Chapter 8- Glance

2100 Words
"Where is mom and dad?" agad na tanong ni Katsumi sa kanilang maid na sumalubong sa kanya pagapasok niya sa loob ng bahay. "Nasa ospital na po si doktora, ang daddy n'yo naman po ay bumalik na sa Japan. Kaninang madaling araw ang flight n'ya," tugon nito. Tumango ang dalaga, nakalimutan niyang aalis nga pala ang daddy n'ya ngayon para asikasuhin ang mga negosyo nito sa Japan. "May ipag uutos po ba kayo, Ma'am?" Napakislot siya nang magsalita ang kanilang kasambahay. Hindi pa pala ito umaalis sa harapan niya. "Dalhan mo ako sliced fruits sa kwarto ko," tugon niya rito. "Sige po, Ma'am," maagap na sagot naman nito at tumuloy na papuntang kusina . Samantalang, si Katsumi naman ay inakyat ang mataas na hagdan para tunguhin ang kanyang silid. Pagpasok na pagpasok ay ang paliligo agad ang kanyang inasikaso. Mabilis lang siyang nag-shower, pinatuyo nito ng blower ang buhok at saka lumabas ng banyo at naghanap ng maisusuot sa kanyang closet. Presko na ang kanyang katawan ng humiga siya sa kama. Nakapatong sa side table ang isang plato ng iba't-ibang klase ng prutas na inutos niya kanina sa kanilang maid. Nakahiwa ito ng bite size, mansanas, pakwan, melon, kiwi, peras, ubas at orange ang laman niyon. Kumuha siya ng isang pirasong grapes at agad iyong sinubo. Napangiwi siya nang matikman iyon, hindi pa niya ma-appreciate ang lasa dahil naalala niyang kaka- toothbrush lang pala niya. Dumapa siya at kinuha ang laptop na nakapatong sa tabi niya at binuksan iyon. Parang sasabog ang notification niya sa dami nang message na galing sa kanyang mga kaibigan. Isa-isa niyang binasa ang mga iyon at puro pangangamusta lang naman kung nakauwi raw ba siya ng safe. Maya-maya ay nag pop-up ang mukha ni Tori sa kanyang screen. Nagre-request ito ng video call kaya in-accept naman niya agad. "Bruha ka, where have you been? Hindi ka pala umuwi sa inyo, tumawag pa naman ako sa bahay mo dahil naiwan mo ang bag mo kagabi. Well, nasa akin naman siya kay don't you worry," dire-diretsong sabi ni Tori. "Nasaan ka ba ngayon?" tanong niya rito dahil may narinig siyang music at may mga naglalakad sa likuran nito. "Nandito ako sa coffee shop malapit sa inyo, idadaan ko sana 'tong bag mo sa bahay n'yo kaya lang 'di naman ako sure kung nakauwi ka na. Nakita kitang nag-online kaya tinawagan kita agad." "Ganu'n ba? Pumunta ka na rito, bilhan mo ako ng dark mocha frappuccino," bilin niya sa kaibigan. "Okay, I'll be there in ten minutes," tugon nito na tinapos na ang tawag nawala na ang mukha nito sa monitor. Ipinagpatuloy naman ni Katsumi ang pagbabasa ng mga news feed. Makalipas ang ilang minuto ay nasa harapan na niya si Tori, inilapag nito sa lamesa katabi ng plato ng mga prutas ang ipinabili niyang pasalubong dito at pagkatapos ay ipinatong naman ang mamahalin niyang shoulder bag sa sofa chair. "Saan ka natulog kagabi? Kauuwi mo lang ba?" agad na tanong nito. "Hmm... One hour na akong narito sa bahay," tugon ni Katsumi. "Oh my gosh! You mean magkasama kayo buong magdamag ng lalaking 'yon? Hindi ka niya hinatid dito sa bahay n'yo kagabi? Tell me ano'ng ginawa n'yo magdamag? Masarap ba siyang humalik yung tipong mapapaungol ka at liliyad ang likod mo sa sobrang kiliti. Malaki at mataba ang alaga n'ya, sa tingin mo ilang inches kaya ang haba? Naka-ilang rounds kayo?"sunod-sunod na tanong nito. Nanlaki ang mga mata ni Katsumi sa mga tanong na iyon ng kaibigan. "Huh! Grabe ka makatanong, para kang imbestigador. Yung totoo taga NBI ka ba?" natatawang naiiling binalingan niya ng tingin ito. "Hey! Huwag mong ibahin ang usapan, sagutin mo ang mga tanong ko. Masarap ba siyang kumain yung titirik ang mga mata mo sa sarap na para kang nagdedeliryo? Ano nagkainan ba kayo?" dagdag tanong pa nito. Parang gusto na niyang lumubog sa kahihiyan dahil sa pinagsasabi ni Tori. Sa kanilang magkakaibigan ito ang pinaka-liberated. Lumaki kasi ito sa ibang bansa kaya normal na lang sa kanya ang gano'ng usapan. "Ano ba kasing klaseng mga tanong 'yan?" yamot na sabi niya. "Tsk! Huwag ka na ngang magpa-cute d'yan, Katsumi! Hindi ka na bata, twenty-five years old ka na. Ano naman ang masama sa pinag uusapan natin, tayong dalawa lang naman ang nandito? Wala