Alyas Kanto Boy 2
The Reunion
AiTenshi
Part 2
"Good morning," ang nakangiting bati ni Raul, lalong sumingkit ang kanyang mata pero lalong naging gwapo kapag bagong gising. "Honey cake, bakit naman naka face mask ka pa? Paano ka nakatulong ng ganyan?" pagtatak nito sabay alis ng harang sa aking mukha.
"Huwag mo nga akong tawaging honey cake! Kung anu anong itinatawag mo sa akin Robles. Nag-face mask ako dahil baka maya maya ay pumasok naman si Badtrip dito ay gumawa na naman ng karumaldumal na gawain!" ang naiinis kong sagot.
Hinalikan niya ako sa labi, "huwag ka na nga magalit, ang aga aga ang init init ng ulo mo. Saka huwag ka natutulog ng may face mask dahil baka makalimutan mong huminga," ang dagdag pa nito sabay yakap sa akin at ikunulong ako sa kanyang bilugang braso. Ako naman ay sumubsob sa kanyang dibdib at muling pumikit para mag-relax.
"Pakisabi nga do’n sa matronang lumalandi sa iyo sa opisina na kasal 5 years ago, baka naman hinuhubad mo ‘yung wedding ring natin at nag f-feeling single ka?" tanong ko sa kanya.
"Naniniwala ka ba talaga na papatulan ko iyon? Lola na iyon e, bakit kailangan mong mag-isip ng ganyan?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Dahil nakita kong nakakandong sa iyo iyon, at ikaw naman ay nagpapa-cute pa," ang tugon ko habang nakabusangot.
"Pinulikat daw kasi siya kaya kumandong muna sa akin. Saka bakit ka nag-iisip nang masama e hindi naman kami nakahubo't hubad."
"Kailangan ba talaga makita ko pa kayong hubot hubad bago ako magduda at mag isip? Ang point ko lang ay matuto kang lumugar dahil committed ka sa ‘kin. At sana marealize mo na nasa kabilang cubicle lang ako at nakikita ko kayo, sa susunod ay babarilin ko na lang kayo ng pellet gun!" ang asar kong sagot sabay kurot sa braso niya.
"Arekup, ang point mo ay pointless. Iyan ang hirap kapag sobrang gwapo at sobrang charming ng asawa mo. Nakakapraning talaga iyan kaya nauunawaan kita. Saka isa akong perfect husband, kahit kailan ay hindi ko nagloko at hindi ako tumingin sa iba," ang pagmamalaki nito.
"Tumingin ka na sa iba, akala mo ba nakalimutan ko na kung paano silipin ‘yung ngi-ngi ng pwet ng fake na jowa ni Johan na si Pretty? Gusto mo i-flash back ko pa na kunwari nahuhulog ‘yung susi mong dala para lang makasilay singit niya? Para kang manyak noon, kulang na lang ay lumuwa ang mata mo at kay sarap mong bulagin," ang tugon ko sa kanya dahilan para matawa ito, "wala akong alam diyan sa sinasabi mo," pagde-deny nito.
Siniko ko siya, "Amnesia amnesiahan ka pa diyan, e. Bumangon ka na nga, may pasok pa tayong dalawa," ang wika ko sabay halik sa kanyang labi.
Ang buhay namin ni Raul dito sa Amerika ay paulit ulit lang, magtatrabaho, matutulog, gigising at saka mamasyal kapag may libreng oras. Kaya naman halos limang buwan palang kami dito ay parang bored na bored na si Raul, marahil namimiss na niyang tumambay doon sa kanto ng compound nila at makasama ang kanyang mga kaibigan.
Matino naman si Raul sa work, mas kinagigiliwan pa nga siya kaysa sa akin. Mas charming kasi ito at mas maappeal sa mga client na babae, lalo na sa mga pinoy kaya't sa dami ng kanyang ginagawa ay hindi na kami masyadong nagkakasabay kumain sa tanghali. Magkikita na lang kami sa hapon at sabay kaming uuwi. Pero bumabawi naman kami sa gabi dahil madalas ay magkayakap kami at naglalambingan.
"Honey cake may nag-doorbell, buksan mo naman," utos ni Raul habang nagluluto ito ng lunch.
Yung kada linggo ay paiba iba ang tawag niya sa akin, may honey cake, carrot cake, ube cake lahat yata ng cake na inoorder niya doon sa paborito niyang shop ay ibinabansag sa akin. Pero hindi ko na lang pinapansin dahil literal na sweet naman talaga ito. "Good morning, mga baklush," ang bungad ni Marci noong buksan ko ang pinto. Siya ‘yung kaibigan naming single mother sa kabilang unit. Siya ‘yung pinakamabait, pinakamaingay at pinaka may topak na babae dito sa building, ang ibig kong sabihin ay literal na bakla ang ugali niya.
"Oy Greg, may importante kasi akong meeting ngayong araw kasama ko ‘yung hot, handsome and seductive na boss ko, ‘yung kinukwento ko sayo na malaki ‘yung bukol dahil may itinatagong monster c**k sa loob ng brief niya. Remember?" ang tanong nito.
"Yeah, bakit ba? E ‘di pumunta ka sa meeting n’yo," ang tugon ko naman.
"Pero wala namang kinalaman ang boss ko sa pagkatakot ko sa door niya. Eh ‘di ba nga aalis ako, baka naman pwedeng iwan ko muna sa inyo ang baby ko. Wala kasi ‘yung kasambahay ko dahil nag-off ito ngayon araw."
