking 'to ay matatakot na talaga siya nang husto rito dahil mukha itong istrikto at masungit.
"Let me do it, hindi ka naman pala maasahan sa bahay. Watch and learn," anito.
Inis man ay hinayaan na lang niya na ito ang gumawa tutal ay siya naman din ang nag utos. Komportableng umupo siya sa bin bag na naroon at pinagmasdan lang ang lalake sa kanyang ginagawa. Nagulat siya, hindi niya inaasahan na may lalake pa lang kayang mag ayos ng kama na parang katulad ng nakikita mo sa mga hotel. Straight na straight ang pagkakaayos nito ng sapin, wala ka man lang makikitang gusot, pati ang pagtiklop ng kumot na hindi niya magawa-gawa ay ilang segundo lang nitong natapos at pantay na pantay pa. Mahihiya ka nang higaan ang kama ngayon sa sobrang linis at ayos nito.
"How did you learn that?" manghang tanong niya rito.
Hindi naman siya sinagot nito. Nabigla na lang siya nang kuhanin nito ang isa niyang kamay at hatakin para siya ay makatayo. Parang may kuryenteng gumapang sa buo niyang katawan sa pagkakasalikop na iyon ng kanilang mga palad.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya rito habang nakasunod sa paglalakad nito. Hindi parin binibitawan ng lalake ang kamay niya. Nakaalalay ito sa kanya hanggang sa makababa sila ng hagdan. Tinungo nila ang kusina at nakita niya ang masasarap na pagkain na nakahain sa lamesa. Dinala siya nito roon at ipinaghila ng upuan para makaupo.
"Did you cook all of these?" Napapantastikuhan na talaga siya sa lalaking ito.
Chicken carbonara, garlic bread, vegetable salad at orange juice ang nakahain ng maganda sa lamesa na para bang gawa ng isang magaling na chef.
"Yes, bakit ayaw mo bang kumain? Nagda-diet ka ba?" tanong nito sa kanya.
"No... hindi ako nagda-diet," pagsisinungaling niya, ang totoo niyan ay hindi siya kumakain ng marami dahil takot siyang tumaba. Kaya lang sa ugali ng kanyang harap baka kapag sinabi niyang nagda-diet siya ay bigla na lang nitong iligpit ang mga pagkain at hindi na siya pakainin, sayang naman sa itsura pa lang ay mukhang masarap na at saka healthy food naman ang nakahain sa lamesa pwede namang mag-cheat at gagamitin niya ang araw na ito para kumain nang marami. Gutom na gutom na siya at lalo pa siyang nagutom ng makita niya ang katakam-takam na pagkain na iyon. Sino ba naman ang hindi makakatanggi kapag ganito kasarap ang nakahain sa lamesa?
Hindi na niya inantay na sabihan siya ng binata sinimulan na niya ang kumain. Namilog ang mga mata niya ng malasahan ang pasta.
Masarap ito, mas masarap pa nga kaysa sa mga fine dining restaurant na kinakainan niya.
"Kumain ka nang marami, kung gusto mo pa sabihin mo lang," sabi nito sa kanya.
"Kumain ka na rin, huwag kang mahiya sa akin." Itinuro ni Katsumi nang hawak niyang tinidor ang pagkain ng binata na hindi pa nababawasan.
Natawa na lang si Rafa sa sinabi ng dalaga na para bang ito ang may ari ng bahay at siya ang bisita.
Hindi naman nakaligtas kay Katsumi ang pag ngiting iyon ni Rafa.
"You look more handsome when you're smiling," sabi nito na parang wala lang at ipinagpatuloy uli ang maganang pagkain.
Pinagmasdan mabuti ni Rafa ang dalaga. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya may nakasamang babae sa iisang bahay na walang nangyari sa kanila. Nakasama niya ang babaeng ito ng buong magdamag at napigilan niya ang sarili na hindi ito galawin. Siguro dahil nga sa lasing ito at tulog na tulog.
Nagtataka nga siya sa kanyang sarili kung paano niya nagawang magpigil samantalang napakalakas ng epekto ng babaeng ito sa kanya. Ngumiti lang ito ay parang may tumitigas na sa kanya. Sabagay nakailang balik din siya sa banyo kagabi para mag paraos nang mag isa at maligo upang mawala ang init niya sa katawan.
Sinabayan narin niya ito sa pagkain. Hindi naman siya nagsisisi dahil inuwi niya ito sa kanyang condo. Ang totoo niyan ay nakaramdam pa siya ng matinding kasiyahan na makasama niya ang babaeng ito. Iyon nga lang hindi siya nakapasok sa opisina ngayong araw dahil hindi naman ito nagising nang maaga at ayaw naman niyang iwanan ito na mag isa dito dahil sigurado pagbalik niya ay wala na ito at hindi na niya magagawang makausap ito kagaya ng ginagawa nila ngayon na magkaharap na kumakain at nagkukwentuhan. Mukhang nakuha naman niya ang loob ng babae dahil hindi na ito mailap sa kanya ngayon at komportable na silang nag uusap.