namang ibang nakakarinig." Saglit na hindi nakaimik si Katsumi. Ang too ay wala siyang alam tungkol sa mga pinagsasabi ni Tori. Hindi niya maamin sa kanyang mga kaibigan na wala pa siyang karanasan pagdating sa s*x. Kahit marami siyang naging boyfriend ay hindi pa niya isinusuko kahit kanino sa mga ito ang kanyang p********e. Hanggang hawak at halik lang ang kaya niyang ibigay sa mga ito. Hindi niya alam kung bakit madali lang para sa kanyang mga kaibigan na makipag-s*x sa iba't-ibang lalake? Para sa kanya ay napakahirap no'n. "Pwede ba saka na natin pag usapan 'yan? Ang kung gusto kong malaman ay kung sino ang lalaking 'yon at bakit kami magkasama kagabi. Huwag n'yong sabihin na ibinugaw ninyo ako sa kanya?" May pagdududang tiningnan niya ito. Nabigla naman si Tori. "You mean hindi mo kilala ang gwapong 'yon?" paninigurong tanong nito. "Huh! Pa'no ko makikilala 'yon, ngayon nga lang kami nagkita?" sagot naman niya rito. "That's impossible!" Tori exclaimed. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya sa kaibigan. "He told us na friends daw kayo kaya nga siya na ang nagpresinta na maghahatid sa'yo. Alam mo na may kani-kaniya kasi kaming lakad at dahil wala naman ang magaling mong boyfriend ay pumayag na lang kami. We're bestfriends forever, right? Ayaw naming mapahamak ka at hayaan ka na lang namin na sumakay ng taxi at pauwiin ka na mag-isa," mahabang paliwanag nito. Sa mga sinabing iyon ng kaibigan ay naging palaisipan sa kanya kung sino talaga ang lalake na iyon. "Anong pangalan n'ya, sinabi ba niya sa inyo?" "Huh! You mean hindi mo talaga siya friend?Pati pangalan niya hindi mo alam tapos magkasama kayo nang buong magdamag tapos hapon ka na rin nakauwi." "Tsk! Itatanong ko ba sa 'yo kung alam ko?" "Tsh! Ang weird paano pala kung masamang tao 'yon? Magiging kasalanan pa namin dahil ipinagkatiwala ka namin sa kanya. Ang gwapo naman kasi, eh! Aminin mo super yummy n'ya. Wala pa nga sa kalingkingan ng lalaking 'yon ang boyfriend mong si Gabriel." "Hmp! Bakit ba ang init ng ulo n'yo kay Gab?" tiningnan niya ng masama ang kaibigan, kanina pa kasi niya napapansin na puro hindi magaganda ang nababanggit nito tungkol sa kanyang nobyo. "Sorry to say, hindi namin s'ya feel. Ang pangit n'ya ka-bonding at mukhang manloloko." Humalukipkip pa ito at inikutan ng mata si Katsumi. "So, mas may tiwala pa kayo sa estrangherong lalake na iyon kaysa kay Gab, ganu'n ba?" Alanganing tumango si Tori. "I think, yes!" sagot nito sabay peace sign. Pinandilatan niya ito ng mga mata. Hindi naman niya masisisi ang mga kaibigan dahil si Gabriel ay hindi malapit sa mga ito. "Naalala ko na pala, Rafa-Rafael Salvador ang pangalan na sinabi niya sa amin," wika ni Tori napapitik pa ito sa hangin. _ Nakaalis na ang kaibigan ay natitigilan parin si Katsumi. Kanina masaya naman sila ng lalaking iyon, mukha naman itong galing sa mabuting pamilya at ang condo kung saan ito nakatira ay hindi basta-basta. Mga lehitimong mayayaman lang ang makaka-afford na magkaroon ng ganuong klase ng unit. Sinubukan niyang i-search ang pangalan ng binata sa kanyang laptop, maraming lumabas pero mga foreigner, karamihan ay mga lahing kastila. Hindi niya nakita ang Rafael Salvador na hinahanap niya. Naalala niya ang tanong ni Tori kanina kung masarap daw bang humalik si Rafael? Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili. Ano nga kaya ang pakiramdam na mahalikan siya sa labi ng lalaking iyon? Bigla siyang nakaramdam ng init, para bang nakiliti ang mumunting laman na iyon sa pagitan ng kanyang mga hita, kumibot-kibot ito. Aminin man niya o hindi ay sobrang attracted siya sa binata. Lalaking-lalake ang dating nito sa kanya at kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay safe na safe s'ya. The way he takes care of her, she finds him sweet kahit na may pagka-seryoso ang binata at mabibilang lang sa daliri kung ito ay ngumiti. "Rafael, why can't I take you out of my mind?" bulong niya sa sarili. - Araw ng lunes abala si Athena sa paglilinis ng kanyang silid ng pumasok si Aling Berta. "Athena, saan ka ba nanggaling at ilang araw kang nawala? Mabuti na lang at nasa ibang bansa si Ma'am Emilia at Stephanie?" tanong ng matanda sa kanya, nakasuot