"Pero hindi ako marunong mag-alaga ng baby," ang tugon ko.
"Ano ka ba, kailangan magsanay ka. ‘Yung mga man to man couple dito ay nag-aanak sila para di sila hiwalayan ng asawa nila. Bahala ka ikaw rin, kapag naghanap ng baby yang asawa mo kailangan ay mag-agree kayong dalawa sa plan niya kundi ay baka sumama yan sa tunay na kepyas. O, siya madali lang naman mag-alaga ng baby, ibaba mo lang siya doon sa kama at nandito ‘yung bag, mayroon na ring oras kung kailan siya papa dedehin. Sobrang late na ako Greg, see you later!" ang wika nito sabay abot sa akin ng bata. Wala naman akong nagawa kundi kunin ito.
Umalis si Marci, agad akong pumasok sa loob buhat ang baby. "Raul, mamaya ka na magluto, alagaaan mo muna itong baby," ang wika ko.
"Aba hindi ako marunong mag-alaga ng baby, saka bakit mo ipapasa sa akin ikaw ‘yung babae sa ating dalawa! Kung ayaw mo ay itabi mo na lang iyan doon kay Badtrip, siya na bahalang mag alaga diyan sa baby!" ang hirit nito.
"Sira!! Huwag mo ngang ipasa sa aso ‘yung pag-aalaga!" ang tugon ko. Wala akong nagawa kundi ihiga ito sa kama at bantayan. Tinapik tapik ko ito, nilaro laro ang maliliit niyang kamay, nag wacky face ako, at hinunta hunta ito hanggang sa mapabungisngis ko. Noong makita ko ang kanyang ngiti ay parang lumundag ang aking puso sa galak. "Tingnan mo to Robles! Tumatawa ang baby!" ang galak kong pagmamalaki.
Agad naman lumapit si Raul at pati siya natuwa noong makitang tumatawa ito. "Ang cute, ganyang ganyan din si Badtrip noong baby siya," ang hirit nito.
"Wag mo nga i-compare itong cute na baby sa aso mong abnormal!" ang suway ko sa kanya sabay siko dito. "Arekup, magtimpla ka na ng gatas dahil nagugutom na siya," ang utos ni Raul.
Noong mga oras na iyon ay wala kaming ginawa kundi ang titigan at bantayan ang baby na nakahiga sa kama. Tuwang tuwa kami kapag tumatawa ito habang nakalabas ang kanyang buoy. Tapos ay hahawakan ng maliit niyang kamay ang daliri namin ni Raul, sobrang nakakalusaw ng puso. Kadalasan ay kapag walang pasok ay inuubos namin ang oras sa panonood ng Neflix, ngayon ay tila nag iba ang aming routine at mas maging makabuluhan ito.
"Bagay pala sa iyo maging ama," ang biro ko kay Raul habang pinanood itong karga ang bata at pinadedede. Pinicturan ko siya at ini-upload sa aking social media na humakot ng maraming likes at reaction.
"Nakakalibang rin pala ang magkaroon ng baby at masarap sa pakiramdam," ang wika nito sa akin.
"Oo naman, nakakawala na stress at may mag-aalaga sa iyo pagtanda mo," ang wika ko habang nakangiti. Kinuha ko ang baby sa kanyang braso at maingat na inihiga ito sa kama.
Halos alas 5 na ng hapon noong dumating si Marci, bitbit niya ang isang box ng pizza at cake na ibinigay sa amin bilang pa "thank you" sa aming pag-aalaga sa kanyang anak. "Alam n’yo bagay sa inyo magka baby, para kayong BL actor sa Thai series. Bakit hindi kayo magplan mag surrogate para may baby kayo at mas lalong tumibay ang samahan n’yo? O kaya kung kaya n’yong jumujug ng babae edi jontisin n’yo at bayaran para mayroon kayong bongga junakis. Pag-isipan n’yo iyan ha, sayang ang yaman ninyong dalawa kung wala kayong anak lalo't 5 years mahigpit na kayong married," ang wika ni Marci.
Natawa kami ni Raul, "pag iisipan namin iyan. Salamat dito sa boxes ng pizza at cake," ang tugon ko.
"Walang anuman, ninong kayong dalawa ha, malapit na tong binyagan," ang dagdag pa niya sabay pasok sa kanilang unit.
Inakbayan naman ako ni Raul, "Lika, gawa tayo ng baby natin," ang nakangising wika nito.
"Sira, asa ka pang mabubuntis ako, kunsultahin natin sila mama tungkol diyan sa plano natin, baka mabigla na naman sila sa padaskol daskol nating desisyon."
"Kasi parang hindi kompeleto at hindi ganap ‘yung pagiging isang perfect husband ko kung wala tayong anak."
"Robles, yang pagiging perfect husband mo ay isang guni-guni, self proclamation at isang dilusyon. Hindi ka perfect husband dahil marami kang kalokohan. Sa wala namang namamg perfect sa mundo ‘di ba? Kaya nga kita minahal dahil hindi ka perfect and that's the best thing about you," ang nakangiti kong tugon.
"Binabasag mo na naman ako e," pagmamaktol nito.
"Alam mo, there's no such thing as perfect husband. Walang perpekto sa mundo ‘di ba? Pero para sa akin ay ikaw ang pinaka the best sa lahat," ang pagbawi ko sabay hila sa kanya sa loob ng banyo at dito ay nagyakapan kami at ginawaran ng matamis na halik sa labi ang isa't isa.
Itutuloy.