Lumipas ang dalawang buwan ay hindi pa rin pinapansin ni Jasmin sa Marco. Galit na galit pa rin siya sa ginawa ni Marco at kahit anong gawin ay hindi mawawala sa kayang isip ang video nang dalawa. Habang umiinom ng kape ang mag-ama sa garden ay nagkaroon sila ng oras na magkausap. Naalala ni Franco ang pinag-usapan ni Marco at Danica. Alam ni Franco mula pa simula ay ayaw na ni Marco kay Danica, kaya mas pinili nitong manirahan sa Amerika kasama ng lolo at lola nito. Lumaking malayo si Marco sa kanyang ama, nalungkot si Franco nang na-realized niyang napabayaan niya ang kanyang anak. "Marco, sana hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa. I'm sorry anak kung napabayaan kita, hayaan mong bumawi ako sa lahat nang pagkukulang ko sa iyo." "Daddy, huwag po kayong mag-aala nabura na po a