pa ito ng aipron na para bang kagagaling lang sa pagluluto. Napakunot ang noo ng dalaga. Itinigil nito ang pagpupunas ng estante at ibining ang tingin kay Aling Berta. Hindi niya maintindihan ang tanong na iyon ng matandang katiwala ng kanyang Tita Emilia. "Huh! Hindi naman po ako umaalis, nandito lang naman po ako sa bahay," sagot niya na bakas ang matinding pagtataka sa mukha. Lunes hanggang Biyernes ay tumutulong siya kay Aling Berta sa mga gawaing bahay, kapag Sabado at Linggo naman ay tagahugas siya ng pinggan sa restaurant ng kanyang Tita Emilia. "Apat na araw kang hindi umuwi rito, Athena. Paanong nangyaring hindi mo alam?" tanong nito. Napailing si Athena, imposible ang sinasabing iyon ni Aling Rebecca, wala naman siyang alam na ibang mapupuntahan at isa pa ay hindi siya pamilyar sa Maynila. Wala siyang kaibigan at kamag anak maliban sa kanyang Tita Emilia kaya hindi niya mapaniwalaan ang sinasabing iyon ni Aling Berta na apat na araw daw siyang nawala. Lumabas na si Aling Berta na hindi nakakuha ng sagot kay Athena. Pinagpipilitan talaga nitong hindi siya umalis ng bahay pero nakailang balik siya sa kwarto nito mula Huwebes hanggang Linggo ay hindi talaga niya nakita ang dalaga. Maya-maya niyang pinapasyalan ang silid nito ngunit wala talaga ito doon. Ngayong araw na lang ng pagbukas niya ng silid nito para i-check ay nakita na niya ang dalaga na naglilinis ng kwarto. May kakaiba kay Athena na hindi niya maipaliwanag napansin na niya iyon nang unang araw pa lang ng dalaga rito. Magaan ang pakiramdam ni Athena ngayong araw na para bang nakapag-relax siya nang matagal. Hindi pangkaraniwan sa kanya ang ganitong pakiramdam dahil madalas naman paggising palang niya ay parang pagod na pagod na siya lalo pa at araw ng Lunes ngayon. Dalawang araw siyang naghugas ng mga plato sa restaurant at talaga namang nakakapagod iyon. Ipinagpasalamat niyang wala ang kanyang tiyahin at pinsan dahil walang mag uutos sa kanila. Kung ano lang ang dapat na linisin sa bahay ay iyon lang ang gagawin niya kapag narito kasi ang mag-inang iyon ay kung ano-ano ang mga ipinagagawa sa kanya. Nilinis niya ang apat na banyo sa bahay at nagpunas-punas ng alikabok. Dalawang araw pa bago dumating ang mag-inang Emilia at Stephanie kaya nakapag pahinga sila ni Aling Berta. Bandang hapon ay inutusan siya ng matanda na mag-grocery ubos na ang laman ng pantry. Habang naglalakad siya palabas ng village at nag-aabang ng masasakyang jeep patungo sa supermarket sa kanilang lugar ay nagkaroon ng traffic. Natigilan ang dalaga ng matapat sa kinatatayuan niya ang magarang kotse. Humanga siya sa ganda nito na para bang ginagamit sa karera bihira lang siyang makakita ng gano'ng klase ng sasakyan sa kalsada. Dahil nga sa nagka-traffic ay hindi agad siya makasakay walang bus siyang makita. Nanatili muna siya sa kanyang kinatatayuan. Ibinaling niyang muli ang tingin sa magarang sa sasakyan sa gulat niya ay bumukas ang bintana niyon. Nakita niya kung sino ang nasa loob. Isang napaka-gwapong lalake na may kausap sa cellphone ang siyang nagda-drive wala naman itong ibang kasama sa sasakyan. Parang nababatubalaning tinitigan lamang niya ito. Nakaramdam naman ang lalake na parang may mga matang nakatingin sa kanya kaya ng matapos niyang kausapin ang kanyang sekretarya sa cellphone ay ibinaling niya ang tingin sa labas. Nakita niya ang isang babae na nakatayo sa gutter, nakalugay ang mahaba at itim na itim ang buhok nakapalda itong bulaklakin na halos umabot na sa kanyang sakong at naka blusa ng puti. Maganda ang babae at maamo ang mukha. Napaka inosente ng itsura nito. Nginitian ito ni Rafa nang magtama ang kanilang paningin waring napahiya naman ang babae kaya yumuko ito at nagkunwaring walang nakita kahit ang totoo ay kanina pa siya nakatitig sa gwapong binata. Umabante na ang mga sasakyan isinara nang muli ni Rafa ang bintana ng kanyang kotse ngunit bago pa niya pinaabante iyon ay nilingon niyang muli ang magandang babae. Ang direksyon ng mga mata nito ay nasa sasakyan niya. Napangiti ang binata, natutuwa siyang makita ang mukhang inosenteng babae na iyon, sayang nga lang at wala siyang pagkakataon na makilala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD