Ang pangako ni Katsumi sa sarili na hindi na dadagdagan pa ang iinom niyang alak ngayong gabi ay hindi natupad dahil ng alukin siya ni Rafa ng isang bote ng beer ay hindi niya natanggihan ito. "They are getting wilder!" pasigaw nang sabi ni Rafael. Maingay ang buong paligid dahil sa malakas na tugtugin, ang lahat ay pawang mga lasing na at nasa gitna na ng dance floor at nagsisipagsayawan at naghaharutan. "Yeah, the night is young for them to enjoy," wika ni Katsumi. Alas dose na ng madaling araw gunit parang nagsisimula palang ang gabi sa mga taong naroroon. "Would you like to go outside? The noise is not healthy for me," tanong ng dalaga. "I think that's a good idea," sang ayon naman ni Rafael. Hindi na nila kinaya ang ingay sa loob kaya napagpasiyahan nila ang lumabas. Napiling tu