Ilang araw na nagmukmok si Katsumi sa kanyang silid. Panay ang tawag at text sa kanya ni Gabriel ngunit hindi niya ito pinapansin. Galit na galit siya rito at kahit na ano pa ang paliwanag na sabihin nito ay wala ng magagawa ang mga iyon. Walang kapatawaran ang ginawa nito sa kanya. Isang umaga sa kanyang opisina, pagpasok niya sa loob ay hindi niya inaasahan na makikita roon si Gabriel. Inis na inis siya sa kanyang sekretarya kung bakit nito pinapasok si Gabriel ng walang pahintulot niya. Lalabas na lang sana uli siya ngunit maagap nitong nahawakan ang kanyang braso para pigilan kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang harapin ito. "What do you want for me, Gabriel?" inis na tanong niya rito, ipinatong niya sa kanyang office table ang kanyang shoulder bag at pagkatapos ay naupo sa kany